Chapter 29

0 0 0
                                    

In a place where everyone should be happy, anong gagawin mo? Magiging masaya ka rin ba o would you let yourself feel what you truly feel? I remember myself one time during one of our seminars while in college. Everyone around me is happy, confused, excited, and bored because of the said activity. And I? Habang nakikinig sa Lason Mong Halik ni Katrina Velarde, during lunch break, inside the hall where the seminar is currently taking place, I cried silently. It was later when I realized that my friends are looking at me and wondered what's wrong. Whether I made a wonderful excuse that time or not, hindi ko na maalala. Dahil ang naaalala ko lang na ginawa ko that time is to be saddened for a love that was never mine.

Binigyan ko ng pekeng ngiti ang lalaki. Amoy pakboy siya. Hiling ko lang sana ay tumunog na agad ang bell para umalis na siya sa harapan ko ngayon.

"So, pwede ka ba?" kumagat siya sa labi niya.

Ang ew niya, I swear! "Pwedeng?"

"Pwedeng..." gamit ang index finger niya ay ini-tap niya ng dalawang beses ang lamesang nasa pagitan namin.

"Alam mo, I don't really like you, e," pangpaprangka ko sa kanya.

"Fine! Hindi rin naman kita gusto. Hindi ka mukhang magaling na bottom."

Ting!

Finally! Saved by the bell.

Tinaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay tumayo na siya at lumipat na sa kasunod na lamesa.

Kung bakit naman kasi isinali-sali ako ni Lucas at Zandro sa speed dating na ito, e? Akala ko naman basta a-attend lang kami ng Pride March; may mga ganito pa palang pakulo.

But it was nice to be here before the parade could start. Akala ko lalakad lang basta, e. May mga ganito pa palang ganap.

"Hi," ngumiti sa akin ang lalaking kasunod na kikilalanin ako for two minutes.

"Hello," ngumiti rin ako pabalik.

"Looking for a top or looking for a love?" tanong niya sa akin.

Direct to the point siya, ha.

"Tinanong mo na rin bayan sa mga na-una mong naka-usap? Ilan sa kanila ang sumagot ng looking for top? E 'yung looking for love?"

"Ang sungit mo naman," kumunot ang noo niya sa akin. "Pero 'yan ang gusto ko, 'yung hard to get."

"'yan naman ang ayaw ko," inilabas ko ang disgusted kong expression.

"Ayaw mo sa akin? Pogi ako, mabango, mayaman, at masarap," ngumiti siya. In fairness, striking siya kapag ngumingiti. "Kung magiging ulam ako, for sure, kare-kare."

"Mukha kang kare-kare na pang-apat na araw nang iniinit para makain," inirapan ko siya.

"Ang sama neto," nanlaki ang mga mata niya.

Ting!

"Bye!" sarkastiko pa akong kumaway sa kanya. Umalis na siya.

Bagong lalaki naman ang umupo sa harap ko.

"So, sino ka d'yan?" tanong niya nang maka-upo siya. Tinutukoy ba niya ang damit kong suot ngayon?

"Erm..." tumingin pa ako sa suot ko. "Si Anne Curtis."

Wala akong ma-isip na kung sino. Si Anne agad ang unang pumasok sa isip ko.

"Anne Curtis? Anne no'ng nag-Kampanerang Kuba siya?" tumawa siya.

Hindi ako natawa sa joke niya.

"Ang galing mong mag-joke. Pwede ka sa Showtime," sarkastiko kong tugon.

Try LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon