CHAPTER 16: CHAMPORADO

14 2 0
                                    

DAENEON'S POINT OF VIEW

Alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat na maramdaman itong nararamdaman ko ngayon. Hangga't maaari, hangga't kaya ko ay aking iiwasan.

Bakas sa mga mata ni Portia na mahal niya pa si Rhael and I can't do anything about her feelings. Simula sa mga kwento niya, ramdam ko kung saang parte siya nasasaktan. Ramdam ko kung kailan tuluyang babagsak ang kaniyang mga luha, at isa ang mga iyan sa ayaw kong mararamdaman niya sa isang lalaki.

Yes. I care about her feelings. Hindi ko kayang makita na iiyak siya nang dahil sa lalaki. I know she's strong, kaya niyang pigilin ito huwag lang mahalatang nasasaktan siya.

"Class dismiss."

After our teacher said that line, I immediately dialed Portia's number.

"Miss mo agad ako?" Hindi pa man nakakapag'hello' ay ito agad ang ibinungad niya sa akin.

"I'm on my way, stay there." I ended the call.

Mabilis akong lumabas ng room at dumiretso ng cafeteria to buy some foods. Sana nga lang ay hindi na siya lumabas ng room nila dahil baka makipag-away na naman siya. As long as I am here, papaiwasin ko siya sa gulo.

"Miss, can you call Portia Aemilius? Tell her that someone is waiting outside."

Sinunod naman agad ako noong kaklase niya. Kahit dito sa may bintana ay kita ko rin si Rhael at Kyrstel na magkasama at hindi naman ako tanga para isiping 'di iyon napapansin ni Portia.

"Nag-abala ka pa," bungad nito sa akin.

"Wala ang salitang abala kapag ikaw ay mahalaga."

Hindi ako puwedeng magkamali. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagngiti ng babaeng nasa aking harapan.

Ngiting hindi nakakasawang pagmasdan. Kung puwede nga lang siyang utusan na ngumiti na lang palagi ay gagawin ko, kaso hindi—hindi ko siya kontrolado.

Kung maaari ko lang din siyang kontrolin, sasabihan ko siya na huwag na umiyak sa isang lalaki.

Hindi nila deserve ang luha ni Portia.

"Corny mo, Neon." She patted my shoulder and never hide her smile. I witnessed how she show her angelic smile.

"Handang magpakacorny, masilayan lamang ang iyong ngiti."

Kakaiba ang epekto sa akin ng ngiti ni Portia. Para bang kahit sobrang dami kong ginawa ay maiibsan agad ang aking pagod. Kung puwede ko lang sanang akuin ang sakit na buhat niya ay ginawa ko na.

Nagpaalam na ako na babalik sa room  ngunit bago ako ako makaalis ay lumabas si Rhael.

Hindi siya lumapit sa mismong pwesto namin, ngunit halata kong inaantay niya si Portia na pumasok sa loob.

What's wrong with him?

Hahakbang na sana ako paalis ngunit agad akong napigil ni Portia. I saw her staring at Rhael's back.

"Huwag mo agad akong mamiss, ha?"

She gave me warm hug.

I hugged her back and I can feel the eyes of Rhael watching the both of us. Maybe right now, iniisip niyang may something between me and Portia.

"Hindi kita mamimiss. Asa ka!"

Nang makabitaw na ako sa pagkakayakap ay yumuko ako upang maging kapantay ko siya.

SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLDWhere stories live. Discover now