CHAPTER SEVENTEEN"Oy best. Baby pala huh" tawa ni Karyl matapos ang laro nila Asher. Pauwi na kami at wala syang ibang bukangbibig kundi ang nangyari sa laro kanina. Isama mo pa ang nangyaring titigan nila ng isang taga Luna College.
Type nya siguro iyon. Sa bagay, gwapo naman nga, teka, parang wala naman atang pangit sa School na iyon.
"Well, susulitin ko na dahil alam kong sa oras na umalis na kami ay imposible na iyong maulit pa." Umismid sya sa sinabi ko.
"Malay mo naman, wala namang imposible, baka naman na fall na sayo kaya pumayag"
Umiling ako. "Sana nga kaso hindi, ginawa nya yun kase aalis na ako, kase pinakiusapan ko sya na hindi ko na sya hahabulin pa kapag pumayag sya." malungkot akong ngumiti sa kanya.
Ang malas naman at mas matanda sya sa akin pero kun sakali bang kaedadan ko lang sya ay papatulan nya ba ako. Walang kasiguraduhan eh.
"Ganun? Sayang nga" malungkot itong ngumiti sa akin at ibinaling ang paningin sa kotseng tumigil sa aming harapan. "Pano ba yan, andyan na ang boyfriend kunno mo, byebye bess" Agad itong ngumiti ng malapad at tinapik ang aking balikat bago umalis . Hinabol ko sya ng tingin at nakita kong sinalubong sya ng isa sa kaibigan ni Asher, yung katitigan nya kanina.
"Hop in" Napabaling ang tingin ko sa nagsalita at nagulat akong kay Asher pala ang kotseng tumigil kanina. Nakabukas ang pinto nito sa frontseat para sa akin. Bigla akong natuwa. Narito sya upang sunduin ako. Sinusundo ako ni Asher dahil Ihahatid nya ako sa bahay.
Ilang segundo akong nakatitig sa kanya bago ako natauhan. Nakataas ang kilay nito sa akin habang iniintay akong magbalik sa ulirat.
Sumakay ako sa kotse, pinagsaraduhan nya naman ako. Inintay kong maisarado nya ang kanya. Abot abot ang tahip ng aking puso. Grabe ang kaba ko.
"Fasten your seatbelt, Elena. Stop staring" muli akong natauhan at dali daling nagseatbelt.
"I just cant still believe that you are here infront of me. Being my boyfriend." Hindi sya sumagot. Sanay na naman ako, hindi sya palaimik pero kapag nagtuturo lang medyoaraming sinasabi.
"After this thing, ayoko ng makikitang naghahabol ka pa sa akin. " malungkot akong ngumiti. As expected, ginagawa nya ito dahil sa ayaw nya ng maghahabol ako sa kanya.
"O-Oo naman, Im true to my words Asher. "
"Remember this, lahat ng gagawin ko, dont misinterpret. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko. Kung sweet man ako, yun ay dahil lang sa pakiusap mo. Wag mong isipin na nagkakagusto na ako sayo dahil imposible yon." nangatal ang mga labi ko pero agad kong kinagat iyon para hindi nya mapansin.
Bakit ansakit nyang magsalita. Tagos sa akin eh, tagos na tagos yung tipong sobrang sakit na.
Akala ko ay ayus na, he act awhile ago as if he is true on what he is saying. Ayus na eh, kaso sinabi nya pa ito. Alam ko naman kung saan ako nararapat lumugar, hindi ko iyon kailan man makakalimutan at hindi nya na rin kailangan ipaintindi sa akin dahil matagal ko ng alam iyon.
"I understand everything" mahina kong saad. Hindi ko kayang tumingin sa kanya.
Parang kanina lang ang sayasaya ko pa pero ngayon, hindi ko na alam.
Pinagpatuloy nya ang pagmamaneho at nanatili naman akong tahimik, ganun din siya. Wala ni isa man sa amin ang nagsalita habang pauwi na.
Nang makarating kami sa bahay ay walang pag aalinlangan at mabilis akong naglakad palabas pero napatigil ng hawakan nya ang pulsohan ko para pigilan ako. Tiningnan ko sya pero agad din na nagiwas ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang bawat titig nya sa akin.
" From now on, hindi-" I cut him off immediately dahil parang alam ko na ang isusunod nya.
"From now on, hindi ko pwedwng bigyan ng meaning lahat kasi pagpapanggap lamang ito dahil sa pabor ko, hindi ako pwedeng magassume dahil fake ang lahat at higit sa lahat...wag iisiping may gusto ka sa akin dahil hinding hindi mangyayari iyon" seryoso kong sabi at may diin ang bawat salita.
Napakunot naman ang noo ko ng timawa sya." No, that's not it. Ang dami mong sinabi..." marahan akong hinila nito papalapit sa kanya at parang nanlalambot akong napasunod sa kanya.
Kumalabog ang puso ko ng maramdaman ko ang labi nya sa kaliwang pisngi ko. Gulat ko syang tiningnan habang sya ay nakangisi lamang sa akin.
" I just want to say that from now on, let's not talk about the favor and act as if we're true couple but of course, we shouldnt forget the rules. " he said then kissed me on my cheeks
Nagulat at wala ako sa sariling napatango. Shit. Natulala ako roon at hindi ako makapagsalita.
Nakaalis na sya at lahat ay para pa rin akong nakakita ng multo. Nakatulala lang ko sa labas ng gate at kung hindi pa ako kinausap ng guard ay hindi pa ako matatauhan.
Did he just kiss me?! Damn it, ang sarap pala sa pakiramdam na boyfriend mo na ang taong gusto mo kahit na fake lang ito.
❁❁❁
kyeopta4nge1
YOU ARE READING
Chase me baby
RandomElena Pineda is just a typical girl who wants to be noticed, not the crowd but the man shes crazy inlove with. Nasaktan but still, bumangon parin. Will her journey with love be a happyly ever after o kayanaman ay kabaligtadan nito.Sususko ba sya o i...