KABANATA 9

41 3 3
                                    

Kanina pa dapat ito eh kaya lang natagalan EXO kasi eh nagcomeback kaya ayun na shuffle utak ko kung anong uunahin hahaha.

Hi, Elaiza Eddierlyn ^^ Happy reading!;)

-----------------

Nakaabot din agad kami sa village na tinitirhan nina Ace na sobrang awkward parin.

"Hi! Hindi ba mapapanis ang mga laway nyong dalawa? Kanina pa kayo walang imik ah? Nasa Sementeryo ba tayo?" pagbubukas ko ng usapan

"Shut up" sabay irap pa ni samantha, aba ang taray. Pasalamat nga sya nagbubukas pako ng topic eh

"Jorge okay na ba ang presentation natin? Makakapagvideo naba tayo nito, Samantha?" Pagsasalita ko parin.

Nasa tapat na kami ng bahay at magdodoorbell na sana ng biglang bumukas ang gate. Wow high tech, charr may lalabas pala, at si Ace Pokemon iyon. Kumunot ang nuo nya pagkakita nya palang samin.

"Who the are you? People?" pagtatanong nya. Huh? Nagulat ako I mean kami pala ng bigla syang magtanong samin. Gago to ah? ano? Nakalimutan nyang magvivideo kami? Sasabat na sana ako ng biglang lumabas si manang galing loob ng bahay.

"Hala pasok kayo! Ano ba naman kayong mga bata kayo! Pasok pasok" natatarantang sabi ni manang. Ang wierd ng mga tao ngayon kanina ang awkward ngayon... ahhhg bala nga sila sa buhay nila.

"Manang?" nagtatakang tanong ni Ace. Nakadrugs ba sya? Ano bigla nya kaming nakalimutan eh kahapon lang kami rito ah?

"Ace classmates mo sila, ano kaba namang bata ka!" nagtataka man sa inasta ni Ace eh pumasok parin kami. Hello? Ang init kaya sa labas.

Nagulat kami ng biglang magsalita si Ace sa likod namin.

"Oh! I remember, I'm sorry for my behavior." pasasalita nya na parang may naalala syang nakakatawa. Aba ano amnesia lang ganun? Kaloka talaga tong si Ace. Si manang naman hindi mapakali sa gilid ko. Ano ba ang mga taong to.

"Manang pumirmi ka nga! Para kang uod na binudburan ng asin kung makagalaw ka. Ano nasa tabi mo Crush mo? Kinikilig ka ganun?"

"Maria! Ikaw bata ka! Maloko ka talaga! Hala bilisan nyo ang pagvivideo at may gagawin pa si siñorito!" okay? Mabuti pa nga para makauwi narin kami. Maagang matatapos ang video kung masisimulan namin ito ng maaga.

"Ang wierd ni Ace " biglang nagsalita si Jorge. Hala buhay pa pala ang isang ito? Mabuti naman at nagsalita malapit ko ng isipin na pipi ito eh.

"Oo nga eh, baka madami syang problemang iniisip at nakalimutan na nya tayo?" pagsasabat ni Samantha. Wait? Okay naba ang dalawang ito? Parang kanina lang hindi nagpapansin ah.

"I'm not talking to you" ay jorge ang harsh ha. Nagulat si Samantha at biglang umirap at tinalikuran kami. Siguro na realize nya na hindi ako ang kausap nya kundi ang kanyang ex.

Lutang ang dalawang kasama ko habang inihahanda namin ang DSLR para sa video presentation. Sa lahat ng taong nasapaligid ko, ako lang ata ang may maayos na pagiisip. Si Jorge na tahimik ngayon. Si samantha na ang lalim ng iniisip na mukhang malulunod na. Si Ace na hanggang ngayon kunot parin ang nuo. Si manang na kanina pa paro'ot parito. Omg ako nalang talaga ang may maayos na pagiisip. Ako! Ako! At wala ng iba.

