CHAPTER 2: UNEXPECTED
Nakanguso ako habang nag-aayos ng sarili kasi naiinis ako kay mommy dahil ayaw sa akin ipagamit iyong motorbike at magcommute na lang daw ako.
"Huwag mo akong paandaran ng katarayan mo Portia, baka nakakalimutan mong mas maattitude ako sa iyo," sermon ni mama habang pababa na ako ng hagdan. Hindi ko na lang siya inimikan at tumuloy na lang sa kusina na may nakahanda ng pagkain.
"That motorbike isn’t yours. Huwag kang mang-agaw ng hindi sa iyo!" sigaw niya nang hawakan ko ang egg sandwich na nakahain sa mesa.
"Sanay ka namang naaagawan mommy e," biro ko pero tinarayan niya lang ako.
Normal lang sa aming dalawa ang magbangayan at mag-asaran tungkol sa lalaki kahit maging kay daddy pa. We're like best friend. Lahat ng sikreto ko ay sinasabi ko sa kaniya. Lahat ng ginagawa ko ay alam niya, maging masaya o malungkot man ito. In short, open kami sa isa't-isa.
"I gotta get going mom. May aasikasuhin pa po ako sa school kaya maaga raw dapat ako. I'm with Kyrstel." I kissed her cheek saka tuluyang lumabas.
"Ingat ka! Hindi ka pa naman iniingatan," sigaw niya bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto.
"Alam ko na po 'yon, huwag nang ulit-ulitin kasi masakit."
Minsan, kung sino pa 'yong minamahal, iniingatan at pinapahalagahan mo ay siya namang walang pakialam sa iyo.
Masakit pero kailangang tanggapin.
"Kainis!" usal ko nang makasakay na sa tricycle.
"Saan ka?" tanong ni manong driver.
Seryoso ba siya?
Kailangan pa talagang magtanong e nakauniform naman ako.
"Sa puso niya po," wala sa sariling sagot ko.
"Ha?"
Bakit kasi iyon ang nabanggit ko?
"Nakaschool uniform po ako so sa mall po ako pupunta." Nginitian ko siya saka nagpeace sign. Napataas naman ang kilay ni manong dahil sa sagot ko.
"Masiyado kang mapagbiro ineng ah! Siguro walang nagseseryoso sa iyo."
Pati ba naman dito e ganito ang usapan?
"Hindi ho kayo nagkakamali. Wala nga po talagang nagseryoso sa akin," sagot ko.
Sandali namang tumigil si manong senyales na may sasakay na pasahero.
"Aray ko naman!" reklamo ko nang ipitin niya ako.
"Sa susunod kasi, matutong magbigay ng space para hindi masaktan," ani nitong bagong sakay na lalaki.
Siya na nga 'yong nakasakit, siya pa 'yong malakas magalit.
Mga lalaki nga naman.
"Dapat kasi hindi na nakikipagsiksikan para hindi na makasakit pa," bulong ko.
"May sinasabi ka?" tanong niya ngunit hindi ko siya pinansin.
Feeling close siya?
"Manong, lilipat po ako ng puwesto, puwede po ba?" pang-aabala ko.
"Malapit na tayo school mo ineng, mag-antay at magtiyaga ka na lang."
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabi niya at nadinig ko naman ang mahinang pagtawa nitong katabi ko.
YOU ARE READING
SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLD
RomancePortia Aemilius is a woman who has always had bad luck with men. She still pours out so much passion, but it never works. In a relationship, what she wants is to find a man who is willing to love her fully and seriously because she believed that 'If...