Ngayon, tahimik akong naglalakad pauwi ng bahay galing parke dahil nagjogging ako. Maaga pa naman at mamayang 10:30 pa ang first class ko."Miss Suplada?"
Batid kong ako ang tinatawag nito dahil sa napakapamilyar niyang boses. Hindi ko ito pinansin sa halip ay nagpatuloy sa pag-inom ng tubig.
"Hey Miss Suplada!"
Lumalagok ako ng tubig nang may tumapik sa batok ko na naging dahilan nang pagkasamid ko.
"Ano ba!" iritang usal ko. Sino ba naman kasing engot ang mananapik habang umiinom? Sino ba 'to? Kunwari hindi ko kilala.
"What the hell Daeneon?!" Gulat na turan ko. Nagkukunwaring hindi siya nakikilala. Lakas ba ng trip ko? Well, totoo naman.
"Gulat na gulat, miss?"
"Argh whatever. What are you doing here? Are you my stalker?" Makapal pa sa makapal na mukha na wika ko.
"No I'm not. Nanggaling ako sa may lugawan," kuwento niya pa.
Lakas pa ng loob magkwento, istorbo lang siya sa paglalakad ko. Nga pala, tinawag niya na naman akong 'suplada'.
"Mister Daeneon, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako suplada," wika ko. Diniinan ko pa ng pagkakabanggit sa 'hindi ako suplada'.
"But for me, you are." Sandali siyang natahimik sa pagsasalita habang ako ay iritang nakatitig sa kaniya.
"Mine," dugtong niya pa.
Nakaramdam naman ako ng kakaiba dahil grabe siya makatitig, para akong kakainin ng buhay. Shems! Hindi ito puwedeng mangyari.
Bakit ang bilis tumibok ng puso ko?
'Siguro dahil lang sa pagod,' pangungunsinti ko sa aking isipan.
"Napakaaga ang corny mo," tumatawang sambit ko.
"Corny pero tumatawa ka. Happy pill mo na ako niyan?"
"Tsk. Asa!"
Humaba pa nang humaba ang pag-uusap namin hanggang sa ihatid na niya ako bahay. Halos dalawang oras kami nag-usap at kung ano-ano na rin ang napag-usapan namin sa kaniya-kaniyang naming buhay. Daig niya pa ako sa kadaldalan, pero iyong masaklap? He didn't know my name yet. Funny!
Natapos ako sa pag-aayos ng sarili ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Neon kanina.
'But for me, you are mine.'
'But for me, you are mine.'
'But for me, you are mine.'
'But for me, you are mine.'
It can't be happen. Ano na lang ang iisipin noong lalaking 'yon? Na easy to get ako? Hmp! No, I'm not.
Nakarating ako ng school na pawang nakalutang pa rin ang utak sa kalawakan, kaya minarapat ko na lang na maglibot-libot muna.
Tahimik akong nagmamasid dito sa may school garden namin ngayon dahil namiss kong maglakad-lakad sa campus habang nag-aantay sa aming klase. Inagapan ko talaga ng pasok dahil ayaw kong magstay sa bahay kasi kinukulit at ang daming tanong sa akin ni mommy tungkol kay Rhael.
Nakakainis.
Ano bang mayroon kay Rhael at palaging siya ang bukambibig ni mommy? Sa pagkakaalam ko ay isa siya sa napakamanyakis sa buong mundo.
YOU ARE READING
SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLD
RomantizmPortia Aemilius is a woman who has always had bad luck with men. She still pours out so much passion, but it never works. In a relationship, what she wants is to find a man who is willing to love her fully and seriously because she believed that 'If...