CHAPTER THIRTEENThe whole chapter thirteen will be posted in wattpad on my profile. Theres an error happen but half of this chapter can read.
"Grabe lang Elena, sa ibang teacher di naman ganyan kadami magbigay ng requirement pero bakit si Maam Hernandez, Argggh" natawa naman ako sa kaibigan ko..katatapos lang ng klase namin, uwian na. Namomroblema kasi si karyl dahil napakadami daw requirement ng teacher namin sa mapeh, isali pa na sya ang ginawang leader ng group nila. May cheerdance which is hinati ang buong klase sa dalawa as our groupings. Since we are only thirty on our class, fifteen sa bawat grupo, eto na yata ang pinakamahirap nmming gagawen dahil may mga tecniques kaming gagawin, good thing na hindi ako ang leader dahil siguradong mamomroblema din ako. Sayang nga at di kami magkagroup ni Karyl, baka wala akong makavibes dun.
Hindi naman sa wala akong kaclose dun, kaibigan ko silang lahat pero minsan pakiramdam ko, nagiging mailap na ako sa tao sa pagdaan ng panahon, except sa bestfriend ko na matagal ko ng kasama.
Naglalakad kami ni Karyl palabas ng gate ng may biglang kumulbit sakin kaya napaigtad ako sa gulat, si Azaleah lang pala, isa sa mga kagrupo ko, sya rin ang leader namin.
"Oh, Azaleah, bakit?" agad na tanong ko.
"Kailangan na nating magsimulang magpraktis for our cheerdance performance, by this saturday and sunday, doon tayo sa place namin, ayus lang ba" Ahh..tungkol sa performance namin.
Tumango ako bilang pagsangayon"Oo naman, ibigay mo na lang sa akin ang adress bago ang weekend" I smiled.
"Sige, magsisimula na rin ako ngayong magisip at bumuo ng step para madali." Nakalimutan ko, dancer nga pala tong si Azaleah, sigurado akong magiging maganda ang performance namin.
Muli akong tumango, umalis agad sya, sinundan ko sya ng tingin at kumunot ang noo ko ng makita ang lalaking sumalubong sa kanya at pinapasok sya sa kotse.
"Asher..."
"Mag on ba yung dalawa, naku!! ang bagal mo kase, yan tuloy naunahan ka." nagbibirong sabi ni Karyl. Ngumiti na lang ako at tinago ang nararamdaman, dun naman din ako magaling. Hiding the pain inside me, even if it fucking hurts already. Damn the pain, Im cursing it to death.
Wala syang problema sa edad, hindi dahil sa bata pa ako, yun ay dahil sa ayaw nya lang talaga sa akin, ano pa bang kulang sa akin, halos magkatapat lang kami ni Azaleah, may alam sya, ganun din ako, maganda sya, ganun din ako.talented sya, sa tingin koy ganun din ako. Mabait sya at mahinhin, ganun din naman ako.
"Damn it" mahinang bulong ko, hindi yun narinig ni Karyl.
Minsan, masarap ang di makaramdam ng pagibig, kapag kase nagmahal ka, laging may sakit. Minsan nakakapagod na rin pero pag alam mong yun ang nakakapagpasaya sayo, go lang kase dun ka sasaya.
Tulad ko. Ipinagpapatuloy parin kahit masakit na. Anong magagawa ko, sa kanya ako sasaya, kaya heto ako ngayon, nagpapakatanga pa rin. Di ko rin talaga alam sa sarili ko eh.
"Karyl, sa tagal na nating magkaibigan, bakit pakiramdam ko, di ka pa talaga nagmamahal ng totoo, parang di mo naman talaga sineseryoso" out of now where naitanong ko sa katabi ko, wala lang, naisip ko lang.
Tinitigan ko sya at kitang kita ko ang pagkatigil nya dahil sa tanong ko.
Tinitigan nya ako pabalik bago sya ngumiti, a matured smile na minsan ko lang makita.
"Sometimes, love may bring you to danger, I've witnessed and expirienced it so I know. Minsan na akong napahamak dahil sa lintik na pagmamahal. " kita ko ang pagdaan ng galit, lungkot at pagsisisi sa kanyang mata habang nakatitig sya sa akin.
❁❁❁
Kyeopta4nge1☺︎︎
YOU ARE READING
Chase me baby
RandomElena Pineda is just a typical girl who wants to be noticed, not the crowd but the man shes crazy inlove with. Nasaktan but still, bumangon parin. Will her journey with love be a happyly ever after o kayanaman ay kabaligtadan nito.Sususko ba sya o i...