xxv. Anagram

2 0 0
                                    

(Untitled)

Hindi sa LAPAD ng PALAD makikita ang tunay na kapalaran,
Kundi sa'yong KINAMULATAN at sa mga bagay na 'di dapat NA KALIMUTAN.

Masaktan ka man sa TUSOK at dumami ang KUSOT,
Dumating man sa puntong ika'y maki-SULOT, ang mahalaga'y maka-LUSOT.
Sa malawak na DAGAT ay pilit mong tatanawin ang pag-asa sa kabila ng DAGTA—
Na nagpapahirap sa 'yong bumangon mula sa pagkakadapa.
Tila isang SAPAK na mayroon kang buhay na walang PAKSA.

Sa kanilang LAKAS ay tiniis mo ang SAKAL,
Sumobra sila sa LAMPAS at ikaw ang nakatikim ng SAMPAL,
Ang kanilang mga kasalanan ay TINAHI,
Habang ang iyong pag-asa'y HINATI,
Ang kanilang mga sarili'y INANGAT, ngunit ang iyong dila'y NANGATI.

Sa kanilang pag-USAD ay ikaw ang nag-DUSA,
Nabulag ang kanilang mga MATA at tuluyang lumabo ang TAMA,
Lahat ng HULA ay makikita sa 'yong LUHA,
Buhay mo ang nagsilbing ALAY kapalit ng kanilang pag-LAYA.

Ngayon ay heto ka't nakatingin sa SALAMIN, inaalala kung paano ka MINALAS,
Ikaw ngayon ay KAPOS, dinaanan ka na ng ilang PASKO sa loob ng rehas.
Tila SAPOT sa 'yong paligid ngunit hindi ka pa TAPOS sa paglaban,
Ano man ang iyong MAPALA, ang mahalaga'y hindi ito ang magsisilbi mong PAALAM.

Sapagkat hindi sa LAPIT ng panganib nagmumula ang PILAT,
Nasa langit ang TALA,
Nasa dagat ang ALAT.

Kaibigan, tandaan.
Kung sinong naging ALALAY—
ay siyang LALAYA.

@inbluence

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tatak LetraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon