CHAPTER EIGHTEEN

2 0 0
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

"Really?! He kissed you?!" Parang tangang tanong ni Karyl matapos kong ikuwento sa kanya iyon. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na sa pisngi lang iyon at gawain naman talaga iyon ng mga gentleman, isa pa ay wala iyong malisya, sya lang ang naglalagay ng kung anong ibig sabihin doon.

"Sa cheeks nga lang kaya wag kang OA" pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko ng libro kaysa makisama sa kilig nya. Gustong-gusto ko rin na gumaya sa kanya pero pinipigilan ko lamang ang aking sarili.

"OMG! 'ni 'lang' mo pa iyon. Eh dapat nga ay ikaw pa itong maglupasay sa sahig dahil sa kakiligan" niyugyog nya pa ang aking balikat at halos maalog ang utak ko dahil sa ginawa nya. Nababaliw na sya.

"Bakit ko naman gagawin iyon ha?" Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan nya naman ako.

"Siguro, disappointed ka kasi sa pisngi mo lang si Asher humalik 'no" nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Dahil medyo malakas ang pagkakasabi nya noon ay agad akong lumingon sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang lahat sila ay abala sa kani-kanilang ginagawa.

"Pwede ba, tigilan mo.na iyang issue na iyan" mariin kong saad sa kanya.

"Why would I? Bakit? Totoo ba ang sinabi ko" nakangisi lamang sya. Napasimangot ako at tinampal ang braso nya. Napa 'Aray' naman siya dahil doon.

" No, it's just that....it's not a matter to be proud of"sinarado ko na ang libro ng makita kong nagpupulasan na ang aming mga kaklase papasok sa room. Nandyan na siguro ang teacher namin.

"Yes it is, Elena. You dreamed for this ever since" sinamaan ko na lamang sya ng tingin kaya nagpeace sign na lamang ito. "Okay! Okay! Titigil na ako"tumawa lang ito at umayos na ng upo.

"Alam mo ba, pinayagan na ng school ma may magtinda ng street foods dyan sa may gate" muling usisa nito sa akin matapos ang ilang segundong pananahimik.

"So? What's my concern about it?"

" Maraming nagsasabi,.masarap raw ang mga tinda doon. Tara bili tayo mamaya" tumango ako sa kanya. Kapag hindi ako pumayag ay mangungulit lamang sya ng mangungulit sa akin kaya pinagbigyan ko na.

"GOOD MORNING CLASS"Lahat kami ay sabay sabay na napalingon sa unahan ng dumating na ang teacher namin sa Science. Si Karyl ay nanahimik na, marahil ay natakot dahil ito ang teacher na makita lang na may dumadaldal, may parusa agad kaya naman ay wala kang maririnig ni paghinga. Para kang nasa library o simbahan kapag sya na ang nagkakaklase sa amin.

"NAKAKAINIS na ha, bakit ba malapusa ang pandinig 'nung teacher na iyon" maktol ng katabi ko. Katatapos lamang ng klase namin. Panghuli na iyong klase naming Science kaya naman ay diretso uwian na kami. Hindi naman Friday kaya walang Flag Retreat. Ginaganap kasi iyon tuwing biyernes at kinakanta ang 'Ang Bayan Ko'.

"Wag ka na kasing huminga. Alam mong humuhuni ka tuwing humihinga"biro ko rito kaya sinamaan ako ng tingin.

Habang nagkaklase si Mam kanina ay napaungot sya ng mahina ng may kumagat 'umano sa paa nya na langgam. Paano pa kaya narinig ng teacher na iyon ang kaibigan ko kung ako nga na katabi ay walang nauulinigan. Isang misteryo ang pandinig nang taong iyon. LOL.

"Alam mo, ikain mo na lang yan" saad ko at hinatak sya sa sinasabi nya kaninang street foods.

" Mabuti pa nga"

"Manong, pabili ho ng isaw, dugo, kwekkwek, kikiam at saka fishball" pinagkibitbalikat ko na lang iyon. As expected na iyon. Nginisian ko na lang ang mga napatingin sa aming direksyon.

"Ikaw Elena, bili ka na" pumalakpak pa sya na akala mo ay ngayon lang makakatikim niyon.

Tumango ako sa kanya . "Manong bente pesos pong isaw" tumango lang din sya sa akin at ngumiti.

Chase me babyWhere stories live. Discover now