Matapos ng seremonya ay masayang-masaya ako. Isa na akong ganap na diyosa ng kagubatan, labis ang tuwa ko maging ang aking kapatid na si Mahalia.“Keishtania, ikaw na ngayon bagong diyosa ng kagubatan at kung magampanan mo ng maayos ang iyong tungkulin ikaw din ay magiging maharlika ka at matutupad ang hiling mong maging guro ng mga diyosa. Pagbutihin mo Keishtania." sabi ng aking kapatid.
“Naintindihan ko kapatid, sana nga. Nais ko talaga maging isa sa mga guro na diyosa.” gamit ang kanyang kapangyarihang tubig ay kumuha siya ng magagandang bato at ginawang pulseras. Ginaya ko naman siya gamit ang kapangyarihan gawa sa ugat at dahon.
“Ito pagkatandaan mo, huwag kang makikipag-usap sa tao, at mas lalong huwag kang iibig sa kanila. Kapamahakan ang hatid nila sayo.”
“Aking pagkatandaan ang iyong bilin, mahal kong kapatid. Mamimiss kita.” malungkot kong saad at yinakap niya naman ako. Kailangan ko kasing umalis at manirahan sa gubat at siya naman ay sa tubig. Kahit ganun ay masaya kami sa naging kapalaran namin. Hindi naging upang makamit ang ganitong tungkulin.
Sa paninirahan ko sa gubat ay naging masaya naman ang aking buhay. Madami akong naging kaibigan na hayop lalo na ang mga ibon na sumasabay pa sa aking pagkanta. Isang araw ay may napadpad sa aking tirahan. Isang binata at malapit na itong mahulog sa bangin.
Natataranta ako kung anong gagawin ko, bawal ako magpakita sa kanya dahil hindi ko siya pwede kausapin pero hindi ko naman kayang pabayaan siya kaya sa huli tinulungan ko siya ng hindi gumagamit ng kapangyarihan.
Kumuha ako ng pwedeng hawakan niya at hinila siya. Namangha ako sa kanyang mukha. Siya ay ubod na napakakisig na binata. Namumula naman ang mukha ko dahil sa hiya sa ginawang pagtitig ko sa kanya.
“Binibini salamat sa iyong pagtulong, kung wala ka patay na sana ako ngayon. Bakit ka nga pala nandito?”
“Kasi....dito ako nakatira.” mahinhing ani ko. Lagot ako kinausap ko siya!
“Bawal ang mga tao dito, masyadong sagrado ang lugar nato at hindi maaaring puntahan.”
Tama siya, ipinagbabawal ang lugar nato dahil dito naninirahan ang isang gaya ko. Siguro isa ito sa mga passway na tao kaya nandito. Hmm...
“Kung ganun ay anong ginagawa mo dito kung bawal pala? Matagal na ako dito kaya siguro hindi ko magagambala ang nandito sa lugar na ito.”
“May kinuha lang ako para panghalo sa gamot ito oh...” at ipinakita niya sakin ang isang bulaklak.“Kaya nga muntik na akong mahulog diyan, at ngayon lang ako nakapunta dito.
Nagkwento pa siya sa buhay at mataman naman akong nakikinig. Nakakatuwa siya, siguro humahanga na ako sa kanya. Lihim naman akong napangiti.
“Keishtania, pwede ba kitang bisitahin ulit dito?” tanong niya. Imbes ba sabihan siyang hindi dahil bawal ay...
“Sige, mag-ingat ka Nimuel.”
Buhat ng pag-alis niya ay hindi dumaan ang araw na nawala siya sa isipan ko. Lagi akong nananabik sa kanyang pagbalik. Sa sobrang pangungulila ko ay gusto siyang gamitan ng kapangyarihan para bumalik dito. Kaya nung bumalik siya ay labis ang tuwa ko at nasundan pa yun ng ilang beses. Napalagay ang loob ko sa kanya sa komportable ko ay handa na akong ipagtapat ang lihim.
