vi. Patay

0 1 0
                                    

𝐏𝐚𝐭𝐚𝐲

Wala nang mas lalamlam pa't papantay
sa kulay ng patay na rosas
matapos pahiran ng luha
bilang pagsuko sa pait nitong ipinamalas.

Wala nang makahahatid
ng panibagong kulay ng panulat
kung mismong ang sakit
nito ang dahilan at nagtulak.

Wala nang mas hihigpit,
ni ang pasmadong kamay
sa damdaming nakakapit
upang lumuwag ang galit.

Hindi na mababago ng kulay kahel
ang pagkahumaling na sanhi
ng mga lukot na papel
na may bahid ng pagkamuhi.

Bumuhos man ang papuri
ay hindi na muling aakda
sapagkat ang plumang sinuri
ay naubusan na ng tinta—
at ang manunulat ay magkukubli,
naubusan na ng salita;
subukan mang ipilit
ay hindi na tutugma.

@inbluence

Tatak LetraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon