Lakad-takbo ang ginawa dahil sa late na ako ng 20 minutes sa klase tapos ngayon pa dating ng bagong teacher namin baka masungit yun.'Ayan anime pa! Huhuhu'
Bago pa man ako makapag-greet ay natapilok ako sa pintuan na nakagawa ng kalabog dahil sa malakas na pagkakadapa ko. Nagbungisngisan naman ang kaklase at ang iba pa ay natawa. Dali-dali naman akong tumayo ng may tumulong.
"Hey, are you okay?" inabot ko naman ang kamay niyang nakalahad sa akin at saka ako napatingin sa kaniyang mukha.
"Ohh ikaw na ba ang ps men sa buhay ko?" kulang na lang magningning ang mata ko dahil sa gwapong nasa harapan ko.
"Hoy Aubrey, gaga ka teacher natin yan!" sabi ng kaklase ko.
'What? Teacher namin to?! Ba't ganito kagwapo!'
"Imbes na mag-aral para matuto, mukhang iibig pala ako" pinisil ko pa ang kamay niyang hanggang ngayon ay nakahawak sakin. Napatawa naman siya at mas lalo tuloy ako namamangha sa mukha niya.
"Mukhang ayos ka naman. By the way I'm your professor, Prof. Sebastian"
"I'm Aubrey, your admirer este student" ngumiti naman siya at binitiwan ang kamay ko. Napasimangot naman ako ng konti.
Nagsimula naman ang klase at masasabi kong di' lang sy'a gwapo kundi matalino dahil sa galing niyang magturo. Dahil sa kaniya ay naging aktibo ako sa klase at ganun na din ang ibang classmates ko na babae. At dahil sa kapal ng mukha ko puro banat naman ako sa kanya gaya na lang ngayon.
"Sir!" nagtaas naman ako ng kamay he sighed heavily na parang alam niya na namang may kalokohan akong sasabihin.
"Yes Aubrey, any questions about the elements?"
"Sir, are you made of Copper and Tellurium?
"Because I'm cute. I know Aubrey"
"Andaya sir, tch!" nilapag niya naman ang marker saka tumingin sakin.
"Well you're like electron and I'm the proton"
"Because we're opposite but attracted to each other."
Napatulala naman ako tas inaasar naman ako ng kaklase ko.
"Ayun oh!"
"Nganga si Aubrey!"
"Banat pa nga, lumalaban na si Prof oh"
"Whoo"Namumula naman ang mukha ko hanggang matapos ang klase ay di pa rin ako makapaniwala dun. Kinilig talaga ako ng sobra hanggang sa pag uwi ko ay nakangiti ako.
Pag-uwi ko ay agad naman nawala ang sayang nararamdaman ko ng sinampal ako ni mama.
"Ang tagal mong umuwi ah, naglalandi ka naman!" napahawak naman ako sa mukha ko.
"Mama hindi naman po..."
"Sasagot ka pa talaga! Pumasok ka na dun at magsaing na."
Lagi namang ganito si mama. Lagi niya akong pinapagalitan kahit sa maliit na bagay. Siguro dahil sa nung dumating ako ay hindi na gaya ng dati ang buhay niya. Hanggang sa pagkabukas ay nanermon na naman si mama dahil wala na naman kaming panggastos sa bahay kaya hindi na rin maganda ang mood ko buong araw.
Napansin din ata ni Prof. Sebastian ang pagiging tahimik ko at di rin ako bumabanat ng kung ano-ano sa kanya.
It was Saturday ng pinuntahan ako ni Prof. Sebastian at nagulat ako sa porma niya. He just wearing casual clothes like shirt and short at may dala siyang envelope.
"I know di ka nakinig sa discussion kahapon but kailangan mo talagang aralin yan dahil pointers yan sa exams" napapahiyang inabot ko naman ang envelope.
"T-thanks Prof. And I'm sorry po" lumapit naman siya at ginulo ang buhok ko.
"No it's okay, see you on monday baby" patalikod naman itong kumakaway sa ere.
Wait what? Did he just call me baby?!
