KABANATA 2

56 4 5
                                    

"Pagkatapos mo dyan meron kapang labahin dun, bilisan mo"  hay kapagod naman nito. Araw araw ko nalang bang mararanasan ito?!!

"Opo pa" maikling saad ko nalang

"Hoy Kuya kong pangit baka naman may natira pang kabaitan dyan sa puso mo at tulungan mo ako rito?" Naiinis kung sabi kay kuya ng dumaan sya sa likuran ko.

"Kaya mo nayan ML pako" bwisit talagang pangit nayun ang tamad!!!! Sarap kagatin

Mula kasi nung mamatay ang mama namin eh ako nalang ang gumagawa ng lahat dito. Pito kaming magkakapatid pero dalawa napang kaming nagaaral tapos may pamilya narin naman ang ate at ang kuya ko.

"Seoul Korea! Kailan kaya kiita maapakan? Kailan ko kaya masisinghot ang hanging hinihinga ng akin mga asawa?" Pagde-daydream habang naglalaba.

Ang dami kong pangarap pero ewan ko kung matutupad ba. Hayss mahirap lang kami kaya impossibleng makapunta akong korea. Iniisip ko nga minsan pano kaya kung umabang ako dun sa Airport tapos kung may touristang pupuntang korea eh papasok ako sa luggage nila?pero wag nalang baka makulong pako kapag nahuli jusko di ko ata kere yun.

"Nakapagluto kana ba?" Sabi ni kuya habang papuntang kusina.

"OPO SIR! Grabe ka di ka man lang tumulong sakin! Grabe mabuti sana kung naghuhugas ka man lang ng plato! Pero hindi! Tapos ang mga labahin di ka man lang tumulong kahit mag banlaw! Isa kang Dumbbell!! PABIGAT PABUHAT!" natakot si kuya at biglang tumakbo ng todo.

Pero itsaprankkk hahaha joke lang oy baka sipain nya pako ng malakas juskolordd.

"Hoy tinatanong kita! Nagde-daydream kana naman eh"

"Kuya tingnan mo nalang dun! Kaiinis to" sabay walkout

--------
Pagkatapos ng madugong labanan sa larangan ng labahan dijoke lang ito ako ngayon nagiisa naglalakbay sa gitna ng dilim~ lagi nalang akong nadara--

"Ano ba maria! Magdahan dahan ka nga!  lutang kana naman eh"

"Opo pa" pano ba naman kasi literal na naman akong nadapa hayyy andami ko talagang katangahan sa buhay.

"Tapos ka naba sa mga Modules mo?"

"Hindi pa may research pakong tatapusin" pano ko matatapos eh puro ako trabaho dito.

"Bumili ka nga sa convenience store, ito listahan wag tatanga tanga maria clara"

Ano ba naman tong si papa grabe kung maka tanga eh mana lang naman ako sa kanya.

--------
CONVENIENCE STORE

"ito tapos ito at ito" sabay tingin sa listahan ko.

"Miss tanga kaba?"hala shitt may nagsasalita sa likod ko

"Ahehehe Kuya ako ba kausap mo?" Sabi ko baka kasi assuming lang ako

"Oo sino paba ang tangang bibili sa convenient store ng may tuwalya pa sa ulo?"Hala hinimas ko ang ulo ko at oo nga may twalya pa. Juskolord ka self antanga talaga!!!

"Ahehehe kuya ano kaba fashion 2021 po ito. Bagong style ng millinials." Medyo malandi kung sabi. Pano kasi ang gwapo nya self wag mong ilabas yang kalandian mo ngayun.

"Fashion 2021 of those jejemons like you? Miss?"

"ANO BA KUYA?!! INAANO BA KITA?? HA?!"kainis to kung ako jejemon sya naman mukha syang pokemon! Oo hindi na sya gwapo sa mga eyes ko.

"Miss will you minimize your voice? I'm just saying this so that you won't feel more embarrassed when you go out tsk" at hala englishero pala si kuya

"Kuya don't English English me! I know how to English too!! Dont me kuya!"

"Kuya? I think your older than me miss jeje" sabay alis at inirapan pako! Jusko pigilang nyo ko

"Ha! Yabang! Ano naman kung may twalya yung buhok ko! Pakealam mo?!" Auhhh kainis jejemon daw ako bwisit wag na wag ko lang makita ang pokemon nayun at baka mabigwasan ko sya.

-------

Wind Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon