*Kring kring *
"Okay, that's all for today. You may go now." sabi ng teacher namin. Lumabas na rin ako dahil alam kong naghihintay si Axel sakin. Paglabas ko nandyan na nga sya. "Lienne, ano tara na?"
"Uyy, saan na naman kayong dalawa?!" panunukso ng classmate ko.
"Hahaha, bawal na ba kaming mag date ngayon?" sabay akbay niya sakin.
"Anong date ang sinasabi mo? Kakain lang tayo sa labas Axel!" and I feel blushing this time.
"Ehem! Ano nga ba talaga kayo?" nagkatinginan lang kami ni Axel at sabay natawa.
"Guys, alis na kami ! See you tomorrow." sabi ko. Hinawakan ni Axel ang kamay ko at iginiya sa kotse niya.
Pagdating namin sa restaurant ay makita akong babae. Binitawan ni Axel ang kamay ko at linapitan ni Axel ang babae at hinalikan sa pisngi "Lienne, this is Celine. My girlfriend"
"H-hi Celine. I'm Lienne" pilit na ngiti ko. "I h-have to go" with that umalis agad ako.
"Lienne wait!!!" hinabol ako ni Axel. Napaiyak na lamang ako.
" I said wait! " hinablot nya braso ko.
"Ano Axel! Ito na ba! Huh?!" pinagtutulak ko sya. " After all this years ng pinagsamahan natin! Ito lang pala kahihitnan ko ! I love you Axel! Sa lahat ng pinakita mo sa akin minahal kita. Minahal kita at minamahal kita ng sobrang sobra! " napahagulgol na lamang ako "Axel, kahit ganito tayo hindi ako nangamba. Akala ko kasi kahit wala tayong label ay ako'y sayo at ikaw ay akin. Mahal kita Axel"
"Mahal mo ko Lienne?" seryoso niyang sabi.
" Bingi ka ba? Sabi ko nga mahal ki---" hinalikan niya ako.
"I love you too Lienne." He chuckled at pinahiran ang luha ko " I'm sorry for making you cry. Hush now." yinakap niya ako. "Hindi ko girlfriend si Celine. Pinsan ko sya and ginawa ko yun kanina para mapaamin ka." dahil sa sinabi niya sinampal ko sya.
" Araaay! Bakit?!" napahawak sya sa mukha niya.
"Hahahaha!" may tumawa sa likod ko at si Celine yun. "Masakit ba Axel? Don't worry worth it naman kasi napaamin natin si Lienne"
"Shut up Celine. Masakit kaya!" ngumuso siyang nakatingin sakin. Yinakap nya ako ulit sabay bulong "Ano? Lalagyan naba natin ng tayo ang 'walang label' na sinasabi mo?" namula naman ako dun. Paiyak-iyak pa ako kanina ah!
"Oh ? Ano nga ba tayo?"
" Mag-asawa na tayo. Kasal nalang kulang so pakasal na tayo."
" Tse!"
Saan kaya magandang magpagawa ng wedding gown?

YOU ARE READING
My One Shot Story
Storie breviThis is just a compilation of my short stories I've made.