Tristan and Joey #TEAMKABUTE
Naroon paring ang binata sa madalim na parteng iyon.
"Arf! Arf! Arf!"
Napabalikwas naman ang binatang si Tristan mula sa malalim niyang iniisip tungkol sa kanyang bestfriend at ang kasa-kasama nitong lalaki dahil sa asong nasa likuran niya na tinatahulan siya.
"Shooo! Dun ka Kanor! Shoooo!" Pagpapaalis niya rito.
Isang Dachshund ang gumugulo sa kaniya ngayon. Ito ay aso ni Joey na ineregalo niya noong nag 18 ang dalaga. Kanor [Kei-nor] ang ipinangalan dito ng dalaga.
Hindi niya nagawang paalisin ito. Sa halip ay kinagat pa siya nito sa kanyang puwitan.
"ARAYYYYYYYYYYYYYYYY!!!" Hiyaw niya.
SI JOEY
Papasok na siya ng mansyon ng marinig ang hiyaw ng isang pamilyar na boses.
"Tristan?!" Tawag niya nang makilala ang lalaking himas himas ang kaniyang puwitan at namumutla na lumabas sa isang madilim na parte roon.
"Anong nangyari sayo best?!" Mabilis pa sa alas quatro ay napuntahan na agad niya ito at sinilip silip ang puwitan.
"Ano ba." Saway ng binata dito habang pinapaling ang kanyang puwitan palayo sa gawi ng babae.
"Anong ano ba?! Kelan ka pa nahiya saken aber?" Tama. Kelan pa nga ba? Bago 'to ah.
"Halika na nga. Hiram ka muna kay dad ng shorts. May butas yang puwitan mo." Hinila siya ng babae papasok ng mansyon.
"San ka galing?" Takang tanong niya rito habang nakatingin sa dala nitong bear. Hindi siya tinitingnan ng babae dahil deretso ang tingin nito sa daan.
"Jan lang. Nagpahangin." Pagsisinungaling nito sa kanyang bestfriend.
"Ahhhh... Tapos nadala nung hangin bigla sayo yung bear? Tinde." Sagot ni Tristan sa dalaga. Paano'y alam na alam niyang nagsisinungaling ito.
Napatigil sa paglalakad dahil tumigil ang dalaga at hinarap na siya atsaka pinisil ang ilong nito.
"Ang cute cute mo talaga best. Sobrang cute. Ang cute cute cute cute cute cute cute." Panggigigil sa kanya ng dalaga. Halatang iniba nito ang usapan pero hindi niya parin maiwasang mapangiti.
Agad ring nawala ang ngiti niya. "May ikukuwento ka sakin mamaya." Seryosong sinabi nito.
Marahang tumango na lamang ang dalaga.
"Where have you been princess?" Alalang tanong sa kaniya ng kaniyang ama.
"Nagpahangin lang po ako daddy." Mabuti naman at hindi na napansin ng mga bisita at ng kaniyang mga magulang ang dala dala niya. Tutok sila sa maamo nitong muka.
"Kailangan pa lumayo anak? We have out veranda. Aba. Napakalawak naman ng lupain natin, kahit saan dito ay pwede ka naman magpahangin."
"Jan po sa may perya ako galing dad." Sagot niya sa ama. Totoo naman ah. Galing siya doon.
"Perya? What place is that?" Takang tanong ng kanyang ama. Pero bago pa sumagot ang dalaga ay sumabat na si Mikael na nanjan pa pala.
"Oh my gosh Joey. Dapat isinama mo ako. Delikado roon! Madumi pa. Paano kung may nangyari sayo?" Nagulat naman siya dito. Hindi niya naman magagawang sungitan ito dahil wala iyon sa genes niya. Sweet siyang babae.
At ang sasagot nalang para sa kanya ay ang kanyang bestfriend syempre.
"Sasabat pa eh. Naguusap yung mag ama. Perya. Perya. You know. Yung may mga rides. Yun na yun tas may mga laruan or booth ren. Haunted house or whatever. Wag kang oa. Para lang rin yung Star City or EK na palipat lipat at nakapos sa budget." Pangbabara ni Tristan kay Mikael. Umupo ito at dumekwatro pa ito sa harapan nila.
BINABASA MO ANG
5 Suitors and a Bitch [R18]
Romance"I'm not the same girl anymore....PAIN CHANGED ME." - The Salazar Princess Joey Margarette Salazar. Ang babaeng mahinhin noon, sweet noon, NILOKO noon, NASAKTAN noon. BITCH na ngayon.