"So ano? Tatahimik nalang ba tayo rito?" pambabasak ko sa katahimikan. Aba ano? Wala silang planong umpisahan ang video? Jusko naman. Gusto ko na kayang umuwi ng maaga para matapos mo ang pinapanuod kong C-drama.

At dahil nagulat sila sa pagsasalita ko eh bumalik sila sa kanilang pagiisip aba! Mabuti naman.

"Okay lets start" sabi ng aming lutang na leader. Finally!

***********
Natapos ang video na andaming mali mali pero si Samantha na raw ang bahala sa pagedit nun kaya ngayon eh pachill-chill nalang kami habang kumakain ng cupcakes ba hinanda ni manang para samin. Ang bait talaga ni manang. Thanks to her kanina pako nagugutom wala man lang break kanina. Kakapagod pero atleast tapos na hindi ko na makikita ang mukha ni Samantha at Ace.

Wait, kanina ko pa hindi mahagilap si Ace ah? Hindi nya nga natapos ang kanyang last line kanina sa video kasi biglang may tumawag sa Cellphone nya.

"Manang asan na ang alaga nyo?" pagtatanong ko kay manang ng dumaan sya sa gilid ko.

"Si Ace? Ayun sa kwarto nya, nagpapahinga. Pasensya na kayo kung hindi nya kayo mahahatid sa labas, pagod kasi si siñorito ngayon" at ngumiti ng malungkot. Aba sanay na kaya kaming hindi ihatid ni Ace. Eh kahapon nga hindi nya rin kami hinatid. Sanay na kami sa magaspang nyang ugali manang. Gusto ko sanang isatinig pero wag na baka hindi ako makalabas ng bahay nila kung sasabihin ko pa.

Nasa labas na kamj ng bahay na kasama namin si manang ng may biglang pumaradang mamahaling sasakyan, sa pagkakaalam ko Vintage mustang ang sasakyang ito, pano ko alam? Isa ito sa mga dream cars ko yes cars with S kasi madami akong car na gusto. Pero wait sino ang nagmamayari nito? Bumukas ang pinto ng sasakyan at biglang lumabas ang babaeng nasa 40's ang edad. Ang suplada ng aura, nakakatakot ding tingnan ang kanyang blangkong mga mata. Sino sya?

"M-ma'am m-magandang t-tanghali" natatarantang sabi ni manang. Tiningnan kami ng babae isa isa at bigla kaming nilagpas. Hala? Nakakatakot sya! Iniwan kami ni manang at sinundan ang babae. Hindi man lang kami na kapag paalam dahil sa sobrang taranta ni manang.

"Sino yun? Nakakakot sya ha" pagsasalita ni Samantha habang naglalakad kami. Yeah tama ka nakakatakot nga sya.

"Oo nga, oh pano mauuna na ako ha? May Pupunta pa kasi ako, bye Jorge bye Samantha" at bigla akong tumakbo. Gusto ko silang bigyan ng quality time ano, hahaha bala sila dyan.

*****
"Hi! Kamusta kana? Ang tagal na ng huli tayong magkita ah. Miss na kita alam mo ba yun?" hindi ko namalayang tumutulo na ang aking mga luha.

"Pumunta ako rito kasi Miss ko na yung best friend ko. Bumalik kana kasi!" gaga self kahit anong pagkakausap mo dyan eh hindi ka nya sasagotin boba!

"Ang daya mo! Nangiiwan ka ng walang paalam! Naiinis ako sayo!" habang umiiyak ako sa harap nya ay biglang humangin ng malakas

Bumalik kana please? Mave? Please? Ang daya mo! Sana sinama mo nalang ako! Ng iiwan ka! Hanggang ngayun naiinis parin ako sayo! Naglihim ka sakin! Akala ko ba walang lihim sa atin? Nagpromise kapa! Yeah naalala ko Promises are meant to be broken. Gago bat kaba naniniwala sa mga pangako ng mga tao walang ibang ginawa kundi paasahin ka sa huli? Ikaw lang din naman ang masasaktan.

--------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wind Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon