Chapter 10 - You. Lose.

250 7 0
                                    

"Do you like it?" Tanong ni Ruel sa kabilang linya.

"Yes Ruel. They're gorgeous." Sagot naman ni Joey habang kinakalikot ang mga ipinahatid na mga bulaklak ni Ruel sa kaniyang opisina.

"How about the dress? Nagustuhan mo?"

"Ha? What dress?" Takang tanong ni Joey.

Bigla namang bumukas ang pinto at doon iniluwa ang kaniyang secretary na may dala-dalang bag.

"Miss ito pa po pala yung dress na ipinapabigay rin ni sir Ruel." Nakangiting saad nito sabay patong sa table ng dalaga.

Tinanguan nalamng niya ito pagkatapos ay agad narin itong lumabas.

"Oh. It's here." Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair atsaka kinuha ang sinasabing dress. Pinakatitigan niyo iyon. Simple lang ito pero elegante tingnan.

"You should wear that for our date later." Ani ni Ruel.

"Date? Later?" Nabigla naman si Joey dahil hindi agad iyon nasabi ni Ruel.

"Yes. I miss you already princess. It's been two days since nagkasama tayo ng matagal-tagal. Ang dami pa kasing inasikaso eh. Tinapos ko na nga agad para makabawi na ako sayo." Pinamulahanan naman si Joey sa sinabi ng binata.

"Awwww. I miss you too Ruel. And don't be sorry. Busy rin naman ako eh. Pero mamaya rin libre na sched ko."

"Osige sige. I'll pick you up at 7. Ok? Goodbye Joey. I still have 1 meeting to attend to, tas usap lang kami saglit ng pinsan ko. Then. I'm all yours. Goodbye princess. " Mapaglarong tinig ang pinakawalan ni Ruel sa kabilang linya.

"Hahaha opo opo. Ingat ikaw ha. Goodluck! Goodbye Ruel. I love you." Pagkasabing pagkasabi non ni Joey ay ang tunog na patay na ang kabilang linya nalamang ang narinig niya.

~~~5SAAB~~~

Dahil maaga aga pa naman, nagdesisyon muna si Joey na puntahan si Tristan sa condo nito.

Kabado siyang nagdoorbell sa unit ng binata. Matapos ng pagdodoorbell niya ng isa ay walang nagbubukas.

Isa pa. Ngunit wala parin.

At nang magpapangatlo pa siyang pindot ay bigla nalang itong bumukas.

Amoy na amoy na niya kaagad ang samyo ng alak na nanggagaling sa loob ng unit. Kahit madilim ang unit ay kitang kita parin mula sa labas na sobrang kalat nito.

Napalagok muna siya bago tuluyang pumasok sa unit ni Tristan.

"Hey best." Boses ng lalaki na galing sa kaniyang likuran ang narinig ni Joey. Nilingon niya ito at hindi niya naman maiwasang malungkot nang makita ang itsura nito. Mukang miserable ang binata.

Pupungay pungay ang mga mata nito, mata na kitag kita mo yung sakit. May hawak rin itong isang bote ng alak.

Nginitian siya ng mapakla ni Joey. "Best." Agad rin niya itong nilapitan atsaka binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi niya alintana ang pagkaamoy alak ng binata.

Marahan siyang itinulak ng binata. "Diba may boyfriend ka na? Baka ano sabihin nun." Nakangiwing saad ng binata. Si Joey naman ay hindi malaman ang kaniyang isasagot rito. Nanatili nalamang siyang tahimik at nakayuko. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig ni Tristan sa kaniya.

"Kamusta naman kayo best?" Tanong ng binata. Hindi nalamang iyon sinagot ni Joey.

"Ay. Tinatanong ko pa ba yun? Syempre masaya. Sobrang saya niyo. Ayos. Ayos na ayos." Sarcastikong tinig ang pinakawalan ni Tristan habang kumukuha pa ng isang bote ng alak sa kaniyang ref.

5 Suitors and a Bitch [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon