Agad namang nakaramdam ng labis na pagsisisi si Joey nang hindi na nakapagparamdam si Ruel sa kanya matapos nung nangyari.
Sa tingin niya ay mali ang naging desisyon niya na magdrama sa harap nito, syempre sino ba namang hindi mapapahinto nun. Hindi nga siya umaayaw, lumuluha naman siya habang gagawin yun. Sa tingin niya kasi ay normal lang ito sa pangangailangan ng kalalakihan na dapat niyang punan bilang kasintahan nito.
"Anubayan Joey." Ani niya sa sarili sabay katok sa kaniyang sintido.
Muli niyang inabot ang kaniyang cellphone atsaka idinial muli ang number ni Ruel. Siguro ay mahigit 20 beses niya na itong tinatawagan ngayong araw. Hindi manlang kasi siya nito tinatawagan o tinetext manlang. Hindi tuloy siya makapagfocus sa trabaho niya. Patong patong na ang kaniyang problema.
"Pick up the phone Ruel. Please." Ngunit wala, walang sumasagot sa kabilang linya.
Ngali-ngali na niyang maibato ang kaniyang cellphone sa sobrang inis, pero bumagsak nalamang ang balikat niya at marahan itong inilapag sa lamesa niya bago napahilamos sa muka. Napasabunot narin siya sa kaniyang buhok sa pagkainis. Damn. He's crazy about him.
Doon na nagsimulang bumuhos ang kaniyang luha.
Napaangat nalamang ang kaniyang muka nang may maramdaman siyang nakatayo sa kaniyang harapan.
Si Tristan! At inaabutan siya nito ng panyo.
Tinanggap niya iyon atsaka marahang ipinunas sa kaniyang mga mata. Umayos rin siya ng kaniyang upo. Hindi siya pwedeng makitang ganon ni Tristan.
Tinatapunan siya ng matatalim na tingin nito at para bang sinusuri ng maige.
"Why are you crying?" Malamig na tanong nito.
"W-wala." Nangangatog niyang sagot.
"Shit!" Napabalikwas naman si Joey nang bigla itong magmura.
"Galit dapat ako sayo eh! Ang daya daya mo! Pero bakit ganito?! Nakita ko lang yang mga letseng luha na yan eto nanaman ako at unti-unting nawawalan ng galit!" Napasabunot pa ito ng sariling buhok sa sobrang inis.
"Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon! Kung bakit gusto kita makita!" Naglakad ito dahan dahan papunta kay Joey. At nang makalapit siya ay inikot nito ang swivel chair ni Joey papaharap sa kaniya.
Inilapit niya ang muka sa dalaga atsaka muling nagsalita.
"Hindi ko alam kung bakit hindi kita matiis...." Ani nito sabay luhod at ub ob sa hita ng dalaga.
Awang awa si Joey dito, ngayon lang niya nakitang ganito kabroken ang kaniyang bestfriend. Hirap na hirap narin siya. Hirap na hirap na siyang nakikitang nasasaktan ang bestfriend niya.
Itinaas niya ang muka nito bago bigyan ng halik sa noo. Tumayo siya dahilan ng pagkakatayo ng binata, atsaka niya ito binigyan ng sobrang higpit na yakap.
"I'm sorry Tristan. I'm so sorry." Umiiyak na saad ni Joey. Wala namang nagawa si Tristan kundi yakapin pabalik si Joey.
Ilang linggo niya itong tiniis. Tiniis na makita at yakapin. Pero hindi na talaga niya kayang pairalin pa ang pride niya.
"Shhhhhhh..." Alo nito sa dalaga.
Pero parehas silang nagulat nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Joey at iniluwa non si Ruel.
Bakas rin ang pagkagulat sa muka nito, at ang galit.
Napakalas naman agad si Joey sa yakap kay Tristan. "R-Ruel. It's not what you think..." Nangangatal na saad nito.
BINABASA MO ANG
5 Suitors and a Bitch [R18]
Romance"I'm not the same girl anymore....PAIN CHANGED ME." - The Salazar Princess Joey Margarette Salazar. Ang babaeng mahinhin noon, sweet noon, NILOKO noon, NASAKTAN noon. BITCH na ngayon.