Dumating ang lunes at kataka-taka ang pagtitinginan ng mga estudyante sakin. May iba pang napapataas ng kilay at masama ang tingin.
"Siya yung nasa bulletin board diba? Gosh nakakahiya siya" rinig kong bulong ng dumaan. Kaya dali-dali naman akong pumunta sa bulletin board. At nakita ko nga ang mukha ko dun at ni Prof. Yun ang araw na pinuntahan niya ako sa bahay para bigyan ng lessons pero maissue ang caption.
'A STUDENT HAS A RELATIONSHIP ONE OF THE PROFESSOR'
Nanginginig naman ang kamay kong pinagbabaklas ang poster pero huli na kasi ipinatawag na ako sa Dean's office. Nandun din si Prof. Sebastian kaya medyo kumalma din ako. Wala akong dapat ikatakot, alam namin ang totoo.
"Ipinatawag ko kayo dahil sa issue na kumakalat tungkol sa inyo. So, totoo ba?" sasagot na sana ako ng inabot ni Prof ang kamay ko na nagpagulat sakin.
"Yes it's true Dean," at ipinatong niya ang kamay namin sa desk ni Dean.
"This is ridiculous! For goodness sake, alam niyong mali ito at pwede kayong mapaalis sa eskwelahan na to!" napahampas naman si Dean na ikinatakot ko. Napatingin naman ako kay Prof pero di man lang siya nababahala. Bakit niya ginagawa ito?
"No Dean it's not a mistake because..." bumukas naman ang pinto at pumasok ang kamukha ni Prof pero parang mature siya tignan. "I'm not the real professor, it's my twin brother Sebastian Third" napangisi naman si Prof sa kapatid niya.
"Fourth, so you're disguised is over but successful right?" kumindat naman si Prof at ipinakita ang kamay namin.
"Ikaw na bahala mag explain ah, may gagawin pa kami ni Aubrey" tumayo naman siya at hindi niya binibitawan ang kamay ko.
"U-uy Prof saan ba tayo?" hindi naman siya sumagot at hinila lang ako.
Pumunta kami sa stage kung saan nasa gitna ang school namin. Sumigaw naman siya.
"Everyone! I wanna tell something!" napatingin naman ang ilan napalapit sa amin.
"Hindi totoong may relasyon kaming dalawa... however hindi ko mapagkakaila na gusto ko siya." napangiti naman siyang nakatitig sakin "Siguro nung' unang araw ko pa lang na papapanggap ko na teacher at bumanat siya sakin, I knew you were the one,"
Samo't saring reaksyon naman ang nakuha ko sa estudyante nanonood samin lalo na dahang-dahan na lumuhod siya harapan ko at nagsisigaw na sila.
"I don't wanna be your professor, I want to be your lover. So will you be electron Aubrey? Cause I really wanna be your proton"
Napaimpit naman akong kinikilig hanggang sa.....
---------
May nagfinger snap sa harap ko."Ehem, Miss Aubrey nauulol ka na ba?" nagtawanan naman ang kaklase ko at narealize kong nasa gitna pala ako ng klase. Napaangat naman ako ng tingin kay Prof. Sebastian na ngayon nakataas ang kilay.
"Hehe sorry Prof. kung ni crushback mo sana ako edi sana hindi lang ako hanggang daydream lang" napailing-iling naman si Prof at tinuloy ang discussion.
Naiwanan naman kami sa loob ni Sir dahil plano ko magsorry.
"Eh sir, sorry na di na mauulit" napatingin naman ito sa akin at dahan-dahan lumapit. Kinabahan naman ako.
Yumuko siya at inangat ang mukha ko para pumantay sa mukha niya.
"Di na talaga mauulit..." he suddenly kiss the side of my lips at nagulat naman ako "...dahil totohanin na natin yang imagination mo" and he smile widely.
Di ko alam pero dahil sa gulat ay nararamdaman kong nahilo ako at nawalan ng malay.
YOU ARE READING
My One Shot Story
Historia CortaThis is just a compilation of my short stories I've made.