“Nimuel isa akong diyosa, ako ang diyosa ng kagubatang ito. Pagawad kung ako’y naglihim.” ipinakita ko sa kanya ang totoong anyo ko. Nagbago ang aking damit at mas lalong tumingkad ang aking kagandahan.
“Wala kang dapat ipaglihim sa akin, sapagkat ako rin ay naglilihim sayo," hinawakan niya ang aking kamay.
“Keishtania, iniibig na kita.” nagulat ako ngunit mas nagulat sa pagdampi ng kanyang labi sa akin. Naramdaman ko ang pagkawala ng ibang enerhiya ko at lumipat ito sa kanya ng di niya namamalayan.
Hindi ako nagsisisi, mahal ko din si Nimuel. At gagawin ko lahat ng ikasasaya niya. Naging magkasintahan kami at ginagamit ko ang aking kapangyarihan upang tulungan siya kapalit ng unting-unti pagkawala nito sakin ngunit hindi ko iyon inalintana.
“Keishtania!” nagulat ako sa pagdating ng kapatid ko.
“Mahal kong kapatid!” yinakap ko ang aking kapatid ngunit marahan niya akong tinulak.
“Bakit mo sinuway ang utos ko? Bakit ka umibig sa tao!”
“Mali ba ang magmahal? Mahalia, kung mahal mo ko susuportahan mo ko.”
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, “Ngunit ka niya mahal Keishtania, ginagamit ka lang niya para sa pansariling kapakanan niya!”“Keishtania?” napalingon naman ako sa tumawag sakin. Hindi maaari nandito si Nimuel.
Gamit ang kanyang tubig ay pinatamaan niya si Nimuel ngunit naharangan ko.
“Isa kang manloloko, niloko mo ang kapatid ko!” at papatamaan niya ulit si Nimuel pero inatake ko siya na kinagulat niya.
“Kapatid, mahal ko siya!” naiiyak kong sabi.
“Ngunit yang minamahal mo, ay may mahal ng iba. May asawa na siya!” napaiyak na ako pati siya.
“May asawa na siya at napakaselan ang pagbubuntis ng asawa niya at nasa peligro ang kalagayan ng kanilang supling.”
“Patawad Keishtania,” lumuhod siya sa harapan ko. “Sa sobrang desperado kaya nagawa ko to, alam kong sa tuwing nangyayari sa atin ay nalilipat sa akin ang iyong enerhiya at pinapasa ko yun sa asawa ko, ayoko silang mawala. Patawarin mo ko.” umiiyak na sabi niya. Mas lalo akong nasaktan dahil galing na sa kanya.
“Hindi na gagaling ang anak mo, isinumpa ko siya dahil sa ginawa mo sa kapatid ko.” sigaw ng kapatid ko.
“Keishtania, tulungan mo ko. Hindi ko kayang mawala ang anak ko pakiusap.” nasasaktan ako sa ginawa niya pero mas nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Huminga ako ng malalim at tinignan ang kapatid ko.
“Patawad Mahalia, mahal kita.” at sinumulan ko ng magdasal at ginamit ang isang kapangyarihan ko. Napahawak din ako sa tiyan ko.
“Keishtania! Huwag!” ginamit ko ang kapangyarihan ko at malakas kong hinampas siya sa kahoy at mawalan ng malay.
“Pasensya ka na ha, kung ikaw gagamitin ko mabuhay lang ang kapatid mo.” napangiti ako ng mapait at kinuha ang kaluluwa ng nasa sinapupunan ko.
“Keishtania....salamat.” hinawakan ko siya hinalikan sa labi habang unting-unti akong naglalaho.
Sa pagmamahal ko, buhay ko ang naging kapalit nito.

YOU ARE READING
My One Shot Story
NouvellesThis is just a compilation of my short stories I've made.