CHAPTER EIGHTI immidiately hop in our car, late na ako, tinanghali na naman ako ng gising, pag nga naman minamalas.
"Kuya, pakibilisan naman po, late na po ako" agad kong sabi sa driver namin, tumalima naman ito at agad na nagmaneho.
Habang naghihintay na makarating sa school, binasa ko muna ang notes ko kase nasabi sa akin ni Karyl na may quiz kami ngayon.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan, nagtext si Karyl.
------------
from:Bebe Karyl🥰
Late ka naman!, bilisan mo, may surprise ako sayo,,hihihi
sent! 7:56 am Wed
--------------
Kumunot ang noo ko at napaisip, surprise? Ano naman kayang balak ng babaeng ito?. Hindi ko na sya nireplyan imbes ay nagbasa na lang, siguradong di rin naman nya sasabihin sa akin ang surprise kunno nya, masyadong masikreto iyon, pakiramdam ko nga ay may tinatago iyon sa akin. Pero syempre may tiwala ako dun kaya pinagsasawalang bahala ko.
"Mam, nandito na po tayo" agad kong isinukbit ang bag ko at lumabas na ng sasakyan matapos mag paalam sa driver, tumakbo na ako kase malalagot na ako, dati si Karyl ang palaging late, ngayon, bumaliktad na ang mundo, ako naman.
Pagdating ko sa ikalawang palapag, pakiramdam ko matatanggal ang binti ko sa akin sa kakatakbo dahil hindi elevator ang gamit dito dahil ang mga building dito at hanggang 4th floor lamang, hindi kase pinahintulutan ang mas mataas duon dahil masyado daw delikado lalo nat bata pa kami.
Ng matanaw ko ang classroom namin ay agad akong tumakbo roon, bukas pa ang pinto so that means wala pang prof. Abot langit ang saya ko dahil ang first subject namin ngayon ay napaka strikto, ayaw nito ng late , pag nagkataon at diretso absent na sa attendance.
Agad akong kumaripas ng takbo papasok at agad na napaupo sa sahig sa sobrang pagod, napapikit na lang ako dahil pakiramdam ko pansamantala akong di makakatayo dahil tumitibok tibok ang kalamnan ko sa binti, ansakit .
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at agad kong napansin ang gulat nilang titig sa akin, nakaupo silang lahat ng maayos sa upuan nila, bakit ganyan agad ang ayos nila, wala pa namang prof ah.
Tumama ang tingin ko kay Karyl na nagpipigil ng tawa, tinignan ko sya ng may pagtataka dahil wala akong maintindihan. Nginuso nya ang unahan kung saan naroon ang board at teachers table at kulang na lang lumuwa ang mga mata ko ng makita ko sya roon.
"A-anong--" di ko maituloy ang sasabihin ko kase sobra talaga akong nagulat at halos di makapag salita.
Walang emosyon nya akong tinignan, saka dahan dahang lumapit, muli kong naalala ang nangyari kahapon,
" You can now wake up, masamang magpanggap ng ganyan, baka magkatotoo"
Oh my kakahiyan.
" Mind if youll go to your respective seat, cause youre ruining the class" malamig nyang sabi at agad akong natauhan ng magsalita sya sa harap ko. Tumango tango ako at agad na tumayo kahit nanlalambot ang mga tuhod ko. Maglalakad na sana ako ng biglang parang nalusaw ang binti ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Asher immediately grab my waist to support me. Agad na nag init ang pisngi ko sa nangyari, narinig ko pa ang pag singhap ng mga kaklase ko.
Bumitaw na si Asher sa akin na para bang nandidiri sya sa akin, yun bang parang napilitan lang syang hawakan ako. Sumakit ang damdamin ko sa kanyang ginawa,
"Take your seat now" tumango ako at naglakad na, ginawa kong alalay ang upuan ng mga kaklase ko para di ako muling matumba. Ngumiti ako, kahit na nasaktan ako sa ikinilos nya kanina, kinilig parin ako, biruin nyo yun, for the second time nahawakan nya ako.
"Uyyy, kinilig sya oh" tawa ni Karyl, agad ko rin naman syang binatukan kase nangaasar pa, namumula na nga ako sa hiya at kilig eh..
"Bakit nandito si Asher, diba sa kabilang school yan dun sa pinapasukan ni kuya, tapos teacher pa natin"
"Ewan ko nga eh, nakita ko na lang na nandyan sa office ng pinatawag ako ng principal natin.
Tumango tango na lamang ako, posible bang exchange students din sila for a week kagaya ng ginawa namin ni Karyl noon?
"So ano yung surprise mo?" Bulong ko sa kaibigan ko, baka kase marinig kami ni Asher eh..
"So hindi pa surprise sa tingin mo ang makita si Asher ngayon?" Sarkastiko nitong sagot kaya napairap ako, malay ko ba naman na yun yung surprise nya.
"Narinig kong 1week lang sila dito kaya kailangan nating magplano ng maayos, nakakahiya yung kahapon" humagikhik sya ng maalala iyon.
"Wag mo na ngang ipaalala yun" inis kong tugon dito dahil gaya nya ay nahihiya rin ako.
" Anghirap kayang kalimu---"
"Miss De torres and Miss Pineda, if youre going to chat with each other the whole time, the door is open, " agad kaming napabalikwas ng magsalita si Asher sa harapan, nagtawanan ang mga kaklase namin na agad din nyang pinatahimik.
"Sorry Ash- este sir" paumanhin ko dito at agad yumuko, okay, another kahihiyan na naman ito,
Hindi na ito sumagot sa halip ay nagoatuloy sa pag tuturo. Nagkatinginan kami ni Karyl at sabay kaming napatawa pero napalakas ata ang akin .
"miss pineda!" maatawridad na sabi nito
"Sorry again, SIR"
❁❁❁
Keopta4nge1 ☺︎︎
YOU ARE READING
Chase me baby
RandomElena Pineda is just a typical girl who wants to be noticed, not the crowd but the man shes crazy inlove with. Nasaktan but still, bumangon parin. Will her journey with love be a happyly ever after o kayanaman ay kabaligtadan nito.Sususko ba sya o i...