CHAPTER 15: HALIK

8 2 0
                                    


"Sis, hindi muna ako sasabay sa iyo ngayon sa pagpasok," ani Kyrstel.
I would have inquired as to why, but she abruptly hung off, leaving me with nothing to do but sigh.

Ni hindi n'ya man lang pinagkusaang sabihin kung bakit hindi siya sa akin ngayon sasabay. At wala na rin naman akong planong alamin dahil may naiisip na akong dahilan kung bakit.

"Oh? Bakit ka nakabusangot?"

"Nothing mom, I'll go now. Namiss kita, chikahan us pag-uwi ko from school. I love you, mom!"

Madali lang akong nakapagpaalam kay mommy. Ni hindi ko na ito nakumusta man lang sa kaniyang trabaho dahip mukhang okay naman at fresh pa rin ang aking ina. Alam ko rin naman kung kailan siya may problema at wala.

I elected to walk to school because it was still early for my first course. Hindi pa naman masiyadong mainit kaya hindi ako mapapawisan, and may towel naman ako just in case.

"Portia!"

Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang boses niya. Nagtatatakbo siyang lumapit sa akin at akmang yayakap ngunit mabilis akong umiwas.

"Napakadamot! Hindi naman kita type," parang batang wika nito.

"Oh? E bakit mo ako yayakapin?"

"Namiss kasi kita," agad nitong sagot. Ewan ko ba kung seryoso ito o nagbibiro. Palagi siyang ganiyan sa akin. Bigla-bigla na lang magiging sweet, biglang nagiging bata, bakla, kuya, pero never naging jowa. HAHAHA.

"You missed me? Kasama mo lang ako noong Saturday ah. In love ka na siguro sa akin," biro ko pa.

"Hala ka, Portia! Napakaassumera mo."

Alam kong never itong magiging in love sa akin. Duh! I know that Neon has a taste on a girl. Hindi ko naman sinasabing wala akong taste pero nasisiguro kong hindi ako yung tipo ni Neon.

"Pero miss mo nga ako?" Tumuloy na kami sa paglalakad dahil baka pagsarhan kami ng gate. Monday pa naman kaya yung masungit na guard ang bantay ngayon.

"What if I say yes?"

Sa sinabi niyang iyon ay ako na ang nagkusang yumakap. Pati sarili ko ay 'di ko alam kung bakit ko iyon ginawa. All I know is I wanna hug him.

"Oh? Bakit nakasimangot ka pa?" iritang wika ko.

Arte naman nito. Siya na nga iyong niyakap, siya pa malakas sumimangot. Minsan talaga'y mapagkakamalan ko na itong bakla.

"Bakla ka 'no?"

Sa paraan ng pagtingin niya ay para bang kaya niya akong suntukin ng wala sa oras.

Napatakip din ako sa aking bibig matapos kong banggitin iyon. Kahit kailan ay wala talagang preno ang bunganga ko at kung ano-ano ang pinagsasasabi.

"Oo, bakla ako. Babush na nga!"

I was shocked by his answer and none of my own burst out laughing. To my laughter I did not expect what happened next

"Tarantado ka Daeneon! Ang sakit ha."

Nakarating kami ng school na parehong sumisigaw. Ang epal kasi nitong si Daeneon at pinitik ang aking ilong. Hindi niya alam na napakasakit noong ginawa niya.

"Bakla pala ha!"

"Kasalanan ko bang para kang bakla?" Hindi ko pa rin mapigilan ang matawa lalo na kapag naaalala ko yung kaninang reaksyon niya.

SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLDWhere stories live. Discover now