Another Day

77 0 1
                                    

Pakiramdam ni Val ay may pumipigil sa kanyang paggalaw. May naka dantay. Tuluyang luminaw ang kanyang inaantok na isipan ng may mahinang umungot kasabay ng pag galaw ng higaan. Nawala ang tila gumagapos sa kanyang katawan. Pag mulat niya ng mga mata ay nakita niya si Nyx na naka tingin rin sa kanya. Bagong gising lang rin.

"Hey." Bati nito.

Hinawi nya ang kumot na bumabalot ka katawan. Mainit na. Hindi sapat ang hangin ng electric fan na naka tapat sa kanila.

"Anong oras na?" Pagtingin ko sa phone mag aalas dyes na. Eksakto pang dating ng tawag ni Rick. Hindi ko sinagot ang tawag. Umalis ako sa higaan. Sumunod kay Nyx.

"Pagamit ng banyo."

"Sige lang. Iinitin ko yung almusal. Anong kape mo?" Basta ko na lang ipinusod ang buhok ko. Ininit ang mga ulam.

"Black coffee tinimpla ko. Andyan sa mesa ang creamer kung gusto mo." Nang lumabas si Nyx ng banyo ay ako naman ang gumamit.

"May tinapay ako rito kung ayaw mong magkanin." Naabutan kong nag kakape lang ang lalaki.

"Sige." Iniabot nya rito ang tinapay.

Umupo siya sa silyang katapat nito. Nag indian seat habang hinahahalo halo ang kapeng mainit. Tumulala. Kung hindi pa pumitik si Nyx sa harapan niya ay hindi sya matatauhan.

"Kumain ka." Iniisod nito palapit ang bandehado ng kanin.

"Sige." Pero sa totoo lang, iniinda ko ang nangangawit na likod. Walang foam ang mga upuan ko dahil yari iyon sa narra. Masakit iyon sa likod. Sobrang tigas!

"Buti hindi ka maselan sa pagkain, ano?" Ginawang palaman ni Nyx ang hotdog minsan ay iyung itlog.

"Hindi." Sige ito sa pagkain.

Humigop siya ng kape. Napa lingon ng may marinig na pagkatok. Kasabay niyon ang pamilyar na boses.

"Val?"

"June?" Napa ayus ako ng upo. Kinabahan. Nanlaki ang mga mata habang naka tingin kay Nyx.

"Bakit?"

"Ah, w-wala. Sige kumain ka lang dyan." Dala ang tasa ng kape na tinungo ko ang pinto. Sa labas ko na lang kakausapin ang pinsan.

"June. Bakit?" Nang buksan ko ang pinto ay si June ang unang nakita ko. Huli ko ng napansin si Tito Jasper na nasa gilid ng bahay.

"Si Tatay. Kailangan kasi magpa picture. Ngayon na kailangan. Naubusan ako ng ink sa printer eh. Wala na rin akong photo paper." Humarang ako sa pintuan.

Ayaw niyang papasukin ang Tiyuhin at pinsan. Isa pa si Nyx.

"Wala rin akong available na photo paper, Tiyo. Mapipicturan kita pero hindi rin natin mapapaprint."

"Ay ganun ba?" Si Tiyo.

"Opo. No choice po talaga kundi lalabas kayo."

Nagpaalam si Tiyo ngunit hindi si June.

"Dito muna ako kay Val, Itay. Hetong extrang pera oh." Inabutan ni June ang ama ng ilang daang papel.

"Tatambay ka dito? Eh aalis din ako." Hindi ko talaga pinapapasok ang pinsan.

"Aalis ka? Saan ka pupunta? Doon sa boyfriend mo?"

"Hindi ko boyfriend iyun. Kaibigan ko lang iyun!"

"Kaibigan ka dyan! Hindi ako naniniwala! At saka papasukin mo nga ako." Pwersahan nitong pinasok ang sarili. Umupo.
"Anong oras ka ba aalis?"

"Mamaya. Uubusin ko lang itong kape ko." Kahit mainit init pa pwersahan kong nilaklak ang kape ko. Kaso hindi talaga kaya ng bunganga at lalamunan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LingerWhere stories live. Discover now