Brows I

2.1K 151 9
                                    

The people walking in the darkness have seen a great light; on those living in the land of deep darkness a light has dawned

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The people walking in the darkness have seen a great light; on those living in the land of deep darkness a light has dawned.
~Isaiah 9:2

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Unang Kabanata

"OH apo, halika na rito. Kumain ka na," aya sa akin ni Wowa Zon, She's my grandmother.

Instead of Lola, she wants to be called 'Wowa'. Siya na ang nagtaguyod sa aming magkakapatid magmula noong iniwan kami ng aming mga magulang.

My mom and sad were separated when I was in grade 7. Dad have an affair with someone so my mom decided to leave and go to other country to work. Apat na taon pa lamang ang nakakalipas kaya napakasakit pa rin tuwing maaalala ko ito.

"Kuya, paabot ng bacon," Toerent said when his mouth was full, he's one of my little brothers.

"Toe, I said don't talk when your mouth is full," seryosong saad ko sa kaniya. Ilang beses ko na silang sinasabihan nito hindi pa rin magtanda. Tsk.

"Oh, ikaw naman Trike, kumain ka riyan huwag kang mag-cellphone," puna ko pa sa isa kong kapatid.

Nang marinig ito ng aking Wowa, hinawakan niya ang aking braso at seryosong tumingin sa akin.

"Tama na yan Titus, kumain na lang tayo ng mapayapa," saway sa akin ni Wowa Zon.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sa tuwing pinapagalitan ko ang aking mga kapatid, sinasaway niya ako. Hayaan ko na lang muna raw at mga bata pa.

Maayos kaming napalaki ni Wowa, katuwang niya si Wowo Biel sa pag-aalaga sa amin. Kaso lang laging busy si Wowo Biel sa company namin kaya si Wowa Zon ang lagi naming kasama.

Si Mom naman after nilang maghiwalay ni Dad ay pumuntang ibang bansa upang maka-move on. Sa company ng isa kong tita sa US siya nagtatrabaho ngayon.

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na ako ng aking sarili upang pumasok sa school.

Habang naglalagay ng wax aking buhok napatingin ako sa aking kilay na mayroong hiwa. Akala ng iba kasali ako sa fraternity dahil sa hiwang ito subalit mas malalim pa ang dahilan kung bakit ako nagkaroon nito.

This eyebrow slit was from the darkest moment of my life.

"Balitaan mo ako apo kapag may natipuhan ka ng babae ngayong unang araw ng eskwela ha." Sabi sa akin ni Wowa habang inaayos ang gamit ko.

"Wowa naman."

"Bakit? Ang tanda mo na hanggang ngayon wala ka pa ring nobyo. Daig ka pa ata ng mga kapatid mo. Si Toe may crush na, si Trike mayroon nang nililigawan."

Napailing na lamang ako sa kaniya. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng girlfriend, takot lamang ako na iwanan sa ere. Kagaya noong ginawa niya.

✧∞༺✩♫✩༻∞✧

Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon