CHAPTER 4: COMEBACK

19 9 0
                                    


Hindi madaling kalimutan
ang mga alaala at pinagsamahan
niyo ng isang tao kapag totoong minahal mo ito.

Ever since I got home from school, I have been like a fool talking to myself. Ni hindi ko talaga akalain na ang isang Rhael Caeyos na naging EX ko ay magiging kaklase kong muli.

Is that what we called 'destiny'?

Hmm. I don't think so, 'cause I don't believe in destiny.

"How's your school?"

Nag-angat ako nang tingin sa bagong dating na pumasok sa aking silid. Bahagya akong tumango senyales na ayos lang naman, pero ang totoo ay hindi naman talaga.

Ayan! Diyan ako magaling. Napakagaling ko pagdating sa pagpapanggap. 'Yong tipong kaya kong pakurbahin ang aking labi para lumabas dito ang matatamis kong mga ngiti. 'Yong tipong kaya ko pang magsharedpost sa facebook na animo'y hindi nasasaktan kaya dapat happy-go-lucky lang. 'Yong tipong nakakasabay pa ako sa saliw ng musika, kahit ang puso ko'y durog na durog na.

Ganiyan ako kagaling pagdating sa love. Nakakaya kong itago lahat ng sakit, sa kabila ng ngiting peke at pilit.

My mom sighed.

"At sa akin mo pa talaga nakuhang magsinungalin, Portia!"
Batid kong galit na siya dahil sa tono ng kaniyang pananalita. Kahit kailan talaga ay hindi ko magawang magsinungalin kay mommy, except now. Kilalang-kilala na niya ang isang Portia Aemilius.

"Bakit nakabusangot na naman 'yang mukha mo at para ka na namang dragon na bubuga ng apoy. Anong problema mo Portia Aemilius?" seryosong saad niya.

"Ma, required banggitin 'yong full name?" I was joking but she just kept staring at me seriously.

Wtf! Ayaw ko talaga ng ganitong tindigan niya. Feeling ko ano mang oras ay papalayasin niya ako sa kaniyang pamamahay kapag nagbiro pa ulit ako gayong seryoso niya akong kinakausap.

"Ayan! Kaya walang nagseseryoeo sa'yo kasi puro katangahan 'yang nasa utak mo. Ano bang problema mo ha?"

Hindi pa rin ako umiimik. Gusto kong asarin si mommy. HAHAHAHA. Ang sama ko bang anak? Well, ang sarap pikonin ni mommy kasi ang cute niya magalit.

"Hoy Portia! Ako ba'y tinatarantado mo na naman? Baka bukas ay ipatawag ako sa Principal Office kasi nanggago ka na naman sa school niyo. Ikaw ba'y may sinuntok na naman?"

Hays. Puro kabalbalan na naman ang pinagsasasabi niya. Sinuntok? Napakabait ko naman para manuntok.

"Ma, gawain ko lang ang lahat ng iyan dati pero ngayon ay mabait na po ako."

"E ano bang problema mo at ikaw ay nagkakaganiyan na naman? Ang panget mo baliw."

SERIOUSLY, HE'S SERIOUS | ON HOLDWhere stories live. Discover now