Epilogue

45 3 0
                                    

"Engineer, tama na muna 'yan, may bukas pa." dinig kong pang-aasar ng isa sa mga katrabaho kong engineer.

I looked at him and just shook my head and continued reading some documents on my table.

Sa loob ng apat na taon na hiwalay kami ni Lexi, mas lalo ko nalang ginugol ang oras ko sa trabaho. I didn't even think about dating anyone 'cause if it's not her, I don't want it.

Matagal ko nang tinanggap na tapos na kami at kung mag-kita man kami ulit, alam kong hindi na namin maibabalik kung ano man ang mayroon kami noon.

But, I guess fate has something to do with it when I saw her in the most unexpected way.

"Ah! What the fuck?! Bastos! Oh my god!"

Both of us were in panic when I twisted the doorknob open and I saw her standing there. I chuckled a little when she stormed off, parang hindi n'ya pa naman nakita.

I didn't notice her appearance that much the last time we saw each other 'cause then again, pareho kaming nag panic. Pero mukhang sineswerte ako dahil nang maisipan kong bumili ng kape sa malapit na coffee shop, s' ya agad ang una kong nakita.

Her facial features matured at mas lalo s'yang nag mukhang intimidating dahil sa mahaba n'yang buhok at pulang labi. Pumayat rin s'ya at ang mga mata n'yang kilala ko ang emosyon tuwing tinitignan ko noon.. nag iba na. Her facade got stronger.

Hindi ko rin naman s'ya masisisi kung kinailangan n'yang mas maging matatag nang mawala ang anak namin lalo na nakulong na rin ang tatay n'ya dahil sa iba't ibang kaso gaya ng rape, abuse, perjury, theft and the heaviest one is attempted murder.

Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kan'ya dahil sa muntikan n'yang pag-kitil sa buhay ng tatay ko pero masasabi kong nasaktan ako dahil hindi ko akalaing kaya n' yang gawin ang bagay na iyon sa harapan pa mismo ng anak n'ya.

Naiintindihan ko rin kung bakit gusto siguro ni Trixie na umalis sa bahay na 'yun kung saan nakita n'ya mismo ang kayang gawin ng Daddy n'ya kaya nang sabihin sa akin ni Lexi na gusto nilang lumipat dito sa bahay, pumayag agad ako.

Hindi pa rin ako nagbago. Kasiyahan ko pa rin na makita ang inis na mukha n'ya dahil sa pang-aasar ko.

"Alam mo bang napanaginipan ko si Fairy?" basag ko sa katahimikan.

Naalala ko pa ang exact details ng panaginip ko noon. Pagod na pagod ako noong araw na 'yon dahil sinugod namin si Tito Mitchell sa ospital bago ako pumasok sa trabaho at pag uwi ko ay umiyak dahil sa lungkot na dala ng pagkawala ng anak namin.

Napanaginipan kong nasa garden s'ya ng bahay namin kasama si Lexi at tinuturuan n'ya si Fairy maglakad. I clearly saw Lexi's smile up to her eyes while helping Fairy how to walk.

Hindi ko masabi kung sino ang mas kamukha ni Fairy dahil para s'yang tig kalahati namin ni Lexi.

"Ma, bakit ka umiiyak?"

Kadarating ko lang sa bahay nila Papa at nakita ko agad si Mama na nasa sala at tahimik na lumuluha. Napatingin s'ya agad sa akin at pinunasan ang luha.

"Anak, s-sorry, patawarin m-mo ako." sabi n'ya, halos pabulong.

"H-huh? Bakit, Ma?" naguguluhang tanong ko at umupo sa tabi n'ya.

"P-pumunta ako sa puntod ng apo ko kanina at hindi ko maiwasang ma-guilty.." pag hikbi n'ya. "Sorry, n-nak, dahil sa a-akin kaya w-wala s'ya ngayon at nagka-hiwalay kayo ni Lexi."

"Ma, shh," I consoled her.

"K-kung naging mas m-mabuti lang akong n-nanay at... lola, hindi n'yo mararanasan ang s-sakit na pinag-daanan n'yo," lumala ang pag-iyak n'ya. "I'm sorry,"

A Diamond Beneath The Sand (Dream Series #4)Where stories live. Discover now