Unbelievable

88 3 0
                                    

Naihiyaw ni Nyx ang pangalan ng kaibigan ng masaksihang pinag tutulungan ito ng dalawang lalaki. Ngunit naunang sumaklolo sina Caster at August.

Kaya naman ang dinaluhan niya ay si Val na tanging bra na lang ang suot pang-itaas dahil ang damit nito ay kasalukuyang ipinansasakal sa katunggali.

"Val. Val. Bitiw na!" Yapos sa bewang ang babae na pilit kong hinihila palayo. Si Caster ay binaklas ang damit na naka pulupot sa leeg ng lalaki. May mga bouncer na rin na nag datingan.

"Gago ka! Manyak!" Hiyaw pa ni Val. Sabog na ang buhok nito at putok ang gilid ng labi.

"Pare!" Ibinato ni Caster sa akin ang damit ni Val, mabilis kong dinamitan ang babae na panay ang talak.

"Okay na Val. Tara na!" Hiyaw ko sa mga kasama. Alalay ni August si Rick. Mabuti na lang talaga at sumunod silang dalawa ni August sa mga kaibigan, kung hindi.

"Val. Okay ka lang." Si August matapos maideposito si Rick sa backseat ng kotse ko.

"Oo. Ang sakit lang mukha ko." Naka nguso nitong hawak ang kanang pisngi.
"Rick ikaw?" Baling nito sa kaibigan.

"Huwag mo na akong tanungin, Val." Daing ni Rick.

Iiling iling na binuhay niya ang makita. Hindi marunong makipag suntukan si Rick kaya paniguradong matindi ang sakit ng katawan nito. Binilisan nya ang pag mamaneho dahil panay ang daing at reklamo ni Rick.

"Salamat. Oy, Rick. Uuwi na ako." Si Val na hindi na pumasok ng gate. Napa lingon silang lahat rito.

"Uuwi ka pa? Dito kana matulog. Anong oras na?" Si Rick.

"Oo nga. Naka inum ka pa." Singit ko.

"Hulas na ako. Sa lakas nang sampiga na natanggap ko nawala ang kalasingan ko." Sinundan iyon ng malutong na mura ng babae.

"Nyx! Ihatid mo na lang kaya si Val. Tapos yung kotse niya balikan nya na lang mamaya." Si Caster. Sumunod na kay August na nauna nang pumasok ng bahay.

"Hindi na. Ayos lang ako. Papasok pa ako sa trabaho mamaya ayokong mag commute. Bye na." Tinalikuran na kami ng babae.

"Hoy! Mag text ka ah?" Pahabol pa ni Rick.

"Oo." Kumaway ito. Tinungo ang naka paradang sasakyan.

Akmang papasok sya ng gate ng senyasan siya ni Rick. Nag bukas sara ang bibig nito.

"Sundan mo. Pasuyo na." Ani ni Rick bago tumalikod.

"Bakit ako?" Pero tinutungo ko na ang kotse ni Val. Hinarang ang papaalis na sasakyan.

"O, Bakit?" Nang maibaba nito ang right side ng bintana ay niyang binuksan ang pinto. Lumulan.

"Ihatid daw kita. Sabi ni Rick. Hindi makakatulog iyon. Mag liligalig pati yun."

"Paano ka babalik?"

Naka simangot na nangalumbaba sya sa bintana.

"Commute." No choice naman eh.
"Tara na."

"Kotse mo na lang gamitin natin." Muli nitong iginilid ang sasakyan. Bumaba sila at lumipat sa kotse niya. Manaka nakang nag hihikab si Val sa byahe.

"Huwag kang matutulog." Bilin ko pa.

"Oo. Diretso ka lang. Liko mo dyan. Diretso tapos kaliwa. Yung sa may orange na gate." Bumaba ito.
"Salamat. Hindi na kita iimbitahang magkape. Next time na lang." Isinara nito ang pinto. Lumakad.

Nang matanaw na naka pasok na ito ng bahay ay saka siya umalis. Habang pabalik sa bahay ng kaibigan ay naka tanggap siya ng mensahe mula kay Caster. Nag uwian na sila. Sa sariling bahay na siya dumiretso ng uwi. Naka parada na siya nang mapansin ang cellphone sa katabing upuan. Napailing na lang nang mapagtantong naiwan ni Val ang phone nito. Ibinulsa niya iyon.

LingerWhere stories live. Discover now