"mahal koooooo! Bilisan mooo! Yieee excited na ako ! Huyy! mahal.." nangingiting sabi ng pinakamamahal kong babae.
"hahaha oo na . Ito na nga oh!" natatawang sabi ko ang kyut nya kasi eh. "picturan mo nga ako!"
"pose ka na! 1...2....3 smile!" tapos tumakbo siya palapit sakin. "patingin ngaaa! yieee galing mo talaga"
"Asuss! Ako pa ba!"
"mahal kapag ikinasal tayo gusto ko dito rin beach wedding tas saktong magsasunset rin "
"Bakit gusto mo na ba makasal sakin?" sabi ko habang yinayakap sya ng mahigpit. " Oo naman ! Ayaw mo?" nakanguso nyang sabi . " Syempre gusto! Wag kang mag-alala, matutupad lahat ng pangarap natin mahal" sabi ko. " Labyoou mahal koo" parang batang sabi niya at napangiti ako . Mahal na mahal ko talaga sya. " Mahal na mahal din kita mahal kong baby....." gagawin ko lahat para lahat sayo...A years passed......
Ito na nga isang beach wedding, sunset, magagandang designs, at lahat na.....
" Sige! magready na kayong dalawa. Pose your sweetest position. And be ready in 1....2....3! " sabay click ko sa camera. " Uyy! Patingin nga! Wow! Ang ganda parin . Hindi pa talaga ang nagbabago ang mga kuha mo Samuel! Ang ganda pa rin" sabi ng babaeng minahal ko. "Aba! Ako pa ba! Magaling to!" sabay tawa kong sabi.
" Oo nga bro, ang ganda pa rin ng mga kuha mo! Bro, thanks for this and for everything"
" Oo naman kuya Dan! Your welcome" sabi ko.
"Wife let's go. Punta na tayo dun. May program pa. " sabay kuha niya sa kamay ni Kim.
"Oh sige, Samuel punta na kami dun" sabi niya.
"Bro, enjoy maraming chicks dyan baka may magustuhan ka" sabay kindat ni kuya. "Loko ka kuya! Sige na ! Ok na ako dito! " natatawang sabi ko.At umalis na nga sila,
Sa mga taon na nagdaan, napag-isip ko unting-unti naming tinupad ang mga pangarap namin.
Natupad ang pangarap ko...
ang pangarap niya...
pero hindi ang pangarap na binuo namin para sa aming dalawa.
YOU ARE READING
My One Shot Story
Short StoryThis is just a compilation of my short stories I've made.