CHAPTER 3: STILL IN LOVE?

33 16 0
                                    

I can't believe that he's here now in front of me. Sobrang laki ng pinagbago niya, para siyang hindi si Rhael na nakilala ko noon. Kung pogi siya noon ay mas dumoble ngayon, isama mo pa ang manly voice niya. I did nothing but to smile widened kahit kanina lang ay sobrang inis ako sa kaniya.

"She's Portia Aemilius," he said in serious tone.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at tila ba kaming dalawa lang ang tao dito. Para kaming nasa isang pelikula kung saan ako ang bida sa sarili naming storya.

Lahat ng alaala ng nakaraan naming dalawa ay biglang bumalik sa isipan ko, mula nang nagkakilala kami dahil sa aking notebook na nahulog hanggang sa ligawan niya ako at naging kami, pero hanggang diyan na lang 'yon dahil sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako marupok at hinding-hindi na ako rurupok dahil sa isang lalaki.

Hinding-hindi na ako rurupok sa isang lalaki.

Hindi naman talaga ako marupok e! Kung hindi lang talaga ako inaasar nitong kaibigan ko e hindi ako magiging marupok.

"Why did you know her?" muling tanong ni Kyrstel.

I glared at him. Ayokong malaman ng kaibigan ko na isa siya sa mga naging ex ko dahil paniguradong aasarin ako nito. Si Kyrstel ay isa sa kaibigan kong napakamausisa. Kapag may hindi siya nalalaman ay magiging reporter iyan slash imbestigador kaya dapat una pa lang ay sasabihin mo na agad sa kaniya kung ayaw mong kulitin ka niya. Hindi siya palaging nauubusan ng enerhiya at baterya. May power ata itong kaibigan ko.

"A-ah. Nagkakilala lang kami kanina sa tricycle," sagot nito.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Kilalang-kilala na niya ako dahil alam niya na tuwing lilisikan ko siya ng mata ay may ibig sabihin na iyon. Oo nga! Sa sobrang pagkakilala niya sa akin ay alam na niya kung ilang taling mayroon ako o 'di kaya naman ay kung kailan ako nakakaramdam ng sakit.

"Forget about what happen. By the way, sa room 11-A ka." Pagkasabi ko noon ay agad na tumawa si Kyrstel.

Ano naman kayang nangyari dito sa baliw kong kaibigan?

Napakabaliw niya talaga kahit kailan. Simpleng bagay lang e pinagtatawanan, kaya siguro hindi siya nagkakaboyfriend kasi puro tawa lang ang alam. Baka nga kaya walang nagtatangkang manligaw sa kaibigan ko e dahil para siyang abnormal.

"Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Mataray kong sambit habang titig na titig ang aking paningin kay Kyrstel. Nahagip naman ng paningin ko ang pasimpleng lalaking tumatawa sa may tabi niya.

"Magiging kaklase natin siya," seryosong saad niya. Nang dahil sa sinabi niya ay aksidente akong napakagat sa labi ko at paniguradong napansin iyon ni Rhael.

"Don't bite your lips, let me do it for you," wika niya habang seryosong nakatingin sa mga labi ko. Hindi pa rin siya nagbabago, manyakis pa rin. Isa sa dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan noon. Napakadumi ng kaniyang utak at puro kabastusan at kahanginan ang laman.

"Bastos!" bulyaw ko saka umuna na ng lakad at iniwan silang dalawa ni Kyrstel.

Nakakainis!

Bakit kaya sa dinami-rami ng lalaki sa mundo e siya pa 'yong naging ex ko?

Grabe talaga ang mga lalaki ngayon, harap-harapan na ang pagkabastos!

Walang pinipiling lugar!

Nakakaurat.

"Uy Portia! Bakit mo naman kami iniwan?" tanong ni Kyrstel habang abala ako sa pag-aayos ng aking sarili dito sa loob ng classroom. Maaga pa naman e at saka hindi pa nagsisimula ang flag ceremony.

SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLDWhere stories live. Discover now