RHAEL'S POINT OF VIEW
"Walang pinagbago," nananaray na wika ni Portia. What the hell! Bakit ba ganito itong ex-girlfriend ko? Ubod ng taray. Pinaglihi siguro 'to sa pinya.
Akmang tatayo na siya ngunit mabilis kong nahagilap ang kaniyang kamay kaya napadikit siya sa akin.
I can smell her perfume. Her lips, kagaya pa rin nang dati. Sadyang napakaganda talaga nang isang Portia Aemilius. Hindi na ako magtatakha kung bakit maraming nagkakandarapang lalaki sa kaniya.
Tumitig ako sa mga nanginginang niyang mga mata. Grabe! Namiss ko ito. Namimiss ko nang mayakap siya. Lahat ng tungkol sa kaniya ay miss ko na. Mula sa pagtawa niya na samahan pa nang panghahampas. Sa pagtatravel namin, pamamasyal at paglalaro. Lahat halos ay gusto ko nang balikan, lalo na siya.
Ilang buwan ang lumipas nang maghiwalay kami at ang laki ng ipinagbago niya. Malaki ang ipinagbago niya mula sa panlabas hanggang sa panloob. Pero iyong nararamdaman ko?
"Wala talagang pinagbago, ikaw pa rin 'yong mahal ko," dugtong ko sa sinabi niya.
Hindi sa pagmamayabang pero kitang-kita ko sa mukha niya ang pamumula dulot nang sinabi ko. Ang puti niya para hindi makita ang litaw na kulay sa balat niya.
Gusto ko pa siyang mahawakan nang matagal. Gusto ko siyang yakapin. Ang dami kong gustong gawin sa kaniya kaso hindi puwede.
May mga bagay na hindi puwedeng ipilit.
"Ehem! Masiyado na siguro kayong nilalanggam. Mabuti pa, magbreak na kayo este kain na tayo." Kumalas siya sa pagkakahawak ko at sumunod na kay Kyrstel.
Naiwan ako ritong lutang at hindi makapaniwala sa nangyari lalo na sa mga sinabi ko. Sa totoo lang, hindi ko na inaasahang magkikita pa kami ni Portia sa kabila nang nangyari sa amin noon.
Portia was my first love. Yes, love. I really love her, to the point na handa akong gawin ang lahat para sa kaniya o para sa ikakabuti niya. I can do anything para sa kaniya kahit kapalit pa nito ay masaktan ako.
"The girl in the cafeteria, she's so annoying."
"Friend, huwag mong tangkain kalabanin 'yon. Demonyo 'yon."
"Gosh! I can't believe na nakaya niya ang isang kagaya ko."
"Hindi ka siguro niya kilala kaya ka nasigawan nang ganoon."
"Omg Queen! Ang masaklap pa nga noon ay close sila noong crush mong transferee."
Sa kabila nang pag-iisip ko ay may nadinig akong bulungan sa mga dumadaang estudyante.
Andito ako nakapuwesto sa may tabi ng bintana kaya imposible namang hindi ko iyon marinig. May pagkachismoso rin siguro ako.
"Excuse me, miss," wika ko pa nang maabutan ko sila sa paglalakad.
"Omg Queen! He's here," dinig ko pang bulong noong isang babae.
"Yes?" mataray na sagot niya. Mukhang siya iyong Queen na tinutukoy nila.
"I just wanna know kung sino 'yong babae sa canteen," ani ko.
"I'm Portia Aemilius." Nanaas ang balahibo ko nang lingunin ang babaeng nakataas ang isang kilay na nasa likuran ko. Nakita ko ang damit niya ay hindi na kulay puti, malamang ay tinabunan siya ng juice ng kung sino man.
YOU ARE READING
SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLD
RomancePortia Aemilius is a woman who has always had bad luck with men. She still pours out so much passion, but it never works. In a relationship, what she wants is to find a man who is willing to love her fully and seriously because she believed that 'If...