•| Caroling sa bahay ni Crush |•

204 6 0
                                    

"Sige na Ira! Bilisan mo! Kaya mong gawin lahat diba?" sabi ni Lindy habang pinagtutulakan ako. "San na ang tapang mo Ira?" sabi ni Carmey "Ano na Ira gagawin mo or gagawin mo talaga " sabay na sabi ng kambal na si Rena at Niña
"Haisst! Sige na nga! Kaya ko to" sabi ko kahit na nanginginig na. At tumakbo na  silang apat sa madilim na parte. Ako naman ay nagreready na " Ano bang nakain mo Ira!" sabi ko sa sarili ko at nagbilang ng mahina sa isip ....in 1....2....3...! at kumanta na nga ako.
"We wish you a merry christmas!🎶 We wish you a merry christmas!🎶 We wish you a merry christmas!🎶 And a happy new yearrrr!🎶 Namamasko po!!! " sigaw ko.
"Neng wala kaming barya" sabi ng isang babae mukhang mama na yun ni Chester my loves!
"Hindi naman po barya ang hinihingi ko po!" sagot ko. At naghagikhikan na ang mga kaibigan ko lalo na si Lindy na nagsuggest neto at ako naman si tanga na gagawin lahat para kay chester my loves pinatulan ko na.
"Kung ganun anong kailangan mo neng?" at lumabas na nga mama ni my loves!. Nakuuu po!
" Iyong anak mo lang po ! Okay na po sa akin!" at tumawa ang mama niya . Ano bang nakakatawa dun ! Seryoso ako!
"Mom, who's there?" lagot si Chester my loves yun! Patay! Sorry my loves! My crushiieee!
"Chester may humihingi na sayo, ibibigay na ba kita? " natatawang sabi ng mama.
"Mom alam mo namang may na---I-ira ikaw ba yan?"
"Hehehe ako nga my loves! M-merry Christmas! Hiningi na kita ! Kaya akin kana ngayon" at tumawa na nga ang mga kaibigan ko at lalong-lalo na si Lindy.
"Aba anak ! Swerte mo! Ikaw na ang hinihingi ! Nababading ka ba anak kaya hindi ka pa makapanligaw?"
" Tsssk! Mom I'm not gay!" at bumaling sya sakin at inakbayan ako "Mom, This is Ira . My girlfriend and soon to be my wife . So, she's my fiancee now" at laglag panga kaming lahat. Whaaat? Girlfriend! Fiancee! Wife! Anooo?! As in!!!
"Ehem! Let's go inside and uhm eat?" sabi ng mama niya at tumango lang kaming lahat at nagpahuli kami ni Chester "M-my loves a-ano"
" Ira that's it. Mahal mo naman ako diba? your mine, and I'm yours. let's just celebrate tutal pareho nating nakuha ang gusto natin ngayong pasko" nakangisi niyang sabi.
"And one more thing" at lumingon ako sa kanya ng biglang nyang inilapat ang labi nya sa labi ko.
"Let's get married next week" sabay ngiti niya.

Nakuuu pooo! Mama! Papa! Ikakasal na po akoooo!

My One Shot StoryWhere stories live. Discover now