Gabi na pero hindi parin ako natatapos sa trabaho ko. Mga alas-otso na rin kasi at malapit ng mag-nuwebe ng gabi.
"Oh Steph, andyan ka pa pala?" tanong ng guard namin. "Oo kuya, natambakan kasi ako ng trabaho ngayon" sabi ko habang nagpapatuloy sa ginagawa ko."Ah sige, magra-rounds pa ako. Dalian mo nalang dyan at ng makauwi ka na."
"Ah, sige po kuya."
Daling-dali ko ng tinapos at saktong alas-nuwebe ay natapos na rin ako. "Hayy, natapos rin" niligpit ko na mga gamit ko at nag-out. "Kuya, alis na po ako"
"Sige ingat ka Steph. Dami pa naman pakalat-kalat na masamang loob ngayon" natakot naman ako nun. "Kuya naman eh! Tinatakot mo pa ako! geh! alis na ako." nakuu! hindi pa naman malapit ang sasakyan dito. Habang naglalakad ako ay feeling ko ay may sumusunod sakin. kaya palingon-lingon rin ako at ng may nahagip akong anino ay kinabahan na ako. Tinext ko agad ang boyfriend ko
👧:Babe, may sumusunod sakin at mukhang rapist!
*sent*
Lumingon ako ulit at nahagip ko naman ang anino nya dahil na rin sa takot kaya napatakbo ng may nakabangga ako ay biglang tinakpan ang bibig ko "Hmmm! Hmmm!"
"Wag kanang pumalag sumama ka na lang" sabay piring nya sa aking mata. Naramdaman ko nalang na isinakay ako. Naiyak na lamang ako. Hindi ko naisip na ganito ang kahahantungan ko. Paano na ang pamilya ko? Si Brent? Pano na ang plano namin? Napahikbi na lamang ako.
*stop*
Huminto na ang sinasakyan namin at inilabas ako ng lalaki. Wala akong makita at hindi rin ako makapagsalita. Teka bakit parang mabuhangin naman tong dinalhan sakin? Nasa dagat ba kami? Anong gagawin nila sakin? Takot na takot na talaga ako ng magsalita ang lalaki "Tanggalin na natin ang piring" huh? kilala ko boses neto ah! Ng tanggalin ang piring ko ay tumambad sakin ang napakagandang tanawin. Nakita ko ang pamilya ko at pamilya ni Brent Naguluhan talaga ako ng biglang lumabas paningin ko si Brent. Kumabog ang dibdib ko ng lumapit sya sakin. Lumuhod sya sa harapan ko "Will you marry me?"
"Yes!!!!" at agad syang tumayo at niyakap ako. "Tara na"
Akala ko katapusan ko na pero ito na pala panibagong paksa ng aking buhay kasama ang aking minamahal.
YOU ARE READING
My One Shot Story
Short StoryThis is just a compilation of my short stories I've made.