•| Reward Box |•

151 6 0
                                    



"Uy! Hon! Tigilan mo na nga katitext mo dyan! Sino ba yan?" sabi ko sa kanya. "Si Aaron lang nagyayayang magbasketball"
"Aalis ka na naman ba Tyler?" nagtatampo kong sabi. Pano ba naman kasi lagi nalang ganito. Nawawalan na kaming time sa isa't isa. Yinakap niya naman ako at hinalikan sa noo "Ashia hon, wag kanang magtampo. Sige, di na lang ako aalis. Date tayo."
"Yieee! Talagaa? Totoo! Yeyyyy!" pagkatango nya ay hinila ko na sya.

_______________

Pumunta kami sa park at umupo sa mga puno doon. Bumili rin kami ng street foods dun na namin kinain " Hon, alam mo ba ? Yung si Ken na bakla sa room namin, nanligaw kay Freya kahapon! Akalain mo yun? Kekembot-kembot noon tas ngayon lakad-lalaki na! Hahahaha! Hanep! hon? Texting again? " di na naman pala siya nakikinig sakin. "What? Hon? I'm sorry."
"Wala hon, laro nalang tayo!" kumunot noo niya. "What? Di na tayo bata. Iba nalang"
"Hon, naman eii! Pweaseee!"
"Ok fine, ano ba yang laro mo?"
"Simple lang to, I have a box. And I call this game a reward box" Inilabas ko yung box sa bag ko. "Sa loob neto, may reward. Ilalagay ko ito dun sa kabilang puno, hahawakan kita at kailangan mong makawala sakin para mukuha mo ang box before 30 seconds ends and then makukuha mo na ang reward na nasa loob rin naman. Game na?"
"Tss. Easy" he smirked and I just laughed at him. Nilagay ko na sa puno ang box at hinawakan ko na sya. " In 1,2,3 go!!!" Sinubukan na niyang kumawala at nahihirapan akong pigilan sya dahil ang lakas niya. "Ang lakas mo hon! Hahahahahaha" reklamo ko at tumawa lang siya.

Yinakap ko sya at pilit niya tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Before 20 seconds nakawala sya at tumakbo sa puno at kinuha ang box. Binuksan niya at kinuha ang papel. Nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Hon, bakit ganito ang nakasulat? Break na tayo? Why?" I smiled. "Simple lang, ginusto mo kasing makuha ang reward kesa ang manitili sa pagkakahawak ko, sa piling ko Tyler" niyakap ko sya at hinaplos ang mukha niya " Alam kong may iba ka ng minamahal at hindi na ako iyon. Si Missy na diba? Mahal kita, kaya papakawalan kita. Salamat sa pananatili kahit hindi na ako laman neto" tinuro ko dibdib niya.
"Ashia...Salamat" pabulong niyang sabi. Ngumiti lang ako at hinalikan sya sa huling pagkakataon at dun ko hinayaan bumuhos ang aking luha.

My One Shot StoryWhere stories live. Discover now