Its been a decade( howow decade talaga self) since my last UD. So here is it hope you'll enjoy it:)) happy reading ^^
____________________
"Salamat naman at umuwi kana Maria" nagulat ako ng nasa tapat na pala ako ng bahay. At nagulat din ako ng magsalita si papa.
Kung makapag salita itong si papa eh akala ilang taon akong nawala. Mga dalawang oras palang naman ang exage.
"Pa , ano akala mo sakin, si the flash? Tao lang ako pa! Mahaba ang pila sa palengke! Napagot ako kakatayo! Kakapili ng sariwang gulat tapos ito pa ibubungad mo sakin?" Pag eemote ko sa kanya. Bala sya dyan sya ang nauna eh
"Hoy Maria! Nagsabi lang naman ako, bat ang dami mo nang drama! Aba maria kung di ko lang alam na nagaaral ka eh iisipin ko talagang nagshashabu ka!" Hala shabu agad? Grabe ang harsh ha
"Che! Dyan kana nga, pa!" Kayamot talaga yun. Kakagigil sarap ipatapon sa North Korea. Sarap ding ipa-Tulfo. Ay wait? Bakit umabot nakong Tulfo? Gaga ka self.
********
Nasa kwarto ako at nanunuod ng Love Revolution ng biglang may sumigaw-
"Maria! Kain na! Juskong bata ka! Ano?! Dadalhin ko pa ang kaldero sa kwarto mo?!" Ay grabe panira ng moment!!! Grabe talaga ang matandang yun! Ang harsh kung magsalita. Sa sobrang yamot ko nasipa ko ang unan malapit sa paanan ng kama ko.
Tatayo na sana ako ng nasa harap na pala ng pinto si papa at may dala pang rice cooker.
"Maria!"
"Ano! Ay charot hehehe" self gaga ka! Baka ihampas sayo ni papa ang rice cooker na hawak nya
"Abat-"
"Pa chill ang puso mo. Oo na kakain nako. Grabe pa ang sweet mo dinalhan mo pa talaga ako ng rice cooker Hindi halatang nagke-care ka"
"Maria, nagkakamali ka. Naubosan tayo ng kanin magsaing ka muna" at biglang ibinigay sakin ang hawak na rice cooker. A-ano?!! Bwisit walang care!
Nakabusangot kung tinanggap at bigla syang tinalukuran. Pero nangbigla ko syang harapin ay pinulot nya ang unan na nalaglag kanina ng sipain ko. Wait! Teka! Shit mukha ni Dongyun ang cover ng unan ko! Patay kang bata ka.
Dahan dahan sana akong aalis ng biglang tawagin ni papa ang pangalan ko.
"Maria! Nagaaksaya kana naman ng pera sa pagbili mo nito?!" Sabay pakita sakin ng unan. Patay ka talagang bata ka.
"Ahehehehe papa ano...ano magsasaing nako hehehe bye" sabay takbo ko pababa sa hagdan
"HALA SIGE TAKBO PA MARIA! AKALA MO DI KITA MAABOTAN? WALA KANG ALLOWANCE NGAYUNG BUWAN"ano?!!
"Pa! Walang ganun pa! Kahit ano gagawin ko bigyan mo lang ako ng allowance! Pa may shoppe akong paparating! Pa! May libro akong binili sa shoppe pa!" Parang naiiyak ko ng sabi. Ayaw kong icancel yun kakayamot talaga tong si papa
"Hala magsaing kana dun!"
"Pa! Bawiin mo muna ang sinabi mo kanina!"
"Aba Maria saing kana dun bukas kuna pagiisipan. Shoppe shoppe kapa kasi wala ka namang trabaho! Order ka ng order! Wala ka namang pambayan Koreano ka ng Koreano! Mahal kaba?!" Aba sumusobra na talaga tong si papa!
"Pa ang sakit mong magsalita." Sabay irap ko at sinaksak ko ang kuryente ng rice cooker
"Sakit kasi totoo! Wag ako Maria!"at nagwalk out. Wait ano ang karapatan nyang mag walkout? Ako dapat ang mag walkout kainis yun!. Padabog akong umakyat sa kwarto.
*****
Kinaumagahan nasa bahay na si Samantha at kumakain na ng almusal. Huwow sanaol kumakain! Sanaol naisipang tawagin para kumain. Huwow sanaol talaga."Hi Maria Girl, good morning kain kana" ngumiti sya at pinaglahad pa ako ng upuan. Anong maganda sa umaga? Wala namang maganda kasi ikaw ang una kong nakita. Feel at home ah? Bahay mo girl? Buti Sana kong close kami, di naman.
"Kain kapa Samantha, wag mo ng intindihin yang si Maria malaki na yan marunong na yang magsandok ng kainin" sabi ni papa. Pano ba naman kasi pinagsandok lang naman ako ni Samantha ng kanin. Bida bida girl?
"Samantha Kumain kana, di naman kita inutusang ipagsandok ako" ikaw lang itong pasikat bida²
"Maaga akong pumunta para sabay na tayong pumunta kina Ace" nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng bigla nya itong sinabi.
"Ah okay. But pano si Jorge?"
"Malaki na yun! Alam na nun ang bahay nina Ace! No need na syang isabay satin!" Pagalit nyang sabi. Aba naman
"Pero sabi ko kasi kahapon sabay na sya satin" Totoo naman kasi. Kawawa naman yung tao di porket may past kayo at ayaw nyong makasama ang isa't isa eh mandadamay kayo ng iba? Aba hindi tama yun.
"Ano?! Maria naman eh!" Padabog nyang sabi. Aba kanina pa to arte ng arte.
"Samantha kung ayaw mo syang kasama,aba! Wag mo kong idamay! Kung ayaw mo talaga pwede kanang mauna kina Ace" yamot kong sabi sa kanya hmmmm nakamove on na kaya to? Parang si Jorge lang eh no? Di pa nakakamove on hahaha joke.
"Sya talaga pipiliin mo kesa sakin? Parang di mo pa kaibigan ah"
"Excuse you? Kelan tayo naging magkaibigan? The last time I checked kagrupo lang kita" feeling close talaga "at gugustuhin ko pang kasama si Jorge kesa sayo, ang inggay mo kaya" at tinalikuran ko sya.
"Oo na nga! Isasabay na nga natin sya! At ang sakit mong magsalita! Pasalamat best friend kita!" Best friend? Sanaol.
*****
Kasabay namin si Jorge maglakad at nasa gitna nila ako at ang AWKWARD! ang tahimik! At kong mag tinginan ang dalawang to gusto pang magpatayan! Wait move on naba talaga ang dalawang to? Hmm I smelled something really fishy

BINABASA MO ANG
Wind Of Memories
CerpenYour mind may forget but your heart doesn't. Ace has a Retrograde amnesia, where he forgets some of his memories that causes breaking someone's heart. How can he able to know and especially love a person where in the first place he can't remember ev...