Find You

171 2 0
                                    

Nag hahumming na isa isang pinaka titigan ni Val ang mga kinuhang larawan. Nito lang nakaraan ay may kumuha sa serbisyo ni June upang mag prenup sa isang gubat. Fantasy ang theme ng couple kaya naman in full gear ang team ni June.

"Hey Val." Si June sa likod ng pinto ng kanyang work room.

"Lalabas na." Dala ang kamera na tinungo ko ang pinto. Partimer lang ang tabaho ko dito sa pinsan ko at wala pa namang may kailangan sa akin sa Glamour.

"Miryenda." Inuwesta ng pinsan ang malaking box ng yellow cab. Sya namang dating ni Henry na may dalang pitsel ng juice.

"Kain na habang mainit pa." Ani pa ni Henry.

"Okay na yung mga pictures, Henry. Yung video ba nang ikakasal?" Dumampot ako ng isang slice.

Sumanyas si Henry nang 'okay'.

"Galing talaga nang team ko!" Si June.
"So, bukas pwede nang ideliver iyung mga pictures and videos."

"Oo. Nang mabayaran na tayo. Wala na akong ipapakain sa aso ko." Si Henry na tinutukoy ang dalawang alaga na teacup dog.

"Buti hindi na nanakaw iyong alaga mo ano?" Aba'y mukha iyon stufftoys sa liit. Ang lambot pa ng balahibo.

"Kaya nga eh. Mayayari talaga ako ni Kyla pag nangyari iyun." Tukoy nito sa nobya.

"Uy, Insan. Nakita ko si ano ahh...?" Si June.

"Sino?"

"Si Patricio! Lalong gumwapo!" Tila pa ito kinikilig.

"Oh tapos?" Kumagat ako ng malaki sa bagong slice ng pizza. Paki ko sa ex ko.

"Single pa. Uy!! May chance!" Kantyaw nito na may kasamang pagtulak.

Umismid lang sya.

"Hindi na uy! Hindi pa sya kinain nang mga pating? Nalunod man lang." Umirap ako sa hangin.

"Bitter, 'te?" Pagpapatuloy nito.

"Bitter ka dyan!" Pinandilatan ko ang pinsan.
"Hindi no. Maayos naman kaming nag hiwalay nun!" Ang kinaiinisan ko lang ay iyung wala pa kaming isang linggong hiwalay ni Patricio, aba, nabalitaan ko na lang na may bago na ang hudyo!

"Okay. Sabi mo eh." Pero tila hindi kumbinsido si June.

Matapos mag miryenda ay nag paalam muna syang maglalakad lakad. Sa isang parke sya pumunta. Gamit ang kamerang dala ay panay panay ang kuha niya ng mga litrato. Hindi pa nakuntento ay lumakad habang panay ang kuha sa mga eksenang magugustuhan.

Kasalukuyan nyang tinitingnan ang mga kuha ng may tumawag kasabay ng tapik sa kanyang balikat.

"Huh?" Maang na tanong ko sa lalaking kaharap. Naka pusod patalikod ang buhok nito.

"Bakit po?" Sinuri ko ang lugar kung saan ako naka tayo. Hindi naman ako naka harang sa daan.

"Hey, I'm Rick... Remember me?"

"Huh?" Naiartas ko ang ulo at naguluhan.
"Ah. Sorry po. Wala po akong kilalang Rick--"

"Yung nag-ask sa iyo kung pwedeng makitawag. Last month habang umuulan." May binanggit pa itong address ng lugar.

LingerWhere stories live. Discover now