Chapter 22

4 0 0
                                    

When I was a kid, gustong-gusto kong mag-Pasko because it was the time when my mom and I can have a lot of food and money. Hindi ko makikita si mama na nagtatrabaho ng doble katulad ng ginagawa niya sa regular days. Also, gustong-gusto ko ang Christmas time when I was a child kasi ang daming decorations sa halos lahat ng lugar. Ang gaganda rin ng mga Christmas songs na pinapatugtog. At isa pa, gusto ko ang Pasko kasi malamig ang panahon. Christmas is the season of giving. Christmas is the season of love. Pero hindi ba pwedeng maging season of giving love? Pwedeng pwede for sure.

3,999 pesos.

Ini-back ko ang online shop na tinitingnan ko kanina pa at ini-screen lock na ang phone ko. Ang rubber shoes na 'yun talaga sana ang gusto kong iregalo kay Max, pero ang mahal mahal naman ng mga sapatos na nandoon sa shop kaya huwag na lang. Wala sa budget. 'di bale na, mukhang magagamit din naman ni Max itong jersey na ireregalo ko sa kanya. Imbes kasi na rubber shoes ang iregalo ko sa kanya, dito ako sa jersey bumagsak. Pinalagyan ko pa ito sa likod ng apelyido at birthday ko – San Miguel 08. At least, magagamit din naman niya ito sa pagba-basketball niya.

"Simon, magluto ka na," utos sa akin ni mama. Mag-aalas nueve na ng gabi.

"Simone 'yun, ma." Ibinalot ko ng mabilis sa gift wrap ang regalo ko kay Max. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina. 09:00PM na. Sinimulan ko na ang pagluluto ng kakainin namin para sa Noche Buena.

"Mamaya ka na kasi mag-cellphone," advice sa akin ni mama nang pumunta siya rito sa kusina.

"Hinihintay ko pang kumulo 'yung tubig," depensa ko. Nagre-reply lang naman kasi ako kay Max.

"Nagayat mo na 'yung mga sangkap?"

"Opo," sagot ko.

"Sige, ikaw na ang bahala d'yan," pagkatapos ay bumalik na siya sa loob ng kwarto niya.

Binuhay ko ulit ang phone ko. Eksakto namang tumawag si Max. Hindi ko ito sinagot kasi baka mamaya ma-intriga pa si mama kung sinong tumawag sa akin, e.

Nagtanong si Max kung bakit hindi ko sinagot. Nag-reply naman ako sa kanya na nasa oras de peligro kami ng pag-uusap – nagluluto ako at isa pa ay gising pa si mama. Kaya naman ay pumayag si Max na hindi muna kami mag-video call.

Hay! Ganito talaga ang buhay namin ni Max kapag nandito ako sa bahay. Hindi man lang kami makapag-video call kasi baka mahuli ako ni mama. Usisain pa niya kung sinong ka-usap ko, e. Nakakapag-VC lang kami ni Max kapag gabi na, 'yung tulog na si mama. Pero sa chat pa rin kami nag-uusap. Si Max, magsasalita sa VC pero magre-reply ako sa chat box namin. Baka kasi mamaya marinig pa ni mama na may ka-usap ako kapag natutulog na siya. Maganda na 'yung sure at secured kami ni Max. Mabuti na lang din at na-imbento ang earphones, mas nakatulong 'yun para marinig ko ang sinasabi ni Max.

Hindi nagtagal ay natapos akong magluto. Wala pa namang 12:00AM kaya hindi pa kami kakain ni mama.

Tumawag naman si Max. Sinagot ko ito ng dating gawi.

Lumabas ang mukha niya sa screen ng phone ko. "Hello?" narinig kong tawag niya sa akin. Nakangiti agad siya. Kumaway naman ako bilang sagot.

"Tapos ka nang magluto?" tanong ni Max.

Tumango naman ako bilang sagot. "Anong handa niyo?"

Ini-type ko ang sagot.

"Ahhh..." tugon niya. "Bukas, ha. Sunduin kita d'yan sa inyo."

Tumango ulit ako pagkatapos ay nag-type ng itatanong sa kanya – hanggang anong oras tayo bukas?

"Hindi ko pa alam; baka abutin ng hapunan."

Try LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon