Chapter 6

3 1 0
                                    

Everyone likes music. Kung magiging artista ang music, paniguradong wala itong haters. Every person in this world has at least one song that best describes his or her life. But the best thing about music is that it throws us back to a certain point of our life in the past. Katulad ng perfumes, isa ring time machine capsule ang music. Kapag narinig natin ang isang kanta, napakalakas nitong maka-throwback. Gusto nating balikan ang mga panahon kung kailan uso at patok ang mga kantang ito. However, the only thing we can do is to just look back; we can never go back.

Napapikit ako sa sobrang sarap. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi bilisan ang ginagawa ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Max. "Nasisiraan ka na yata ng bait d'yan."

"Max, okay lang ako. Ang sarap-sarap nitong kinakain natin. Nasa Batanes ba tayo o nasa Pampanga? Grabe! Ang solid," tugon ko sa kanya habang pinagmamasdan ang karneng nakatusok sa tinidor ko ngayon.

"Magdahan-dahan ka naman, baka mabulunan ka," bilin niya.

"Makakadahan-dahan ka pa ba kung ganito kasarap ang kinakain mo?"

Tumawa si Max. "Kung sa bagay, may point ka," isinubo niya ang kanin sa kutsara niya habang bakas na bakas sa mukha ang kaligayahan.

Tiningnan ko siya ng diretso at itinaas ko ang kilay ko. "Ewan ko sa'yo. Ang bastos mo."

"Bakit? Wala ako ritong ginagawang masama," natatawang turan niya.

"Pero may iniisip kang masama," bwelta ko.

Lalo siyang tumawa. "Kahit kailan, ang manyak mo," dagdag ko pa.

"Nakakahiya naman sa conservative," hirit niya sa akin.

"O bakit? Hindi ba?" itinaas ko ulit ang kilay ko sa kanya. Syempre, 'yun pa rin ang tingin niya sa akin — conservative.

"Teka, Max, maiba ako, ito bang stay natin dito sa beach resort na 'to ay libre? Pati 'tong mga kinakain natin?"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Opo, lahat 'to ay libre, kasama sa premyo ko — plane ticket, itong stay sa beach resort, pati na rin lahat ng kakainin natin dito. Libre po, Ms. Practical 1969."

"Ms. Practical 1969? Anong akala mo sa 'kin, gano'n na katanda?" Practical pati. Palibhasa, alam niyang mahirap lang ako. "Mabuti naman, libre 'to. Teka, hindi mo pa ako nililibre. Nanalo ako sa race kanina."

"Kalma, bukas na 'yung libre ko sa'yo," tugon niya. Itinaas pa niya ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Excuse lang, ha." Tumayo siya at umalis.

Hindi ko na siya pinansin. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain kasi sobrang sarap talaga. Nakalimutan ko na ang tawag dito sa dish, naisama ko sa paglimot sa nakaraan. Ha! Ha! Ha!

Napatulala ako sa madilim na dagat. Somehow, hindi naman ako nalulungkot ngayong pinutol ko na ang communication namin ni Dino. I think this is for the best. Tutal, nagiging toxic na rin naman talaga siya sa akin. Tama na. Sasaktan lang din naman niya ulit ako, e. At alam kong magpapa-ulit ulit lang kami. Magso-sorry siya tapos patatawarin ko siya, tapos uulitin na naman niya. Hay! Hindi nga yata talaga napipigilan ang kati sa katawan.

Binalik ko ang sarili ko sa pagkain. Napansin kong hindi pa bumabalik si Max. Nasaan na 'yun?

Hinanap ko siya ng tingin at nakita ko siya sa counter ng pantry. Kausap niya si Sabrina. Ang lapad-lapad ng ngiti ng kumag. Don't tell me, nagpapa-cute siya kay Sabrina?

Umiwas ako ng tingin sa kanila nang mapansing papunta sila sa pwesto ko.

"Simone," umupo si Max sa pwesto niya, kasama nga niya si Sabrina. Tiningnan ko si Max. "May sasabihin si Sabrina."

Try LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon