The ocean is one of the most exhilarating places in the world. Whatever we do, whatever we feel, ang dagat ang pinaka-dabest na puntahan to breathe, to scream, to relax, and even to move-on. For some reason, the sea has healing powers that we can never ever see to anyone nor to someone. At kung magiging hayop ako, I would choose to be a fish than to be a bird na nakakalipad just to see the whole world from a different perspective. I would choose to be a fish to discover and infiltrate the mystery the whole new world down the sea under has. Likewise, the sea is a very good metaphor of love — alam mong may katapusan pero hindi mo alam kung kailan.
Napaatras ako matapos makita ang eroplanong sasakyan namin ni Max papuntang Batanes. Seryoso? Tutuloy na ba talaga ako?
"Uy, tara na," nilingon ako ni Max.
Tiningnan ko siya nang may pagdududa. Ngayon ko lang nare-realize ang mga pinaggagagawa ko sa buhay ko nitong mga nakaraang araw — nagperya ako tapos ngayon ay sasakay ako ng eroplano papuntang Batanes At sa parehong bagay na 'to ay kasama ko si Max? Totoo ba 'to?
Hinawakan ko ang kaliwang tainga ko.
Hay, Simone, huwag nang maarte. Ituloy mo na 'to.
Humakbang ako ng may ngiti. To my new adventure, here I come! Katulad ng sinasabi ko palagi sa Grade 10: now or never. In my case, NOW!
Nakapasok na kami sa eroplano. Ito ang unang beses na makakasakay ako ng eroplano. Nakakamangha. Syempre, natatakot din ako. Paano kung biglang mag-plane crash?
Pinauna na akong umupo ni Max. Katabi ako ng bintana. Kung si Dino ang kasama ko ngayon, siguradong siya ang uupo rito. Hindi naman kasi 'yun gentleman. Ilang sandali pa, napuno ng tao ang eroplano. Matapos ay nagsalita na ang flight attendant at kung ano-anong reminders ang pinaalala niya. May demonstration din kung paano gagamitin ang kung ano-anong bagay na nandito sa upuan. Hindi ko na masyadong inintindi. Magdadasal na lang ako in case mag-plane crash nga.
Nag-take off na ang plane. Kitang-kita ko sa bintana kung paano ito umangat sa lupa. Para siyang magic. Grabe! Nakaka-amaze. Pinahid ko ang luhang pumatak sa kanan kong mata. Para naman akong tanga, e. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Hindi ko halos akalain na makakasakay ako ng eroplano. Hindi ito kabilang sa anticipation ko after knowing that I'm going to Batanes.
"Okay ka lang?" lumingon ako kay Max habang nakangiti na halos maluha-luha. Hindi ako nakasagot. "Bakit ka naiiyak?"
Lumingon ulit ako sa bintana. Ang ganda ng view sa ibaba. Nagpatuloy ang luha ko. Nakaka-overwhelm talaga.
"Excuse me, sir, is everything alright?" may lumapit na stewardess sa amin ni Max. Inabutan niya kami ng tissue.
"Wala. Nag-iinarte lang 'tong kasama ko." Tinanggap niya ang tissue at inabot sa akin.
Tumawa naman ako ng konti. "Wala po 'to." Siniko ko pa si Max habang tinatanggap ang inabot niyang tissue. Sobrang ganda talaga ng view sa baba. Parang gusto ko na lang lumipad na parang ibon. Tama nga sila, iba ang perspective mo sa mundo kapag nasa taas ka.
"Mahigit isang oras din ang byahe. Gusto mong manuod ng movie?" Nagsu-swipe si Max sa monitor na nasa harapan ng upuan niya.
"Hindi. Okay na ako." Mas gusto ko ang pinapanuod ko rito sa bintana. Susulitin ko na 'to. This is something that I don't see everyday. Sobrang relaxing.
"Ganda 'no?" si Max. Tumingin ako sa kanya na nakadungaw din ngayon sa bintana.
"Akala ko ba manunuod ka?"
"Mukhang mas maganda kang panuorin, e," sagot niya. "Para kang bata."
Dinedma ko siya. Bumalik ako sa pagtingin sa bintana. "Hay! Ang ganda talaga ng dagat." Kitang-kita ang kalawakan ng dagat sa ibaba.
BINABASA MO ANG
Try Lang
RomanceWalang problema sanang umuwi si Simone galing High School Get Together nila kung hindi lang siya napahamak sa pagsisinungaling niya. Ngayon tuloy ay kailangan niyang harapin ang consequences ng pagsisinungaling niyang ito. But as the days go by, mu...