Pictures

82 0 0
                                    

Nasa kung saang lupalop ng Calauan, Laguna sina Val at Barbara. Kasalukuyang iniinterview ang care taker ng nasabing lost paradise nang lugar. Matapos ang ilang oras na pag lilibot at pag kukuwentuhan kasama ang care taker ay nag liwaliw na sila. Bukod sa kanila ay mangilan ngilan rin mga turista ang dumayo sa nasabing lugar.

"Oh, akala ko ba maliligo na tayo. Bakit hawak mo pa rin iyang camera mo?"

"Ilang shots lang naman. Tapos maliligo na ako." Inayos ko ang lente ng hawak na kamera.

Lumusong sa tubig si Barbara. Hinayaan sya nito. Ngunit maya maya ay nakipag palit ito at sinabing siya naman ang kukuhanan ng larawan.

"Sandal ka dito, Val." Turo ni Barbara sa bakod.

Feeling turista naman ang awra nya matching summer hat at dark na salamin. Tama lang sa suot nyang cupid high neck and bikini floral na pampaligo.

"Patingin nga." Lumapit ako kay Barbara. Tiningnan ang mga litrato ko. Ayos lang naman. Hindi naman ako malawang tingnan.

"Gusto ko ito." Turo ni Barbara sa isang kuha niya na kakalitaw lang nya mula sa ilalaim ng tubig. Naka pikit sya roon habang naka awang ang bibig at naka tingala habang inaayos ang buhok.

"Maganda." Ang tama o liwanag ng araw ay nakaka dagdag ng awra sa larawan. Itinabi ko ang kamera at masayang nag liwaliw kasama ni Barbara. Nang magutom ay kumain. Halos hapon na nang maisipan naming umuwi.

Pagkauwi ay nagpahinga muna sya saglit. Nang makapag pahinga ay pumunta sya sa isang cite upang iupload ang mga larawan. Ang mga larawan ni Barbara ay ipinasa na rin nya.

Alanganing oras na kaya hindi nya inaasahang mag rereply pa si Barbara upang magpasalamat.

Nakadama sya ng gutom kaya gumawa sya ng light meal. Nag toothbrush bago muling natulog.

Kinaumagahan. Pag bukas niya ng isang social cite ay gayon na lang ang gulat nya dahil sa isang tag na larawan ni Barbara. Stolen shot iyon. Sangkaterba na ang komento at reaksyon.

"Barbara mapapatay kita!" Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano ba sa itsura ko. Masaya ang awra ko sa larawan. Naka sandal ako sa backrest na yari sa kawayan. Naka pahinga ang isang siko roon habang ang mga daliri ay nasa sentido. Wagas ang ngiti ko na naka tingin sa cp ko. Ang mga binti ko ay naka tupi in 90 degree angle na ang isa ay tinutuunan ko ng brasong may hawak na aparado.

Pasalamat na lang talaga sya dahil natatabunan ng paa niya ang parte ng hiyas niya dahil nakaka hiya kung pati iyon ay masesentro kapag zinoom! Isinave niya ang larawan.

Iniwan nya ang phone sa kama. Tinungo ang kusina upang mag handa ng almusal. Naka underware lang na kumain. Sabado ngayon. Tamang gawa lang nang gawaing bahay. Pagka pananghalian ay wala na syang ginagawa.

Papaidlip na siya ng mag-ingat ang phone niya. Si Rick ang tumatawag.

"Busy ka?"

"Hindi. Bakit?" Humikab ako.

"Tara."

"Saan naman?" Pinatay ko ang telebisyon.

"Gagala. Naiinip ako rito sa bahay."

"Sige. Sunduin mo ako rito. Tinatamad akong mag maneho eh. Mag-aayos lang ako." Tumayo ako at tinungo ang silid.

"Sige."

Kulang isang oras rin ang lumipas nang dumating na si Rick. Yung galang napag usapan sa bahay ni Nyx kami na punta.

"Anong ginagawa nyo rito?" Si Nyx na nagulat sa pag sulpot namin.

"Wala kaming magawa." Hila hila ako ni Rick na pumasok sa bahay ni Nyx.

Narinig ko ang pag order ng pagkain ni Nyx saka kami muling hinarap.

LingerWhere stories live. Discover now