Katipan. Nobyo. Nobya. Boyfriend. Girlfriend. Syota. Jowa. Whatever people call it, we all want to experience how to have one. May iba sa ating gusto na 'tong maranasan at the very young age, may iba namang matyagang naghihintay sa tamang panahon. And at whatever time we had this, kahit bata pa lang tayo, hinihiling na agad natin na sana siya na ang the one na makakasama natin habang buhay tayo. And having romantic relationship is indeed the most wonderful chapter of one's life. Kahit nga hindi 'yung nasa relasyon, e. Basta't maranasan mo lang magmahal, that alone can make a chapter in our life wonderful; that alone can make our life feel complete already.
Napa-face palm na lang ako sa sobrang inis. Sa totoo lang ay nanggigigil talaga ako. Gustong-gusto ko nang sigawan itong si Ria at Ken. But of course, that would not be the right thing to do.
"Sige na, Ken, Ria, umuwi na kayo. Umuwi na, ha," saad ng guidance counselor ng school namin.
Umalis na ang dalawang bata. "Sir San Miguel," ako naman ang kina-usap niya. "Ako na lang ang magsasabi sa parents nila, ha. Papuntahin mo rito sa akin but make sure na hindi alam ng dalawang bata na pinapapunta natin ang parents nila. At lagi mo silang i-monitor, ha."
"Yes, ma'am."
"Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, masyadong mapupusok. Hindi niyo katulad no'ng kayo ang high school. Sige na, sir."
"Thank you, ma'am," at lumabas na ako ng office niya.
Malapit nang magdilim. Halos wala na ring tao sa school. Kung kailan naman ako kating-kati nang pumunta sa resto ni Zandro para sa rehearsals, kaya lang ay hindi ko agad nagawa kasi nga ay dinala ko sa guidance si Ria at Ken. Pumunta na ako sa faculty room para magligpit ng gamit ko. Wala na ring tao rito sa loob.
Nakaka-stress talagang maging guro. Hay!
Naalala ko si Zandro at ang business niya. Kung mag-full time na lang kaya ako ro'n? Para kasing hindi nakaka-stress ang gano'ng trabaho, unlike itong teaching.
Bigla namang sumagi sa isip ko si Lucas. At some point, parang nawala ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Not that I judge him dahil sa mga nalaman ko, ang akin lang, may sagot na sa isa sa mga tanong ko noong high school ako na kung bakit hindi ako magugustuhan ni Lucas.
"Tok! Tok! Tok!"
Automatic akong lumingon sa pintuan dahil sa taong lumikha ng tunog ng katok. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"Kahoy naman 'yang pintuan so tutunog 'yan kapag kumatok ka. Hindi mo naman kailangang gumawa ng sariling tunog," masungit kong pag-welcome sa kanya.
"Ganyan ka ba magpapasok ng bisita?" tanong niya.
"Ganyan ka ba kumatok sa pintuan?" binalik ko sa kanya ang tanong.
Sa totoo lang, ayoko munang makita itong si Max pagkatapos ng nangyari kagabi. Pero wala, heto na naman siya, kumakatok sa pintuan. Hindi na nga ako nag-reply sa chat niya kanina para hindi na ako puntahan, pero nandito pa rin siya. Present na present.
Hindi kasi ako nakasagot sa kanya sa sinabi niya kagabi habang nasa kotse niya kami. Tinanong ulit niya ako kung pwede nang magustuhan niya ako. Wala akong na-isagot. Nag-change topic na lang ako. Mabuti na lang at sinuportahan niya ako sa pag-iwas ko sa tanong niya.
Ayoko kasi ng takbo ng isip niya ngayon. Kaka-break lang niya kay Wendy at hindi malabong maging rebound lang niya ako. But on the second thought, kakahiwalay ko lang din naman kay Dino kahit hindi naging kami. Might as well, maging rebound ko lang din siya. I mean, we're on the same boat, at kung maging rebound namin ang isa't isa, siguro okay lang?
Pero ayoko pa rin. Malaking porsyento pa rin ng sarili ko ang nagsasabi na huwag; never settle for less. Hindi pang-rebound ang time ko; hindi ako pang-rebound. Hello? Mukha ba akong bola ng basketball? Pisti!
BINABASA MO ANG
Try Lang
RomansaWalang problema sanang umuwi si Simone galing High School Get Together nila kung hindi lang siya napahamak sa pagsisinungaling niya. Ngayon tuloy ay kailangan niyang harapin ang consequences ng pagsisinungaling niyang ito. But as the days go by, mu...