CHAPTER ELEVEN

1 0 0
                                    


CHAPTER ELEVEN

Another day, gumising ako at inihanda ang sarili ng maaga. Asher will be our first period teacher again. Im very excited dahil parang binibigyan yata ako ng tadhana ng time para mapalapit sa kanya.



"Mam, ready na po ang sasakyan" sabi ng driver matapos icheck ang sasakyan namin.



Agad akong pumasok sa loob at inilabas ang cellphone para itext si Karyl.


------------------------------------------------------------------------


To: Karyl💕



Oysst, nasa school ka na?



__________________________________________________



Agad naman syang nagreply.



------------------------------------------------------------------------



From: Karyl💕



yup, are u late again



__________________________________________________



------------------------------------------------------------------------


To:Karyl💕



Nope, 😁



__________________________________________________



Agad kong ibinaba ang aking cellphone dahil malapit na ang school, sa may gate ay kita ko na si Karyl na malaki ang ngisi habang pinagmamasdan ang itim naming SUV papalapit sa gate. Mukhang alam ko na ang iniisip nito, malamang ay tungkol ito sa maaga kong pagpasok. Hindi naman talaga ako late lagi, may pagkakataon lang talaga na tinatanghali ako ng gising O di kaya naman ay tinatamad pang bumangon.



Pagkababang pagkababa ko ay agad nya akong sinalubong.



" Joh-eun achim, miseu Elena (Good morning miss Elena)"



Kumunot ang noo ko sa inasta ng kaibigan ko. Sa sobrang saya ay gumamit pa ng korean language..wow..unbelievable.



"Joh-eun achim-ieyo, miseu Karyl" I greeted back to her.



"Oh, bat ang saya mo ata" tanong ko rito at naglakad na papasok.



"Huh?masaya ba ako, No way!!" napatingin ako sa kanya, nawiwierdohan na ako ah.



"Eh bat good mood ka kung di ka masaya"



"Bakit kaya may mga bagay na kahit paulit ulit mong iwasan ay paulit ulit ring bumabalik " this time sya na ang naunang maglakad. Kung kanina ay masya sya, ngayun naman ay di na maipinta,



Bakit kaya may mga bagay na kahit paulit ulit mong iwasan ay paulit ulit ring bumabalik



Bigla kong naisip yung sinabi nya, sa tagal na naming magkaibigan ay ni isang beses ay di siya nagkwento sa akin ng mga pinagdadaanan nya. Feeling ko tuloy ngayon eh napakawalang kwenta kong kaibigan. Pero kasi naman, nung minsan akong nagtanong eh nagalit sya, sabi nya problema nya daw yun at wag akong makialam so automatic simula noon ay di na ako nagtanong.



Bumuntunghininga na lang ako at agad na humabol dito na ngayon ay nauuna ng maglakad. I cant meddle with her problem, I dont want us to have a fight with each other again.



❦︎❦︎❦︎




" Bakit tayo dito dumiretso, may klse tayo Karyl diba" tanong ko dito, nakakapagtaka lang dahil dito kami pumunta sa gymnasium ng school. Sinilip ko ang loob at napansing marami ang istudyante roon.



" Sus, gusto mo lang makita si Asher eh" asar nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.



" Hindi nga, ano ngang meron?" sabi ko kahit na gusto kong kiligin ulit, binanggit pa kase ang pangalan ni Asher eh.



"Dun sa loob, doon ko na ipapaliwanag" sabi nito at hinila na ako papasok "baka mawalan tayo ng upuan, maaga pa namang mag sisismula para abot sa classes" dagdag pa nito, tumango na lang ako at nagpatianod.



Pagkarating doon ay agad kaming nakahanap ng uupuan sa may unahan.



" So ano na, they organized this event for what?" excited kong tanong kase masyado nya pang pinatatagal.



" As you can see, halos lahat ng estudyante ay narito, ito ay parang welcome meeting para sa 3 tatlong lalaking estudyante mula sa Luna College Institute, nandito sila to socialize like what we do dati, remember mo yung pumunta tayo sa school na yan, parang ganun din ang gagawin nila, ang difference lang ay magtuturo sila." Huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy"Base from what I heared, iaannounced na rin siguro ngayun yung mga gagawin and activities natin for the upcoming Foundation Week. This will be fun, for sure"



Tumango tango ako ng naintindihan ang kanyang pinupunto.



" Hello, mic test " napatingin kami sa stage ng gymnasium ng magsalita ang SSG president na sya sigurong magsisimula ng meeting.



Nagsimula sa isang panalangin na pinangunahan ni Mellirah Vasquez na syang Vice president. Nag Opening remarks muna ang Principal bago sinimulan ang meeting.



" Okay students, I know you are all aware that there are new faces here in our school which is boys from our neighbor school Luna College Institute. This is what we called Socializing Program. As far as I remember this is already done by two of our students, Ms. Karyl Detorres and Ms. Elena Pineda right?. They are here to socialize to our students here. They have survey form so please be kind to our visitor students. I know you are all kind but please, be more kind , Im expecting your best for this, it is for our school too. Thank you" sabi ng aming principal at nagulat ako dahil nabanggit kami ni Karyl. Well totoo naman, we once expirience the Socializing program, done with Luna College too. But the question is...bakit ang tagal ilabas si Asher, naiinip na ako eh.



"And now lets all welcome...." naupo ako ng tuwid at inabangan ang paglabas nya sa backstage." The three of the most beautiful faces of Luna College Institute.." hindi ako umalma, magnda nga naman ang mukha ni Asher, sigurado akong sya ang pinakagwapo sa kanilang tatlo." Mr. Jesurell Kyle Velasquez," lumabas sa backstage ang isang uhmm..maputi and gwapo din naman actually kaso mas gusto ko parin si asher.Mukha itong laging nangangain ng tao eh, " Hezekiah Yue Enrile" sunid na lumabs ang isang gwapong lalaking maputi at may seryosong mukha . " and the last of the three, Asher Gabriel Luna, " Agad umingay ang mga estudyante at dinig na dinig ko ang apilyedong binubulong nila.



" Yes, students, Asher Gabriel is the son of the owner of Luna College" hindi pa rin humuhupa ang bulungan , wala rin naman akong pakialam, basta ako, kay asher lang ako tititig. Napaayos ako ng upo at humarap kay Karyl na nakatingin sa tatlo or should I say kay Mr. HezekiahYue Enrile. Nangunot ang noo ko, Dont tell me nalove at first sight yan, ngayun lang kase namin nakita yang dalawa pang kasma ni Asher eh. Paano na si kuya kung magkagusto si Karyl kay Mr. Hezekiah.



Teka,teka bat ba ako makikialam, kung ayaw ni Karyl kay kuya ay ayus lang sa akin. Nanghihinayang lang ako dahil sa tingin ko ay may something sa kanila, bagay pa nman yung dalawa.



" Bakit di kahapon ginanap itong meeting, diba kahapon pa sila nagsimula?" tanong ko na lang sa katabi kong lalaki na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng isang year, ayaw kong istorbohin si Karyl, ayaw kong manghimasok.



Nawala ang atensyon nya sa stage at gulat na napapunta sa akin ang tingin, hindi siguro inaasahan ang biglaang pagtatanong ko."W-wala si mam principal kahapon pati yung dalawa pang kasama ni Mr. Asher Luna, ang alam ko ay may mahalagang inasikaso sila" sabi nito at di na muli pang tiningnan ang stage, nakatitig lang ito sa akin



Tumaas ang kilay ko at dahan dahan tumango, Huminga ako ng malalim at muling bumaling sa unahan at halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng magtama ang paningin namin ni asher.



Ang malamig nyang titig ay direktang nakadiretso sa akin, at halos manlambot ako. Napahawak sa dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.



" Kalma lang Elena, kalma" paghihinahon ko sa aking sarili.


❁❁❁

Kyeopta4nge1 ☺︎︎

Chase me babyWhere stories live. Discover now