"Please no..." pagmamakaawa ng babae. Hawak ang brasong may daplis at binti na may tarak ng kutsilyo. Kapwa silang naghahabol ng hininga pero di niya ito hahayaan pang makatakas pa.Pagkaliko niya ay wala ng madadaanan pa. Napangiti naman ang taong may hawak ng kutsilyo. Dahan-dahan itong naglakad papalapit habang pinaglalaruan sa kamay ang kutsilyo.
"Who are you?!" nanginginig nitong ani.
"Come on Crème, you know me. Sikat na nga ako diba? As a killer nga lang HAHAHA" tumawa pa ito na parang demonyo.
" Wala akong ginagawa---" bumulusok ang kutsilyo nito sa kanyang dibdib at saka nito ginilitan sa leeg na naging dahilan ng pagbulwak ng dugo sa kanyang bibig. Di pa ito nakuntento at ilang ulit pang sinaksak ang leeg nito.
"Hmm madada ka kasi kaya kailangan ng tanggalin lalamunan mo. pasensya ka na ha, demon bless HAHAHAHAHA" bago pa ito signature sa katawan ng biktima.
Kinuhanan pa ito ng litrato at ipinost sa private group page sa fb.
"Hmm.. spotted!" at humahalakhak pa ito na umalis.
Nagkalat na naman ang bulung-bulungan sa paligid. May issue na naman ata. Pero ng makapasok na talaga ako sa loob may nakita akong pulis. Mukhang alam ko na ano ito.
"Kyzshna wait for me!" napahinto naman ako ng marinig kong may tumatawag sa likod ko.
"Everleigh, himala kadarating mo lang? Ba't di ka ata maaga ngayon" tumakbo pa ito tungo sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Oh, ano na naman issue ngayon?" sinabit naman nito ang kamay sa braso ko at saka naglakad.
"Ano pa nga ba, edi may namatay na naman! May pulis nga diba?"
"Oh sino ba?"
"Tentenenen... ang certified fake news spreader na si Crème Fujioka-Fishi !!"
Di na ako magugulat na masali sya sa pinapatay na babae. Madaming may galit sa kanya sa dami ng gawa-gawa niyang istorya para mamahiya ng tao.
Yes may pumapatay ng mga babae sa school namin. Kadalasan sa pinapatay ay may issues talaga.
"Grabe no, sino kaya ang killer?"
"Baka ikaw," natatawang sabi ko.
"Wow ha, masa---" napatigil kami ng may dumaan sa gitna naming dalawa. Napabitaw naman si Everleigh sakin.
"Ano ba yan Nickah, you're being a bitch again..tsk!" akmang sasabunutan na sana ni Leigh ng pinigilan ko siya.
"Ano na namang problema mo Nickah?" ngumiti naman ito at nanatili naman sa likod si Ycarus.
"Nothing Kyzshna, I just wanna ruin your day. And of course, tanungin ang puso mo kung ayos na ba? And also nag-aral ka ba ng mabuti baka kasi mas bumaba ka pa ng husto sa toplist, you know" di ko naman siya sinagot at nakipagtitigan lang ako sa kanya.
"Leave us both Nickah, you have Zyler now. And I don't care about being top. Lunukin mo na" hinila ko naman paalis si Everleigh sakanila. Akmang haharang pa si Ycarus ng sampalin siya ni Everleigh.
"Bitch!" pero pinakyuhan lang siya ni Everleigh na kinatawa ko.
"Tanginang dalawang yun, sana sila na isunod" napatawa naman kami parehas.
"Sige hanapan mo ng paraan na makausap ang killer"
"Meron namang paraan," ngumiti naman ito.
"Ha saan?" inilabas naman nito ang cellphone niya at pinakita sakin ang isang gp.
SPOTTED
Private group • 500 members"Di naman talaga diretso pinapatay ng killer ang mga schoolmates natin. Dito nagrarants ang ilan sa may galit sa kapwa schoolmates at kapag napansin ng killer yun edi byebye na then they will be mark as Spotted!"
"And you're trying to say is... ilalagay din natin si Nickah dito?"
"Exactly! I'm not sure kung mapipili si Nickah but ilagay mo nalang tignan natin kung gagana ba".
"Yeah yeah, let's try." At nirant nga namin si Nickah doon.
Matapos ang huling klase ay dali-dali ko ding inayos ang aking damit dahil papaulan na din. Buti nalang may payong ako. Liliko na sana ako ng makita ko Nickah naglalakad ng mag-isa kaya sinundan ko ito. Ng sumunod na liko ay napansin na niya ako.
"Why are you following me Kyzshna? You thought magkikita kami ni Zyler no? Sabi ko na nga ba di ka parin makamove on sa kanya. Sayang, naagaw ko siya sayo"ngumiti naman siya kaya nginitian ngumiti rin ako ng napakalapad sa kanya.
"Dami mong sinabi Nickah, ito lang naman ang dahilan kaya ako sumunod sayo..." inilabas ko naman ang kutsilyo sa bulsa ng palda ko.
"....ang patayin ka." at unti unti nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng takot na labis kong ikinatuwa.
"S-so it's you! Ikaw ang pumapatay sa school right?!" nanginginig naman itong napaatras at humahakbang naman ako pasulong.
"Matalino ka diba, ba't mo pa tinatanong yan...takbo!" kumaripas naman ito ng takbo at sinundan ko.
"Ngayon mo nga ako angasan Nickah, ipinagmamayabang mong napunta sayo lahat ng akin diba?" Sa kakalingon nito ay nadapa ito. I smile devilishly to her.
"Kyzshna, I'm sorry!" takot na takot nitong sabi. Lumapit pa ako sa kanya at itinapat sa kanyang leeg ang kutsilyo.
"Sorry won't change a thing, see you in hell Nickah.." and I slashed her throat out tumalsik pa ang iilang dugo sa uniform ko but I'm not yet done. Pinutol ko pa ang dila nito at paulit-ulit na sinaksak ang dibdib nito.
"Nickah Irishieryn Montefalco Zamonte you're spotted HAHAHA. Haaist andumi ko na"
"So it's you Kyzshna," may nagsalita sa likod ko. At paglingon ko, si Everleigh yun. Kinabahan naman ako.
"So? Isusumbong muna ako? Go ahead."
"Of course, I won't. Kundi..." inilabas niya ang kanyang kutsilyo kaya humanda din ako pero ibinato niya din ito sa bandang kaliwa "...sasamahan kita bish," she winked at me.
"Argh!" at napansin kong may iba pa lang tao bukod samin. Napaluhod si Ycarus ng tamaan sya dibdib.
"M-mga mamamatay tao kayo!" I smile wickedly to her. Nilapitan siya ni Everleigh at ginilitan sa leeg.
"At sawa na kami sa mga maiisue tulad niyo." lumingon naman siya sakin napatawa nalang kami sa istura naming puro dugo ang uniform.
We took a picture of it at pinost sa gp.
"Spotted!"

YOU ARE READING
My One Shot Story
Short StoryThis is just a compilation of my short stories I've made.