Chapter 11

3 1 0
                                    

WALA LANG - what's in it? Bakit nga ba sa tuwing tinatanong tayo, madalas nating sinasabi na wala lang? Ano bang mayroon sa phrase na 'wala lang' at halos lahat ng tao ay ito ang bukambibing? Bakit mo ginawa 'yun? -wala lang. Bakit hindi ka namamansin? -wala lang. Bakit ako? -wala lang. Wala lang ba talaga? Or behind every wala lang there is a deeper reason we only intend to hide?

Huminga akong malalim. Agad naman akong ngumiti nang makita si Zandro na kumakaway sa amin.

"Dito tayo," turo niya sa daan papasok sa resto niya. Dahil hindi pa naman nito opening, natural lang na sa back door kami dumaan.

Sumunod kami ni Max sa kanya. Oo, ni Max. Kasama ko siya ngayong gabi. Hindi talaga siya nagpatinag na hindi sumama. Baka raw kasi may gawing masama itong si Zandro sa akin. Ang OA lang niya ng kaunti, ha.

Nang makapasok sa back door ay dumiretso kami sa mismong place kung saan kakain ang mga costumer once magbukas na ang resto. Maganda ang set up ng resto ni Zandro. Relaxing ang ambiance at hindi kumplikado ang interior design. May pagka-retro rin ang malaking bahagi ng pastel colors. Ito talaga ang gugustuhin mong puntahan after a long day at work.

"Have a seat," pinag-isod pa ako ni Zandro ng upuan.

"Thank you," tiningnan ko ang prepared food na nasa lamesa namin habang umuupo. Mukhang masarap ang mga ito. Amoy pa lang ay mouth watering na. May laptop din sa pinakanggilid ng table.

"I'm sorry, wala kasi akong inihanda para sa kasama mo," paghingi ni Zandro ng tawad. "I didn't know na magsasama ka pala."

Nakita kong tiningnan ni Zandro si Max.

"Okay lang, ako rin naman, hindi ko alam," sagot ko.

"Excuse lang, ha. Ipapahanda ko lang ang food para sa kanya," humarap naman si Zandro kay Max. "I'm sorry too if I can't let you join us." Lumakad si Zandro papunta sa isang malayong table. "May pag-uusapan kasi kami ni Sir San Miguel na private. Pwede bang dito ka na lang?"

Hindi ko narinig ang pagsang-ayon ni Max pero umupo siya sa upuan ng table. May kalayuan din siya sa akin. Umalis si Zandro at pumunta sa kusina.

Tiningnan ko si Max. Nakatingin din siya sa akin. Itinuro pa niya ang dalawa niyang mata sabay turo sa akin. Animo'y sinasabi niyang pinapanuod niya ang bawat kilos at galaw ko.

Okay, fine. Ginusto mo 'yan, Max, bahala ka.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon. Gusto na raw niyang bumawi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba mayro'n? Pero kung wala naman, e 'di wala.

Binaling ko ang tingin ko sa pagkaing nasa harapan ko. Mukhang masarap talaga. Gusto ko nang kumain. Ang bango-bango ng pagkain. Pero kalma! Ako si Simone Ohales San Miguel, hindi pwedeng makita ni Max o ni Zandro na hayok na hayok na akong kumain ngayon, kahit iyon ang totoo.

Bumalik na si Zandro. "Sorry, it took me a while."

"Okay lang," ngumiti ako sa kanya. Gano'n din naman siya sa akin.

"Let's eat?"

"Sure." Ano kayang nangyari kay Zandro no'ng college at pati sa pananalita ay nagbago na siya? Wala na sa mukha niya 'yung pagiging notorious niya no'ng high school kami.

Tahimik lang kaming kumakain. Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain ni Max at kumain na rin siya sa pwesto niya. Kung nakatingin pa rin siya sa amin ay hindi ko na alam. Siguro, oo, wala naman kasi siyang ibang gagawin dito, e.

"I'd like to talk to you about your job here," panimula ni Zandro nang makita niyang iginilid ko na ang kubyertos ko at uminom na ako ng tubig. "Every night, magkakaroon ng singer na tutugtog or kakanta. But don't worry, hindi ikaw lahat 'yun."

Try LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon