CHAPTER THREE" Nana, bakit ang gugulo ng mga Tao ngayun ano?, Ang aabnormal Nila, Tayo lang dalawa Ang normal, haha" kausap ko Ang pusa ko,nakita ko lang ito sa daan dyang sa may kanto kaya inalagaan ko, nana Ang pangalan nito dahil masyado akong nacutan Kay nana ng mobile legends.
Kausap ko ngayun Ang pusa ko dahil talagang loner ako ngayon. may ginagawa si kuya kaya magisa ako, nandito ako sa labas ng gate namin, Isa itong village kaya di Naman delikado.
" Nana, Alam mo bang magsisismula na ako sa lunes sa pang inistalk sa kanya, grabe, Kinakabahan ako" Sabi ko, konti na Lang mapapagaya na ako sa kaibigan ko, baliw
" Gusto mo bang makita ang picture nya, eto oh", Sabi ko sabay pakita sa kanya ng ng screen ng cp ko Kung saan wallpaper nito si Asher.
" Ang gwapo nya noh?" Pagmamalaki ko
" Oo, Tama ka, gwapo nga" napabalikwas ako ng upo ng may Ibang sumagot. Nang tingnan ko Kung Sino yun, laking gulat ko ng makita sya. Ni hindi ko ito inaasahan, Wala sa bokabularyo ko na pupunta Sya sa bagay namin
Anlakas ng tibok ng puso ko at Lalo Iyong lumakas ng lumakad Sya papalapit sa akin. Seryoso Ang mukha nito at Hindi man Lang ngumingiti, pero kahit na ganon, napakagwapo nya pa rin
" Asher" bulong ko habang nakatitig sa kanya
" Nandyan ba ang kambal mo" tanong nito pero Parang Wala parin ako sa aking sarili, hindi ko nagawang sumagot dahil Parang natutop Ang aking bibig ng makita sya.
" Elena!" Natauhan lang ako ng tawagin nya Ang aking pangalan, Teka paano nya nalaman Ang pangalan ko
" Pano mo nalaman Ang pangalan ko" tanong ko sa kanila ng malakas na tibok ng puso ko
"nandyan ba ang kapatid mo" Hindi nya sinagot Ang tanong ko..tss..bat Ang singit nito, haysst..
" Oo, nandyan sa loob, sa kwarto nya" Sabi ko, habang nakapout, pinaglihi ata ito sa sama ng loob eh..
" Matuto kang gumamit ng po at opo sa nakakatanda sa Iyo" Sabi nito at kusa ng pumasok sa loob
Abat!!.. ANONG nakakatanda, eh konti lang naman Ang agwat namin, oo ngat mas matanda Sya pero arghhhh... nakakainis..Kung di lang Kita gusto naku...
Pumasok na ako sa loob..balak ko Sana syang hambalusin, pero syempre, di ko gagawin yun, baka Kasi magkagasgas Ang malinis nyang mukha , sayang Naman.
Maabutan ko syang papunta sa taas ..dun sa kwarto ni kuya
" Hoy! Konti lang Naman Ang agwat natin kaya ayus lang na di ako gumamit ng po at opo" reklamo ko dito pero sa kasamaang palad, talagang napakasungit nitot hindi man Lang ako nilingon.
Napahinga na lang ako ng malalim, ganito ba talaga kahirap suyuin Ang lalaking ito. Parang babae ah.
Naupo na lang ako sa sofa at pinagmasdan syang paakyat sa hagdan. Napaka gwapo nito sa suot na checkered polo at dark blue jeans. Malamang ay may pupuntahan na Naman Ang mga ito. Napaka gala talaga ng mga lalaki.
Tatlong katok sa pinto ng kwarto ni kuya ay bigla itong bumukas at tumambad sa amin Ang bihis na bihis na kapatid ko. Akala ko pa Naman ay busy ito sa pag aaral yun pala ay busy day pag papapogi . San Naman Jaya Ang punta nitong mga ito.
Pababa na sila ng hagdan ng magtanong ako.
" San kayo pupunta kuya?" Tanong ko
Malisyoso nya akong tiningnan, at Alam ko ng ang iniisip nya
" Bakit mo itinatanong?" Tanong nito sa akin Hindi parin inalis Ang tingin nya.
Kinabahan Naman ako kase baka SAbihin nya at baka Rin dahil sa ginagawa nya ay mabuking ako na may gusto sa kaibigan nya.
" A-ah eh, s- syempre! Kapatid Kita, may karapatan akong nalaman Kung saan ka pumupunta" palusot ko dahil kasalukuyan g nakikinig sa amin si Asher.
Huminga Sya ng malalim bago sumagot" dyan sa bahay ng kaklase ni Asher "
" Kaklase ?sino yun ?" Muli Kong tanong at tiningnan nya Naman ako ng masama pero sumagot rin.
" Kina ate Meryll"
Napatango na lang ako saka sila umalis
Kina ate Meryll? Kaklase ni Asher si ate Meryll na pamangkin ni daddy, wow what a coincidence, kapag nga Naman sinuswerte ako oh.
Agad Kong kinuha Ang cellphone ko at tinawagan Ang baliw.
" Hello, karyl"
" May mahalaga tayong gagawin" Sabi ko ng sumagot Sya sa kabilang linya.
Nag alangan pa Sya dahil di ko sinabi sa kanya Kung bakit pero napilitan paring gawin dahil bored na rin siguro Sya sa Bahay Nila, only child kase.
Umakyat na ako sa kwarto para magbihis pagkatapos ng tawag.
Mapapaaga Yata Ang gagawin naming kagagahan..haha.
❁❁❁
Kyeopta4nge1 ☺︎︎
YOU ARE READING
Chase me baby
RandomElena Pineda is just a typical girl who wants to be noticed, not the crowd but the man shes crazy inlove with. Nasaktan but still, bumangon parin. Will her journey with love be a happyly ever after o kayanaman ay kabaligtadan nito.Sususko ba sya o i...