Nang makarating sa Asian Hospital and Medical Center ay agad niyang tinungo ang kwarto ng dalaga.
"Ruel!" Isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig nang makapasok siya ng silid.
Mrs. Sasha Chua. Ang ina ng kaniyang ex-girlfriend.
Agad siyang niyakap nito atsaka nagbuhos ng sariling mga luha.
"W-what happen?" Nangangatog niyang tanong habang nakapako parin ang tingin sa babaeng nakaratay ngayon sa hospital bed.
Kumalas sa kaniya ang ginang. "S-suicide..." Literal na nanlaki ang kaniyang mata dahil sa gulat. Hindi niya akalaing magagawa iyon ni Dane.
Nanlulumo siyang nagtungo papunta sa gilid ng kama ng dalaga saka niya hinaplos ang maamo nitong muka.
"H-ha? - Bakit niya nagawa iy - Pano? - A-anong nangyari?" Pautal utal niyang tanong. Hindi parin kasi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Dane.
Tumikhim muna si Mrs. Chua bago magsalita. "Nung isang araw. Nagdecide siyang magbakasyon muna sa Cebu after niyang mahuli ang fiancé niya na si Mike kasama ang ibang babae. Tapos kanina -"
"Mike? Akala ko si Javier?" Putol niya sa sinasabi ng ginang. Ang kilala niya kasing boyfriend nito ay si Javier, iyon yung lalaking nahuli niyang kasama ni Dane.
"Wala naman naging sila, Ruel." Napalingon siya dito.
"H-ha?" Napakuyom siya ng kaniyang kamao.
"Nagkamali lang ang anak ko Ruel. Isang malaking pagkakamali ang nagawa nilang dalawa, na hindi naman talaga sinasadya." Muli siyang pumaling sa gawi ng dalaga at patuloy na nakinig.
"Reunion nila iyon. Nalasing sila. Both of them didn't know what they're doing. At yun, kinaumagahan... Nakita mo na sila. But after that day, hindi ulit sila nagkita pang dalawa. Gusto niyang magpaliwanag sayo Ruel. But nahuli na siya. Hindi ka na niya naabutan." Mariin siyang napapikit nang maalala ang mga pangyayari.
Nahuli niyang may kasamang ibang lalaki si Dane sa kama. Hindi niya pinatulan ang dalawa. Kahit isang suntok manlang sa lalaking kasama nito ay hindi niya nagawa, hindi niya din naman kayang pagbuhatan ng kamay si Dane dahil mahal na mahal niya ito. Iniwan niya nalamang ang dalawa at agad ring lumipad patungong California.
Hindi niya na binigyan pa ng chance ang dalaga upang magpaliwanag, dahil para s akaniya, sapat na ang kaniyang nakita.
Nagtungo siyang California , at doon. Nagsimula na siyang maginom, nangbabae at kung ano ano pa na hindi naman talaga niya normal na ginagawa. Nagpakatatag siya at nagbago. At nang makabalik siya nang Pilipinas, lahat ay nabigla dahil ibang Jonathan Ruel de Luna na ang kanilang nakaharap.
Natuwa ang kaniyang ama sa naging pagbabago ni Ruel, nagkaron siya ng mas malaking tiwala dito, dahil naging mas matapang na ito at palaban hindi gaya ng dati kaya mabilis nang naipasa sa kaniya ang posisyon bilang CEO nang magkasakit ang kaniyang ama.
At simula noon, hindi na niya muli pang nakita ang dalaga. Wala na siyang pakealam dito, dahil nasa kaniya nanaman lahat eh. Babae, pera, at kapangyarihan.
Buong akala niya ay nakamove on na siya. Pero bakit isang tawag lang na napahamak ito ay labis labis nang pagaalala ang kaniyang naramdaman? Bakit tila may pakealam parin siya dito?
"Sinundan ka niya actually." Pagpapatuloy ng ginang.
"A-ano?" Nanghihinang anas niya. Parang konting konti nalang ay bubuhos na ang samut saring emosyon na nararamdaman niya ngayon.
BINABASA MO ANG
5 Suitors and a Bitch [R18]
Romance"I'm not the same girl anymore....PAIN CHANGED ME." - The Salazar Princess Joey Margarette Salazar. Ang babaeng mahinhin noon, sweet noon, NILOKO noon, NASAKTAN noon. BITCH na ngayon.