With Rick

109 1 0
                                    

"Umiinum ka?" Tanong ni Rick sa akin. Isineset-up na ni Caster ang mesa. Ang natirang handa ang pulutan plus chitchirya na dala ni Nyx kanina.

"Hindi ako umiinum nan." Tukoy ko sa inumin nila.

"Saka akala ko ba saglit lang tayo?" Bulong ko pa.

"Uuwi na talaga tayo nang 9. Hetong coke. Magpaka lunod ka." Ibinigay nito sa akin ang tall glass na puno ng yelo at pitsel ng coke sa harapan ko. Umupo sa tabi ko pagkatapos.

So ayun nga ang nangyari, nilasing niya ang sarili sa coke. Sumabay sa kwentuhan ng apat na lalaki. Tulad nang usapan, umalis sila ni Rick nang alas nueve.

"Salamat sa masarap na pagkain. Happy birthday ulit." Ani ko kay August. Iniiwasan kong mapa tingin kay Nyx.

"Uuwi ka na rin naman, tagayin mo na ito." Si August.

"Uuwi na lang ako, August, may pahabol ka pa." Tinanggap ko ang baso na may lagpas kalahating laman nang serbesa. Isinalin ko iyun sa baso kong may yelo pa. Napa ungot ako sa lamig ng inumin.

"Oh, hayan." Ibinalik ko ang baso kay August.

"Mag-ingat kayo sa daan." Hinatid kami ni August hanggat sa gate ng bahay nito.
"Hoy, Donrick. Huwag kang kaskasero ah?!"

"Oo. Mag chachat ako pag nasa bahay na ako." Si Rick.

"Saan kita ihahatid?" Si Rick habang binabagtas na namin ang kalsada.

"Doon na lang sa shop ng pinsan ko. Babalikan ko pa yung kotse ko eh."

Pagkahatid sa kanya ni Rick ay hinabilinan pa sya nito na mag text para masigurong ligtas siyang naka uwi.

"Naka uwi na me." Pinadala ko ang mensahe kay bakla.

"Ako din. Babush na. Beauty rest na akech."

Napa tawa sya sa nabasa.
"Ikaw na may beauty rest!" Inilapag ko lang ang bag sa sofa. Hinubad ang sapatos kasabay ng pag huhubad ng suot na damit at pantalon. Naka underware na naglakad tungong kusina. Uminom. Pagdaka ay pumunta ng banyo upang mag half bath. Matapos magpatuyo ng sarili ay nag suot ako nang roba. Ni hindi ko na iyon inabala pang itali.

Pag balik nang sala ay saktong tumunog ang phone niya. Si Rick tumatawag.

"Oh? Akala ko ba magb-beauty rest kana?"

"May gagawin ka ba bukas? Malapit na monthsary namin ng boyfriend ko. Papasama akong maghanap nang regalo."

"Laba day ko bukas." Mag lilinis pati ako nang bahay. Dala ang bag na tinungo ko ang kwarto. Ipinasok sa loob ng aparador.

"Ay ganun?! Maghapon ka bang maglalaba?"

"Maglilinis rin ako nang bahay. Pero kung gusto mo, tulungan mo ako para madaling maka tapos." Hinubad ko ang roba sabay dive sa kama.

"Aba! Masaya ka!" Tinawanan niya ito.

"Atleast masasamahan kita bukas!"

"Hmmp. Chaka! Babush na nga! Matulog ka na."

"Oo. Inaantok na nga ako."

LingerWhere stories live. Discover now