CHAPTER NINETEEN"EASY Elena, easy. Hindi ka naman mauubusan" medyo natatawang saad ni Asher sa kin.
Pagkarating na pagkadating namin dito sa bahay ay naligo agad ako para maka kain na ng binili nya. Akala ko pa nga ay umalis na sya pero inintay nya pala ako.
"You should taste this. It's delicious, promise" ngumiwi naman sya sa sinabi ko.
"I won't eat that worm" bumulanghit ako ng tawa matapos nyang sabihin iyon. Ang tinutukoy nya ata ay yung isaw. Sa bagay, pareho lang naman kami noong una na napagkamalan iyong bulate na tinusok sa stick.
"This isn't a worm, Asher" I said to him, amused of what he said.
"Then what if it isn't."
"It's a chicken's intestine, but don't worry, it's clean" Iniaro ko sa kanya ang isang stick ng isaw."Come on. Tikman mo"
Tiningnan nya muna ako bago iyon kuhain. Inamoy amoy pa bago kumagat at nguyain. Napangiti ako ng mag sunud sunod ang kagat nya. Meaning ay nagustuhan.
"Ano? Nagustuhan mo?" Tumango sya kaya napangiti ako. "So galit galit muna tayo ngayon Mr. Bulate " tumawa ako sa kanya. Sya naman ay sinimangutan ako.
"Todo ka kung mang-asar sa akin. Parang kanina lang ay hindi mo ako matingnan o kausapin man lang dahil dyan"
" Nahihiya nga lang kasi ako sayo kanina" inirapan nya lamang ako. Ipinagkibit balikat ko iyon at kumuhang muli ng stick, this time ay dugo naman. Sa dami nito ay hula kong pinakyaw nya ang paninda ng kung kanino man sya bumili nito.
"Hey! What's up guys! What are you two doin' " sabay kaming napalingon ni Asher sa biglang pumasok ng kusina. Si kuya.
"Kuya.." akmang hahalik ako sa kanya ng bigla nyang iharang ang kamay sa mukha ko. Napanguso ako habng sya naman ay parang diring diri sa itsura ko.
"Ano ba yan Elena, bakit ang amos mo, ano bang kinakain mo" kinuha nito ang panyo sa bulsa nya at ipinunas sa mukha ko.
"We're eating street foods, kuya"
"Sus, kaya naman pala. At bakit kasama mo pala itong si Asher."
Sabay lingon nya sa likod ko kung saan nakaupo si Asher habang pinagmamasdan kaming magkapatid." Bakit? Hindi ba pwede" balik tanong ni Asher sa kapatid ko. Hindi iyon parang nanghahamon o kaya ay galit. Ganoon lang siguro si Asher magsalita. Kita kong nagulat si kuya sa isinagot ni Asher. Sa bagay ay wala syang alam sa nangyayari ngayon at wala akong balak ipaalam iyon sa kanya. Tiyak na tututol sya kapag nagkataon.
" Hindi naman sa ganoon, talagang nakakagulat lang." Umupo ito sa upuang katabi ko at dumampot ng isang stick at walang pasabing isinubo. "Pahingi na lang ako, napagod ako sa kaibigan mo"
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nyang kaibigan, kay Asher o akin. Baka kay Asher pero posible ding kay Karyl dahil parang aso at pusa ang dalawa at hindi mag kasundo sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko na lamang iyon pinansin at kumain na lang.
"ANYARE sa inyong dalawa?" Nag angat ako.mg tingin sa kakambal kong kauupo lamang sa tabi ng sofa'ng inuupuan ko.
"Hmm. What do you mean?" I sipped on my juice while looking at him.
"Oh come on, don't play innocent. Of course, you and Asher"
"So, what about us, kuya" taka kong tanong kahit na may nahihinuha na ako sa kung ano ang gusto nyang iparating.
Umirap ito na ikinatawa ko. "What happen? The last time I check, hindi naman kayo ganyang dalawa. Ni ayaw nya pa ngang makasama ka sa iisang lugar."
Ngumiti na lamang ako sa kanya. "Wala kuya, walang nagyari. Kalimutan mo na yun"
"Kahit na anong tago mo sa akin ng sa kung ano mang nangyayari, malalaman at malalaman ko pa rin yan." Umalis sya at iniwan akong nakatulala.
Alam ko.
YOU ARE READING
Chase me baby
RandomElena Pineda is just a typical girl who wants to be noticed, not the crowd but the man shes crazy inlove with. Nasaktan but still, bumangon parin. Will her journey with love be a happyly ever after o kayanaman ay kabaligtadan nito.Sususko ba sya o i...