"Kanina ka pang nakatulala diyan, matutunaw 'yang ice cream mo. May problema ka ba?"Hindi ko lubos na akalain na magiging ka-close ko nang sobra si Daeneon.
Kahapon kasi ay inabot ako ng ulan sa waiting shed and naabutan ko rin siya roon. Matapos noong mga nangyari after ng away namin ni Hilda, pakikipag-usap ko sa stranger, at pagsingit ni Rhael ay hindi ko na namalayan ang pag-ikot ng oras. Kahit nga si Kyrstel ay hindi ko na napansin sa classroom kasi ang utak ko ay kung saan-saang lupalop na naman lumipad.
Mag-aalas sais na siguro yun nang mapagtanto ko na ako na lang pala yung tao sa classroom namin. Lakad-takbo na ang ginawa ko para lang makalabas ng school kasi medyo dumidilim na, ngunit inabutan naman ako ng lakas ng ulan. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumilong sa waiting shed at naabutan ko rito si Daeneon na basang-basa na rin.
"Oh! Pauwi ka na?" tanong nito. Abala naman ako sa pagpapagpag ng bag ko dahil pakiramdam ko ay basa na ang mga gamit ko sa loob nito. Huwag sanang mabasa ang ginawa kong assignment para bukas.
"Pauwi na rin. Ang lakas ng ulan 'no?"
I can feel the awkwardness. Medyo nakakahiya kasi feeling ko bakat na yung bra ko sa aking blouse.
It's kinda iw.
"Next time, magdoble ka."
Kaagad akong napatakip ng mukha dahil sa kahihiyan. Bakit kailangan niya pang sabihin yun?
"Don't worry, hindi kita pinagnanasaan."
Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi nito ngunit agad itong napawi nang iabot niya sa akin ang kaniyang bag. Mas malaki ito kumpara sa bag ko kaya mas matatabunan yung harap ko dahil dito. Magaan din naman yung bag niya, para ngang ballpen lang ang laman e.
"Kung iniisip mong may gagawin ako sa iyo, nagkakamali ka. I have respect in every girls."
Hindi ako nagsasalita.
Hinahayaan ko lang siyang magsalita.
Nanatili lang ang atensyon ko sa mga patak ng ulan at samantalang ang pandinig ko ay nakafocus sa mga sinasabi niya.
"May naging kaaway ako noon sa isang bar kasi binastos niya yung kasama ko. I was like 'Hey Dude! You should respect her', pero nginiwian niya lang ako and it sucks!" kwento niya pa.
"After that, tumatak na sa isip ko na hindi ko hahayaang may babaeng nababastos."
Marami pa siyang kinwento at sa paraan na ito ay parang unti-unti ko siyang nakikilala.
He's a nice person, iyan ang masasabi ko. We're not that close pero nakukuha niyang magkwento.
Nakakahiya nga kasi naalala ko bigla yung una naming meet sa library and sinungitan ko lang siya nang sinungitan. I don't know na mabuti pala siyang tao.
"Hoy Portia! Para kang tanga, kanina ka pa tulala diyan."
Nakalimutan kong kasama ko nga pala ulit siya dahil inaya niya akong magmall, para na rin daw mabawasan yung stress ko dahil naikwento ko sa kaniya yung about sa nangyaring pakikipag-away ko kahapon. Ayon nga lang, sa halip na magalit siya e tinawanan lang ako.
"Makatanga ka naman Neon. May iniisip lang kasi ako," pagsisinungaling ko pa.
"Sino? Yung lalaking humabol sa iyo pagkatapos nang pakikipag-away mo o yung lalaking naghahabol sa iyo para makipagbalikan?"
YOU ARE READING
SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLD
RomancePortia Aemilius is a woman who has always had bad luck with men. She still pours out so much passion, but it never works. In a relationship, what she wants is to find a man who is willing to love her fully and seriously because she believed that 'If...