Baby sitter

77 0 0
                                    

"Tapusin mo na iyang pagkain mo. Ako na muna sa kanila." Si Nyx ng magbalik sila ng kusina.

Kalong nya si Sofia habang si Eric nawiwili na sa panunuod sa cellphone niya.

"Marunong ka ba?"

"Hindi ako marunong kumarga. Pero lumalakad na iyan di ba?"

"Oo." Inilapag ko si Sofia. Nag umpisa na itong habulin ni Nyx. Mabilisan akong kumain at mag ligpit.

"Halika Eric." Inaya ko sa salas ang bata. Naruon din sina Nyx at Sofia, nag hahabulan.
Nang may maalala ako. Walang gatas ang mga bata!

"Nyx!" Lumapit ako sa dalawa at kinarga si Sofia. Ang inipit kong buhok ay hirap na nitong paglaruan.

"Pasuyo muna ako ng gatas nitong dalawa. Saka dedehan. Kahit yung maliit lang. Teka kuha lang ako ng pera." Tinalikiran ko ang lalaki para kumuha ng pera.

"Anong gatas ang bibilhin ko?"

"Hindi ko alam!" Paano ba ito?!
"Bumili ka na lang nang Bear Brand. Bilisan mo ah?" Napa daing ako ng bigla akong sinampal ni Sofia.

"Sofia, No! Bad!" Naka alis na si Nyx.

"Mamam! Mamam!" Tinuro nito ang bibig.

"Iinum?" Muli na naman akong napa hinto. Hindi pwede ang tubig gripo sa bata. Agad kong tinawagan si Nyx.

"Nasaan ka na?"

"Kakaalis ko lang."

"Sa pinaka malapit na convinience store ka bumili ah. Pati pala tubig. Iyung distilled water!"

"Sofia! Anong gusto mo?" Konti na lang mapapalo ko na ang paslit. Ang likot na at panay ang hingi ng kung ano. Malamang inaantok na ito at gusto ng mag gatas.

"Sofia. Baby." Umiiyak na ang paslit nang maka balik si Nyx. Tumungo sila ng kusina. Nang makita ni Sofia ang dedehan ay nagkakawag ito.

"Wait lang baby. Pakukuluan pa iyan Nyx." Itinuro ko kay Nyx kung paano mag sanitize ng bote.

"Sa baso ka muna uminom baby." Nagkanda tapon tapon na ang gatas na pulbos dahil inaabot ni Sofia ang kamay ko.

"Ako na." Inagaw ni Nyx ang ginagawa. Dinampot ang baso at akmang lalabas ng kusina ng pigilan nya ito.

"Saan mo dadlhin iyan?"

"Kay Eric."

"Hindi. Kay Sofia iyan." Inagaw ko ang baso.
"Tingnan mo iyung bote baka maluto. Hanguin mo na." Pinainum ko sa baso si Sofia pero ayaw ng paslit. Tumatapon tuloy ang gatas.

"Mag hugas ka ng kamay. Ayusin mo iyung chupon." Agad namang tumalima si Nyx habang isinasakin ko sa bote yung natitirang gatas.

"Heto na baby. Teka lang." Nakikipag agawan na si Sofia sa dedehan. Pero ang likot pa rin. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam ko sa natapong gatas.

"Patimplahan naman ng gatas si Eric. Pasuyo na. Saka ikaw muna dito kay Sofia. Mag aayos lang ako sandali."

"Sige. Sandali lang." Matapos nitong makapag timpla ng gatas ay agad nito iyong ibinigay kay Eric ang baso. Pinaubos ang gatas.

"Ganito... ihele mo habang tinatapik tapik mo." Ako na ang nag ayos ng mga braso nito upang maayos na makarga si Sofia. Dali dali siyang kumuha ng pamalit na pambahay saka binalikan ang tatlo.

"Eric, halika. Tutulog na. Si Sofia, natutulog na oh?" Tinuro ko ang kapatid nitong karga ni Nyx.

"Si Papa?" Ungot nito habang lumalapit.

LingerWhere stories live. Discover now