Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth.
~2 Timothy 2:15. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .
Ika-Tatlumpu't Apat na Kabanata
AGAD akong dumeretso sa library pagkatapos ng pagbi-video namin, kung saan sa tingin ko ay nandoon si Yheacka.
Mayroon pang natitirang sampung minuto bago ang afternoon session, may pagkakataon pa akong makausap siya. Gusto ko lang siyang kumustahin ngayong araw dahil alam kong busy din siya. Nagagawa pa niyang magtrabaho bilang student assistant sa library.
Hindi nga ako nagkakamali, dinatnan ko siya sa isang sulok ng silid-aklatan at doon siya ay nag-aayos ng libro. Nilapitan ko siya at agad naman siyang napatayo.
Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap at nagwikang, "Kumain ka na ba?"
Kumalas siya sa aking pagkakayakap at tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ngunit inirapan lang niya ako.
"Oo, ikaw nga yata itong hindi pa kumakain eh," tugon niya.
"Paano mo nalaman?" inosente kong tanong.
Tama ako at hindi ako nagkakamali. Siya nga ang nakita ko kanina. Hindi si ako namamalik-mata.
"Auditorium," tipid na sagot niya.
"Edi nakita mo rin akong kumakanta?" tumango lamang siya sa tanong ko.
Nagseselos na naman ba siya? Hindi ko alam na napakaseloso pala talaga ni Yheacka. Hindi ko naman siya masisisi dahil nag-jowa siya ng pogi, marami talaga siyang pagseselosan. Biro lang.
Akma na sana akong magkukuwento ng tungkol kanina ngunit pinigilan niya ako. Itinapat niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi upang patahimikin ako.
"Kung nandito ka upang magpaliwanag nang nakita ko kanina, hindi na kailangan. Hindi naman ako magseselos dahil lang sa project ninyo. Ang babaw ko namang tao."
Nababasa ba niya ang naiisip ko? Wala pa naman akong sinasabi ngunit mukhang alam na niya talaga ang sadya ko rito.
"Paano—" pinutol niya ang aking pagtatanong.
"Alam ko namang susugod ka rito nang magtama ang mga mata natin kanina eh."
Napakamot ako ng ulo. Kabisadong kabisado na ako ni Yheacka. Pagpunta ko pa lang yata rito kanina, alam na niya ang sadya ko.
"Tandaan mo, I'm not jealous. Hindi ako bintana," wika pa niya na ikinatawa ko.
Nais ko lang naman makasigurado eh. Noong nakaraan na hindi ko pinansin ang pagseselos niya, nagkahiwalay kami. Ayoko lang maulit itong muli.
BINABASA MO ANG
Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓
RomanceVLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2: ARTS AND DESIGN [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Arts and Design is a track that develops the student's skills in terms of drawing, acting, singing, and such. Also, this track improved your creati...