Brows II

722 105 8
                                    

He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning, nor crying, nor pain anymore, for the former things have passed away

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning, nor crying, nor pain anymore, for the former things have passed away."
~Revelation 21:4

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ikalawang Kabanata

PINAGMASDAN ko ang walang malay ngayon na si Khlei na nakahiga sa kama ng school clinic. Ang dami nang nagbago sa kaniyang itsura. Mas pumayat siya ngayon kaysa rati subalit wala pa ring kupas ang kaniyang ganda.

Napatigil ako sa pagtitig sa kaniya ng bigla siyang gumalaw. Ilang sandali pa ay nagkamalay na siya. Napangiti si Khlei nang makita niya ako sa kaniyang harapan.

"Mabuti naman at may malay ka na. Alis na ako," wika ko at akmang aalis na subalit hinawakan niya ang aking kamay.

"Sandali lang," nanghihinang sambit niya.

Lumingon ako sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso. Ano ba gusto ng babaeng 'to? Binitawan niya ang kamay ko at bumuntong hininga.

"Salamat sa pagdala sa akin dito," she said with sincerity.

"Kung wala kang mahalagang sasabihin, aalis na ako. Kailangan ko pang bumalik sa tribe," pagsisinungaling ko.

Hindi ko naman na kailangan bumalik ng Canary sapagkat tapos na ang duty ko. Ayaw ko lang na makasama siya ng matagal. Baka hindi ako makapagpigil, baka bumigay na ako anumang sandali.

Isa akong matatag na tao at hindi basta-bastang umiiyak o lumalambot ang aking puso subalit tuwing naaalala ko ang nakaraan, rumurupok ako.

"Axti, alam kong marami akong kasalanan sa iyo... pero nandito na ulit ako at handa akong ayusin ang lahat ng iyon..." putol-putol niyang wika.

Hindi ko siya kinibo. Hindi pa ako handang kausapin siya at balikan ang nakaraan. Lalo na at sariwa pa rin ang sugat na dulot ng kahapon sa aking puso.

"Sana hindi ka na lang bumalik," mahina kong sambit ngunit alam kong narinig niya ito dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Ayoko ng makausap pa siya kaya naman umalis na ako sa harapan niya bago pa siya makapagsalita. Narinig ko na tinatawag niya ang pangalan ko paglabas ko ng clinic subalit hindi ko na siya nilingon.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang marating ko ang rooftop ng abandonadong building sa pagitan ng senior at junior high school department. Dito ako madalas tumatambay kapag gusto kong mapag-isa.

Nakakainis! Bakit pa kasi ulit nagpakita si Khlei sa akin?! Ang mga pilit kong binabaon sa aking isipan ay bigla na lamang bumalik ang lahat.

Matalik kaming magkaibigan ni Khlei, o higit pa nga roon ang turing ko sa kaniya subalit noong kailangang kailangan ko ng karamay ay pinagtaksilan din niya ako...

Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon