CHAPTER 40

313 13 3
                                    


















I think it was the most wonderful night for me. Lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa'kin, lahat ng mga bagay na bumabagabag ay parang nawala bigla. Sa gabing iyon ay nasa bisig niya lang ako at tahimik na dinadama ang malamig na simoy ng hangin at mga pailaw na nagmumula sa malawak na lupain pababa.

We silently talked about us. Us. I can't believe that we're in a relationship. Akala ko panaginip lang ang lahat sa bilis ng nangyari. Nagulat, nagalit, nasaktan, at natuwa ako sa mga nangyayari, Oo at halo- halo na nga ang mga nararamdaman ko, ngunit lahat ng 'yon ay parang balewala na sa akin ngayon.


Dumaan ang ilang araw, naging maayos naman ang kalagayan ko. May bahid pa rin ng takot sa nangyari sa akin kaya mas minabuti ko'ng sundin ang bilin ni kuya sa'kin.




"You're not allowed to go outside without someone you're closed with." Madiin niyang sinabi.



Ilang araw akong nanatili sa bahay, hindi muna pumapasok sa university, pati na rin sa trabaho. Nag- iimbestiga na rin sila sa pinangyarihan, at sa Blue Corner.




"Kuya... Pa'no naman kapag papasok ako? Hindi pwede'ng dito lang ako-"



"Napag- usapan na natin 'to, Lyllo." May banta sa kanyang tono.



Umirap ako sa kawalan. "Bodyguards? Kuya naman."




Mom and brother hired bodyguards just yesterday. Oo, hindi ako makapaniwala sa kanilang ginawa. Kailangan ba talagang umabot dito? Gastos lang 'yon, pwede namang mag- iingat nalang ako at hindi na uuliting sumakay sa cab.




"Hindi ka na makakalabas kung gano'n." Aniya.



Sumimangot ako.



He sighed. "Look, alam ko'ng naguguluhan ka pa ngayon, I know what you're thinking. Hiring bodyguards to look after you was the best thing I could do for my sister right now."



I sighed. Magsasalita sana ako ngunit tinaasan niya ako ng kilay, inis siyang nakatingin sa akin.



"I don't know what's happening between you and Rohan, but I as far as I'm concerned, hindi muna kayo magkikita sa ngayon-"




"A- ano?" Nanlaki ang mga mata ko. "B- bakit? I- I mean... Wala naman siyang kinalaman d- dito..."



"Yes, wala. Pero kung natatandaan mo, siya ang kumuha sa'yo no'ng gabing iyon, sigurado ako na hindi lang dalawa ang nag tangka na kunin ka. I'm sure they saw Rohan, and they are now after him."




"Oh my..." Nanginig ang aking boses. Kinabahan bigla para kay Rohan.


"He can take care of himself."


"Marami sila..." Kumunot ang noo ko. "Why were they trying to kidnap me? Nalaman niyo ba kung ano talaga ang pakay nila?"



"We're still running some investigations about that. Hindi sila nag sasalita," Nag- iwas siya ng tingin. "And...I don't want to give you updates about it, but since I couldn't keep my mouth shut, I just told you that."



Inirapan ko siya. "Seriously? Bakit ayaw mo'ng ipaalam sa akin kung ano nang nangyayari kuya? Apat na araw na 'kong hindi lumalabas ng bahay, hindi gumagamit ng social media, hindi pumapasok... at hindi-"



"At hindi nakikita ang lalaking iyon?" He chuckled in sarcasm. "I told you, hindi muna kayo magkikita ni Rohan Rivera, naiintindihan mo ba 'ko?"



THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon