Chapter 15 - Leave me alone

311 3 0
                                    

"Babe. Are you ok?" Pukaw ni Ruel sa kaniya. Noong isang araw pa kasi siya tigagal matapos bumisita si Jennifer sa kaniyang opisina.

"H-ha?"

"Hindi mo pa halos nagagalaw pagkain mo. Kanina pa parang ang lalim ng iniisip mo eh. Penny for your thoughts?" Tanong sa kaniya nito.

"A-ahhh... Medyo sumama kasi pakiramdam ko eh. Babe, pwede bang umuwi tayo ng maaga ngayon? Gusto ko na magpahinga eh." Pagsisinungaling niya dito. Sa totoo lang kasi ay hindi parin siya mapakali kakaisip ng mga sinabi ni Jennifer sa kaniya. She became curious. May tiwala naman siya kay Ruel pero may nagtutulak talaga sa kaniyang kausapin pa muli ang babae.

"Sure. Tapusin na muna natin 'tong kinakain natin."

~~~~

Nang matapos sila sa kanilang hapunan ay dali narin siyang inihatid ni Ruel sa kanilang mansyon.

Akma na siyang bababa ng sasakyan nito nang bigla siya nitong hilain at halikan sa noo. Don siya nagkaron ng lakas ng loob para maitanong na ang tanong na noong isang araw pa gumugulo sa isip niya.

"Do you love me?" Tanong niya nang makaalis ang labi ng binata sa kaniyang noo.

Kunot noo itong humarap sa kaniya. Lumipas na ang ilang segundo ay hindi parin ito nakakasagot. Napayuko nalamang siya at naghanda na sa pagalis pero pinigilan siya nito.

"Babe wait!" Nanlalabo na ang paningin niya nang harapin niya muli ito. Konting kisap mata nalamang ay tutulo na ang mga luha niya.

"I-" Hindi naman natuloy ng binata ang nais niyang sabihin nang biglang magring ang cellphone nito.

"Just call me later Re- WHAT?!" Laking gulat naman niya nang halos mapasigaw na si Ruel sa kausap nito.

"WHERE?!" Hiyaw pa ng binata. Siya naman ay litong lito na dahil kita niya ang pagaalala sa mga mata nito.

"Ok ok. I'll be there!" Ibinaba na nito ang tawag at muli siyang hinarap.

"I-I have to go. Magpagaling ka." Para itong atat na atat nang makaalis, kaya dali nalamang rin siyang bumaba ng sasakyan papasok ng mansyon. Bagsak ang balikat at malungkot.

KINABUKASAN ay natagpuan nalamang ni Joey ang kaniyang sarili sa isang coffee shop kaharap ang babaeng bigla nalamang pumasok sa opisina niya at nanggulo.

"Alam kong tatawagan mo rin ako. So kamusta?" Nakangiting saad nito sa kaniya.

"Wala akong oras para makipagchikahan. Ms. Juvillano. Sabihin mo na gusto mong sabihin. I only have ten minutes." Asik niya dito.

"Bakit bigla kang naging interesado? Don't you trust your Ruel?"

"Ok I'm done." Akma na siyang aalis nang pigilan siya nito.

"Woah! Fine fine! Sasabihin ko na gusto kong sabihin!"

"Good." Humalukipkip siya sa harapan nito.

"Ruel. Siya yung tipo ng lalaking wala nang sineryosong babae. Why? Kase sobra siyang nasaktan nung kaisa-isa niyang minahal na babae. At minamahal parin." Napalunok siya sa kaisipang iyon. Parang may kung ano ring kumirot sa puso niya nang malamang may ibang mahal ang taong mahal niya. Pero hindi! Hindi siya dapat maniwala dito! Pumunta lang siya dito para pakinggan ang lahat ng kasinungalingang sasabihin sa kaniya ni Jennifer.

"Wala as in wala. Marami siyang pinapaiyak. That's his way of revenge."

"And...why are you telling me those again?"

"Ayaw ko lang na pati ikaw masaktan. You're so innocent."

"How sweet. Ok so ano pa?" Palaban niyang tanong dito.

5 Suitors and a Bitch [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon